Kaligtasan ng pera at isip mula sa online gambling

August 27, 2025 l Pilipino Mirror

Marami sa atin, lalo na ang mga ­ordinaryong manggagawa, ang nahuhumaling sa online gambling.

Sa simula, iniisip mo na maliit lang ang taya, siguro P50 o P100 kada laro, pero kapag paulit-ulit, ang perang iyon ay mabilis na nagiging libo-libo. Sa isang buwan, ang P100 kada araw ay aabot sa P3,000. Para sa isang ordinaryong empleyado na may buwanang kita na P20,000, ito ay halos 15 porsiyento ng sahod na puwede sanang ilaan sa pagkain, koryente, pamasahe, o ipon para sa kinabukasan. Nakalulungkot isipin na sa halip na umunlad, napupunta ang kita sa isang bisyo na walang pangmatagalang benepisyo.

Nakababahala rin ang dami ng platforms na nag-aalok ng mada­ling access sa online gambling. Isa sa mga hakbang ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay ang pag-unlink ng GCash at Maya sa mga online gambling platforms. Ang ibig sabihin nito, mas mahirap na ngayong mag­lagay ng pera sa mga app na iyon.

Para sa akin, ito ay magandang balita. Mas nahihirapan tayong malulong sa bisyo kung may hadlang sa madaliang paglalagak ng pera. Hindi rin ito nagtatanggal ng problemang pampinansiyal ng mga Pilipino, pero ito ay isang hakbang para mabigyan tayo ng pagkaka­taong mag-isip bago magtaya.

Matututunnan din ng mga nag-oonline gambling na ang disiplina sa sarili ang pinakamabisang sandata. Kahit na may mga platforms na maginhawa, kailangan nating magtakda ng limitasyon. Kung ikaw ay nakararanas ng kahirapan sa paggasta sa online gambling, mahala­gang humingi ng tulong at makipag-usap sa pamilya o kaibigan. Maaari ring sumali sa mga support group o gamiting alternatibong libangan na hindi sumisira sa bulsa.

Sa huli, ang pag-iwas sa bisyong ito ay hindi lamang para sa pera. Ito rin ay para sa kapayapaan ng isip at seguridad ng pamilya. Bawat piso na natitipid mo ngayon ay maaring magdulot ng mas maginhawang bukas. Hindi madali ang lumayo sa tukso, pero kung susubukan natin, ang benepisyo ay malaki.

Mas makakamtan natin ang tunay na kasiyahan sa pamamagitan ng pagtatrabaho, pagtitipid, at pamumuhunan sa sarili kaysa sa pabagsak at panandaliang saya ng online gambling.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email rey.lugtu@hungryworkhorse.com. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189