Pera na pinaghirapan ang matibay na yaman

August 13, 2025 l Pilipino Mirror

Madaling gastusin ang pera na hindi pinaghirapan. Kapag biglang may dumating na ayuda, madalas ang unang iniisip ay paano ito gagastusin ngayon, hindi paano ito mapapahaba o mapapalaki.

Lalo na sa mga pamilyang sanay sa araw-araw na pakikipagsapalaran para lang may makain, ang perang biglang dumarating ay parang biyayang dapat ipagdiwang agad. Kaya marami ang bumibili ng mga bagay na hindi naman talagang kailangan, o inuubos sa iisang araw ang halagang dapat sana ay tumagal ng isang linggo.

Ang ayuda ay malaking tulong sa oras ng krisis. Naramdaman ito lalo noong pandemya, kung saan maraming nawalan ng trabaho. Pero hindi ito pangmatagalan. Kapag nakasanayan na umasa sa bigay ng gobyerno o ng iba, nawawala ang disiplina at pagsusumikap para maghanapbuhay. Hindi rin kayang ipagpatuloy ng gobyerno na magbigay palagi, lalo na kung limitado ang pondo. Kapag natigil na ang ayuda, bumabalik ang problema sa kakulangan ng kita, at mas mahirap makabangon dahil walang stable na pinagkukunan ng pera.

Mas matibay ang kinabukasan kung marunong kumita at marunong mag-ipon. Halimbawa, ang isang nakatanggap ng ayuda ay maaaring gumamit ng parte nito para magsi­mula ng maliit na negosyo, gaya ng pagtitinda ng kakanin o gulay.

May mga kuwento ng mga t­aong ginamit ang natanggap nilang pera para bumili ng gamit sa trabaho­—kariton, sewing machine, o kahit simpleng cellphone para ­makapag-online selling. Unti-unti, dumadaloy ang kita at natututo ­silang palaguin ito.

Ang sipag at tiyaga ang tunay na puhunan para maging tuloy-tuloy ang daloy ng pera. Kapag sariling pawis at oras ang puhunan, mas pinapahalagahan ang bawat piso. Natututo ring magplano, mag-ipon, at maghanda para sa hinaharap. Ang tulong ay dapat maging panimula, hindi maging permanente. Dahil kapag nasanay sa pag-asang may darating na libre, mahirap matutong magbanat ng buto at magsarili.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email rey.lugtu@hungryworkhorse.com. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189