Business Case: Sandata sa pamumunuhan

June 18, 2025 l Pilipino Mirror

Marami sa atin, lalo na ang mga nasa maliit o ­katamtamang laki ng negosyo, o kahit simpleng i­ndibidwal na gustong palaguin ang ipon, ay mabilis ­madala ng “magandang oportunidad.”

Isang kaibigan ang nag-alok ng franchising. Isang kakilala ang may kilalang crypto guru. O kaya’y biglang may lumitaw na bagong app na “siguradong ki­kita.” Pero bago tayo maglabas ng puhunan, tanungin muna natin: may business case ba ito?

Ang paggawa ng investment business case ay hindi lang para sa malalaking korporasyon. Isa itong gabay para hindi tayo mawalan ng direksyon, at higit sa lahat, para hindi masayang ang pinaghirapan nating pera. May agham dito — pagtingin sa market demand, pagcompute ng returns, pag-analisa ng risks. Pero may sining din — ang pakiramdam, ang intuition, ang kakaya­hang basahin ang galaw ng tao at merkado. Hindi sapat ang “gut feel” lang. Pero hindi rin sapat ang puro numero lang.

Natutunan ko na ang tamang timpla ng datos at instinct ang gumagawa ng solidong desisyon. Kailangan nating itanong: Ano bang problema ang sinusolusyunan ng investment na ito? May kakayahan ba akong pondohan at suportahan ito hanggang kumita? Gaano ako kahanda sa posibilidad na malugi?

Sa artikulong isinulat ko kamakailan, sinabi ko na “investment business case is about making a compelling story, backed by evidence.” Ang layunin ng business case ay hindi lang para makumbinsi ang ibang tao, kundi para tayo mismo ay makumbinsi — na alam natin ang pinapasok natin.

Lalo na ngayon, sa panahon ng AI, mabilis ang galaw ng teknolohiya at ekonomiya. Mas lalong kailangan nating maging matalino at maingat sa bawat pisong ating ilalabas. Kung maliit man ang puhunan mo, dapat ma­laki ang pag-iisip bago magdesisyon. Dahil sa dulo, hindi lang pera ang nakataya — pati oras, pagod, at tiwala sa sarili.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email rey.lugtu@hungryworkhorse.com. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189