MGA ARAL MULA KAY RICH DAD

Earvin Salangsang l December 13, 2023 l Pilipino Mirror

ISA na marahil ang librong Rich Dad Poor Dad sa ­pinaka-kontrobersiyal na lathalaing pampinansiyal dahil sa mga hindi pangkaraniwan nitong pananaw.

Nailathala noong 1997, sinasabing ang benta nito ay umabot na sa lampas 40 milyong kopya at pa­tuloy pa rin ang pangtakilik ng mga mambabasa hanggang ngayon. Isinulat ito ng isang matagumpay na negosyante na si Robert Kiyosaki hango sa mga natutunan niya sa kanyang tinatawag na “Rich Dad” noong nagtrabaho siya para rito at mga aral din hango sa kanyang sariling karanasan noong siya naman ang nagnenegosyo. Maraming mga aral pampinansiyal ang mapupulot mula sa librong ito ngunit hayaan ninyong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga paborito kong aral.

Pay yourself first.
Ang konseptong ito ay nanghihikayat na unahin ang pag-iipon o pag-i-invest ng bahagi ng suweldo o kita bago ang iba pang mga bayarin. Halimbawa, magtabi ng 10% ng iyong sahod bago bayaran ang bill sa tubig, koryente, upa sa bahay at iba pa. Disiplina ang pinaka- kritikal na sangkap sa konseptong ito. Itinuturo nito na unahin ang pangmatagalang plano upang mapabuti ang pinansiyal na katayuan bago ang anuman. Maaa­ring napakahirap nitong gawin ngunit kapag sinamahan ng disiplina ay magagawa ito hanggang sa makaugalian na sa katagalan.

Financial Literacy
Ano nga ba ang asset at liability? Para sa isang accountant ay madali lang ito ngunit para sa mga hindi ay maaaring iba-iba ang interpretasyon. Ang hinuhulagang bahay o sasakyan ba ay asset? Sa libro ay simpleng inilarawan ni Robert ang asset bilang pag-aari na nagpapasok ng kita at ang liability naman ay umuubos ng kita. Ang mga mayayaman ay nagpapalaki ng asset habang ang mga middle at lower class ay nalulubog sa liability na sa akala nila ay mga assets. Napakahalagang matuto ng financial lite­racy upang mabago ang pananaw sa mga bagay pampinansiyal.

Mindset
“Mahal ‘yan. Hindi ko kayang bilhin ‘yan.” Sa halip na ganitong pananaw ang isabuhay ay isipin kung paano makakamit ang mga ninanais. “Paano ko kaya ito mabibili?” Ang ganitong bagong pananaw ay nagbubukas ng mga posibilidad at hamon para sa sarili. Sa halip na tumigil dahil hindi kayang bilhin ang isang bagay, gamitin ang imahinasyon upang makaisip at gumawa ng mga paraan upang kumita. Huwag panghinaan ng loob kung sa ngayon ay mahirap makamit ang mga kagustuhan. Gawin itong inspirasyon upang magsumikap pa lalo.

Work to Learn
Huwag hayaan na sahod at makapagbayad lamang ng gastusin ang motibasyon upang magtrabaho. Samantalahin ang trabaho upang matuto ng mga bagong kakayahan at mapaunlad pa ang sarili. Makipagtrabaho sa higit na madiskarte at magaling upang matuto mula sa kanila. Subukang maikot lahat ng departamento ng kompanya upang matutunan ang bawat aspeto nito. Maaaring sa una ay maliit lamang ang epekto nito ngunit sa kalaunan ay magdudulot ito ng higit na halaga. Maaari ring magamit ang mga natutunan sakaling susubok na ng sariling negosyo.

Mapapansin na hindi lamang sa pampinansiyal na payo naka-focus ang libro kundi maging sa pagkakaroon ng disiplina, pagpapaunlad ng sarili kakayahan at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay.

*** Ang may akda ay Vice ­Pre­si­dent-Finance/­Comptroller ng DES Finan­cing Corporation, isang kumpanyang nagbibigay ng ­serbisyong-pinancial sa mga ­retiradong sundalo ng AFP at ­kanilang mga benepisyaryo.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189