Kita sa tamang katuwang

February 4, 2026 l Pilipino Mirror

Sa negosyo, bihira ang tunay na yumayaman nang mag-isa. Matagal ko nang natutunan na mas mabilis ­kumita kapag marunong kang makipag-partner. Hindi ito tungkol sa dami ng kakilala. Tungkol ito sa tamang tao na may kakayahang wala ka.

Halimbawa, magaling ka sa paggawa ng produkto pero mahina ka sa benta. Imbes na pilitin ang sarili sa bagay na ‘di mo forte, humanap ka ng partner na mahusay magbenta. Hati kayo sa kita. Oo, mas maliit ang porsiyento mo, pero mas malaki ang kabuuang pie. Mas may saysay ang 30% ng malaki kaysa 100% ng maliit.

Ganyan din sa serbisyo. May kilala akong trainer na solo dati. Pagod, ubos oras, limitado ang kita. Nakipag-collab siya sa ibang trainers na may ibang skills. Ngayon, kaya na nilang kumuha ng mas malalaking ­kliyente dahil kumpleto ang team. Mas mataas ang bayad, mas ­tuloy-tuloy ang projects.

Importante ang malinaw na usapan sa simula. Sino ang gagawa ng ano. Paano hahatiin ang kita. Kailan babayaran.

Hindi ito kawalan ng ­tiwala. Ito ang proteksyon ng ­relasyon ninyo. Ang ­magandang ­partnership ay ­parang ­magandang kasal—may ­respeto, may linaw, may ambag ang bawat isa.

Huwag lang puro kaibigan. Tinitingnan ko lagi ang value na dala ng tao. May network ba siya? May skill na wala ako? May reputasyon? Doon umiikot ang desisyon ko.

Minsan, simpleng referral pa lang, partnership na. May hindi ako kayang project, ipinapasa ko sa iba. Ginagawa rin nila sa akin. Walang kontrata, pero may tiwala. Kita pa rin iyon na hindi ko pinaghirapan nang todo.

Sa panahon ngayon, ­mahal ang oras. Hindi mo kayang gawin lahat. Ang ­pakikipag-partner ang ­nagpapalawak ng abot mo nang hindi lumalaki ang ­gastos mo. Mas mara­ming ­pinto ang nabubukas kapag ­hindi ka ­nag-iisa. At sa totoo lang, mas masaya rin ang pagyaman kapag may kasabay ka.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email rey.lugtu@hungryworkhorse.com. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

Call for Research Papers!

📢 Call for Research Papers! The FINEX Research and Development Foundation, Inc. through its Research Committee invites faculty members, professors, and graduate school students to

Managing uncertainty

April 22, 2026 l Business Mirror In this times of crisis cascading from the ongoing war started by the US and Israel against Iran, I

Barkadahan

April 22, 2026 l Pilipino Mirror Ramdam ang kakaibang sigla sa Valley Golf & Country Club ngayon habang idinaraos ang ika-apat na sunod na linggo

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189