Baguhin ang pananaw sa hinaharap

May 28, 2025 l Pilipino Mirror

This may contain: a man standing on top of a mountain holding a target above his head with the sun behind him

Marami sa atin ang sanay sa “bahala na” o “tingnan na lang bukas.” Madalas nating inuuna ang ­pangkasalukuyang ginhawa kaysa magplano para sa hinaharap. Ayon sa Hofstede Insights, ang Pilipinas ay may score na 27 sa long-term orientation—isang napakababang ­marka. Ibig ­sabihin, mas ­pinahahalagahan natin ang tradisyon at ­panandaliang resulta kaysa sa mahabang paghahanda para sa kinabukasan.

Nakikita ito kahit sa pagti­ngin natin sa insurance. Sa kabila ng kaunting pagtaas sa penetration rate sa 1.89% ngayong 2025 mula 1.78% noong nakaraang taon, malayo pa rin tayo sa global average na 7%. Marami pa rin ang walang insurance. Para bang hindi pa ­natin lubos na naiintindihan ang halaga ng paghahanda sa mga hindi inaasahan.

Ang pagbabago ng mindset ay hindi madali. Pero kailangan. Dapat nating tanungin ang sarili natin: Hanggang kailan ba natin kakayaning ipagsawalang-bahala ang kinabukasan? Hindi sapat ang pagiging masipag o matalino kung hindi tayo marunong magplano para sa mga darating na taon. Hindi masamang umasang magiging maayos ang lahat, pero mas mabuting may backup plan tayo—at dito pumapasok ang insurance, pag-iipon, at long-term investments.

Kung gusto nating umunlad bilang bansa, kailangan magsimula sa personal na pagbabago. Mag-ipon kahit kaunti. Magtanong tungkol sa mga paraan para maprotektahan ang ating sarili at pamilya. Matutong maghintay at magsakripisyo ng kaunti ngayon para sa mas maayos na bukas.

Hindi ito tungkol sa pera lang. Ito ay tungkol sa pananaw—kung paano natin tinitingnan ang buhay at hinaharap. Kung patuloy tayong mamumuhay na parang ngayon lang ang mahalaga, paulit-ulit ta­yong mabibigo kapag dumating ang krisis. Pero kung matututo tayong magplano, mas magiging matatag tayo. Sa huli, nasa atin ang desisyon kung saan papunta ang buhay natin. Ang tanong: handa ba tayong isipin hindi lang ang ngayon, kundi pati ang bukas?

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email rey.lugtu@hungryworkhorse.com. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

Puwede kaya ‘to?

May 13, 2026 l Pilipino Mirror Nitong mga nakaraang araw ay mapapansing hindi na gaanong kalala ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Gayunpaman

Did America really win the war vs. Iran?

May 13, 2026 l Business Mirror America outlined its goals in Iran as: crush its ability to erect a nuclear weapon; curtail Iran’s warlike allies

Turning 70 is a bonus

May 8, 2026 l The Manila Times My UP high school class of 1972 held a party dubbed “Prep 72 turns 70” to celebrate our

Real estate opportunity?

May 7, 2026 l Manila Bulletin Reports indicate a condominium glut of 74,000 to 75,300 unsold units, an inventory that could take 5.8 to 8.2

Diskarte sa Init

May 6, 2026 l Pilipino Mirror Kapag tag-init sa Pilipinas, ramdam agad sa bulsa. Hindi lang init ang tumataas—kasama ang koryente, tubig, at kahit pagkain.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189