BENEPISYO NG PANGUNGUTANG

Earvin Salangsang l November 8, 2023 l Pilipino Mirror

Napakarami na ng mga paraan upang makautang ngayon. Mula sa traditional na mga bangko, credit card at mga financing companies, maging ang ating mga cash wallet applications sa ating mga cellphones ay maaaari na rin tayong maka-access ng cash loans. Kaya naman, marami sa ating mga kababayaan ang umuutang kahit hindi naman kailangan dahil napakadali nga naman nitong ma-access. Walang masama sa pangungutang. Nagiging masama lamang ang epekto ng utang kung ginamit ito sa walang kabuluhang bagay. Bad credit o bad debt ang madalas na tawag dito na kung saan ay walang bumabalik na pakinabang mula sa pinag-gamitan ng utang. Ano naman ang good credit? Ito naman ang utang na ginamit sa mga bagay na maaaring makatulong sa pagdagdag ng ating kita at pagandahin ang pinansyal na kalagayan. Pag-usapan natin dito ang ilang mga benepisyo ng maayos na pangungutang.

Accessible na Puhunan
Pangungutang ay isa sa mga pinaka-madaling paraan upang maka-access ng puhunan kung mag-nenegosyo. Sa katunayan, isa sa mga mandatos ng gobyerno at mga bangko ngayon ay ang magpautang sa mga maliliit at mga gustong mag-umpisa ng negosyo. Kung mapapatakbo ng maayos ang naitayong negosyo, ang kita o cash flow na magmumula rito ay ang maaaring gamitin sa pagbabayad ng buwanang hulog sa inyong utang.

Leverage
Mas nakakamura ang mga negosyo sa pagbili ng bultuhan o ang tinatawag na pakyawan. Nagbibigay din ang ilang mga suppliers ng discounts kapag cash ang pagbayad. Malaki ang maitutulong ng pag-utang ng mga short-term loans upang masuportahan ang gamit na working capital upang samantalahin ang mga ganitong pagkakataon. Ang mga benepisyo ng mga trade discounts at mga rebates ay posibleng mas higit pa sa babayarang interest sa nakuhang loan.

Asset Acquisition
Ang makukuhang loan ay pwedeng gamitin sa pagbili ng mga assets na tumataas ang value kinalaunan tulad ng real estate. Maaari ring i-invest ito sa mga assets na nagdadala ng kita tulad ng pagpapatayo ng mga paupahang-bahay, pagbili ng mga makinarya para sa negosyo, o mga sasakyan tulad ng mga motor, kotse at delivery trucks para sa mga logistics business.

Investment sa Edukasyon
Ang pagpapa-unlad ng sariling kakayanan ay magbubukas ng mas maraming oportunidad upang kumita. Maliban sa pag-nenegosyo, ang perang makukuha sa pangungutang ay maaaring i-invest sa inyong sarili. Maliban sa traditional na edukasyon, maaari ring mag- enroll sa mga workshops, mga vocational schools, trade fairs at mga business forums upang makakuha at matuto ng mga panibagong kakayanan.

Emergency
Ito marahil ang pinaka-karaniwang dahilan kung bakit tayo umuutang lalo na kung wala tayong emergency fund o insurance. Ang pag-utang upang maka-rekober sa pinsala ng mga sakuna o gastusin kapag tayo ay nagkasakit ay isang paraan upang hindi gaanong maramdaman ang pinansiyal na epekto ng mga ito.

Bagamat may benepisyong dulot ang pangungutang, ito rin may potensyal na panganib kasama na ang interest at pagkalubog dito. Mahalagang tandaan na kailangan ang kritikal na pag-susuri ng inyong layunin, pinansyal na kalagayan, budget, at kakayanan bago umutang. Sa huli, nakadepende sa responsableng pamamahala ng utang ang magiging epekto nito sa atin.

*** “Ang may akda ay Vice President-Finance/Comptroller ng DES Financing Corporation, isang kumpanyang nagbibigay ng serbisyong-pinancial sa mga retiradong sundalo ng AFP at kanilang mga benepisyaryo.”

Recent Posts

Linggo ng Econ at Fin Lit

Earvin Salangsang l November 13, 2024 l Pilipino Mirror ANO ang inflation? Ano ang sanhi nito? Ano ba ang law of supply and demand? Paano

Unlocking investments in clean energy

Joseph Araneta Gamboa l November 13, 2024 l Business Mirror THE future of energy is always in a state of flux, making it difficult to

Social media’s market influence

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l November 8, 2024 l Business World In recent years, social media has evolved from a tool for personal connection to

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189