MGA GABAY SA WASTONG PAGGAMIT NG UTANG

James Patrick Q. Bonus l April 26, 2023 l Pilipino Mirror

MARAMING mahahalagang pagga­gamitan ang utang. Isa na rito ang pagpondo o pagpapalago ng negosyo. Ngunit ito rin ay isa sa mga kadahilanan ng pagbagsak at pagkakalugi ng mga ilang kabuhayan. Ganito rin sa pampersonal na buhay: Malaking tulong ang utang, ngunit nagiging balakid din ito at pabigat kung hindi wasto ang paggamit. Ang mga susunod ay mga gabay sa wastong paggamit ng utang sa inyong ­buhay.

Masinop at intensyonal na paggamit ng utang
Kung nagsisimula ka pa lang sa paggamit ng utang tulad ng credit card, mag-umpisa ka ng dahan-dahan. Huwag mong agad-agad gamitin ang buong credit limit mo. Bagkus, unti-untiin ang paggamit sa pamamagitan ng maliliit na bayarin ngunit bayaran ng buo ang utang bawat buwan.

Kilalanin at disiplinahin ang sarili
Sa panahon ngayon mas pina­dali na ang pagbili ng kung anu-anong bagay, mula sa mga panga­ngailangan tulad ng pagkain, hanggang sa mga luho tulad ng mga mamahaling damit o ga­dgets. Huwag basta-basta magpapakasasa sa mga ito. Marami ang nababaon sa utang dahil sa walang habas na paggastos sa mga bagay na hindi naman nila talaga kina­kailangan o maa-afford. Kung hindi mo kayang bayaran in cash, huwag bilhin on credit. Kilalaning mabuti ang iyong sarili, at kung isa sa kahinaan mo ay ang kawalan ng displina sa paggastos, umiwas muna sa paggamit ng utang.

Magbayad ng kumpleto at sa tamang oras
Malaking tulong ang utang lalo’t kapag kinakapos sa puhunan o kaya nama’y mayroong hindi maiwasang gastusin tulad ng mga emergency. Ang utang ay isang pangako na iyong ibinigay kapalit ng pera na ipinahiram. Ugaliing magbayad ng utang ng kumpleto at sa wastong oras upang mapanatili ang tiwala at kredibilidad mo sa mga nagpapautang, at makaiwas sa lumulobong interes.

Maraming benepisyo ang dala ng wastong paggamit ng utang. Maging masinop sa paggamit nito, mag-practice ng disiplina sa sarili, at ugaliing magbayad ng utang ng maagap at buo. Tulad ng negosyo, ang ating pampersonal na buhay ay nakaasa sa wais na pagpasya, kabilang ang wastong paggamit ng utang.

*** Ang may-akda ay kasaluku­yang Deputy Country Manager & Chief Finance Officer ng FinScore, isang fintech firm na tumutulong sa mga lehitimong kumpanyang nagpapautang sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na sumusuri sa kakayahang magbayad ng nanghihiram gamit ang alternatibong impormasyon na hinda tradisyonal na ginagamit sa pagpapautang. Nagtuturo din ang may-akda ng mga paksa ukol sa finance sa pamamagitan ng Acepoint.ph Training Consultancy Services.

Recent Posts

Optimism bias

January 3, 2025 l Business World The start of a new year brings a palpable sense of renewal and possibility. For many, it symbolizes a

Goals & plans: Don’t share… except…

December 31, 2024 l Manila Bulletin Goal setting and planning is a good strategic activity, not only for your business but in your personal life

Understanding the value of trends

Reynaldo Lugtu, Jr. l December 27, 2024 l BusinessWorld Each year, as December fades into January, the world of business is inundated with articles and

What could go wrong or right in 2025?

Ronald Goseco l December 27, 2024 l The Manila Times This article will describe what could go wrong and right in 2025. “Peace on earth,

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189