ANO ANG FINANCIAL INCLUSION?

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 28, 2022 l PILIPINO Mirror

ANG KOLUM na PeraPera na magsisimula sa araw na ito ay isang financial literacy project ng CSBank at FINEX.

Layunin ng proyektong ito na maipaabot sa ating mga kababayan ang kaalamang pinansyal sa pamamagitan ng kolaborasyon ng Citystate Savings Bank (CSBank), Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) at PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid Sa Negosyo!

Lumabas sa 2021 Financial Inclusion Survey (FIS) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tumaas sa 56% mula sa 29% noong 2019 ang mga kababayan natin na may bank account.

Pinapakita nito na isa sa dalawang Pilipino of legal age ay kasali sa financial inclusion. Ano nga ba ang financial inclusion na ito?

Ayon sa BSP, ito ay ang katibayan ng paggamit ng financial services at products, kabilang ang savings o pag-impok, credit or pautang, insurance, pagbayad or payments, pera padala o remittance, at pag-invest.
Pero ayon sa BSP, ang pagtaas ng mga bank account ay dahil sa pagdami ng gumagamit ng mga e-money accounts, na umakyat ng 36%, o 27.5 milyong na Pilipino sa 2021, mula sa 8% noong 2019. Ang e-money ay pera na nakalagay sa smart phone o mga card na pwedeng gamiting pambayad o i-withdraw.

Bukod dito, ang mga may bank account ay lumobo ng halos doble noong 2021 o 18 milyong Pilipino, mula 6.6 milyon noong 2019.

Ang pagdami ng gumagamit ng financial services nitong pandemic ay tugon sa paglipat sa mga digital services, lalo ang sa mga financial transactions.

Ngunit marami pa ring mga Pilipino ang hindi kasali sa financial inclusion. Kaya naisip ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) ang pakikipagpartner sa CSBank (Citystate Savings Bank) para maghatid ng information sa isang weekly column tungkol sa pagtitipid, pag-iimpok, pamumuhuman at paggamit ng technology sa financial services. Ito ang PeraPera.

Kabilang sa mga contributor ng PeraPera column ay mga miyembro ng FINEX at ibang writers, na magbabahagi ng mga tips at financial suggestions na makatulong sa mga readers. Kung may mga topic na puede makatulong sa inyo, huwag magatubiling na mag contact sa FB Messenger: Citystate Savings Bank, o sa “Contact Us” portion ng CSBank website, www.citystatesavings.com.
Abangan ang mga kasunod na topics para sa karagdagang kaalaman tungkol sa financial inclusion.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang kumpanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa digital at culture transformation. Siya ay nagtuturo ng strategic management sa MBA Program ng De La Salle University. Ang may-akda ay maaring i-email sa rey.lugtu@hungryworkhorse.com

Recent Posts

ANG PAG-USBONG NG CRYPTOCURRENCY

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l May 15, 2024 l Pilipino Mirror SA KASALUKUYAN, ang pamumuhunan sa ­cryptocurrency sa Pilipinas ay patuloy na lumalago at ­nagiging

Planning

FLOR G. TARRIELA l May 14, 2024 l Manila Bulletin  Dwight Eisenhower: “Plans are nothing; Planning is everything.” What is planning? Is it important? Benjamin

The state of cryptocurrency

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l May 10, 2024 l Business World Cryptocurrency, once a niche interest, has exploded into mainstream consciousness, yet its journey has

Cold War economic opportunities

RONALD GOSECO l May 10, 2024 l The Manila Times FINEX invited Prof. Ronald Mendoza, PhD to speak at its Fourth General Membership Meeting last

Lessons from the Neanderthals

REYNALDO C. LUGTU, JR. l May 9, 2024 l Manila Bulletin The new Netflix documentary “Secrets of the Neanderthals” offers intriguing insights into the lives

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189