Pagbuo ng emergency fund

November 12, 2025 l Pilipino Mirror

Ngayong pumalo na naman ang mga natural na sakuna tulad ng bagyo at lindol, nasubok na naman ang mga Pinoy sa kanilang kahandaan.

Isa nga sa mga masakit na katotohanan na kakaunti lamang sa atin ang handa hindi lamang sa pisikal, ngunit sa pinansiyal na aspeto. Kung mayroon mang nakapagplano at nakaipon ng emergency fund ay sasapat lamang ito sa isa o hanggang tatlong buwang pangangailangan.

Sa bansang sakto lamang ang kinikita ng mga manggagawa para sa araw-araw na gastusin, walang tigil na pagtaas ng mga bilihin at palagiang mga sakuna ay napakahirap naman talagang makabuo ng emergency fund. Isa ito sa mga masakit na katotohanan na kahit ang mga may maaayos na trabaho at pagkakakitaan ay hirap na umpisahan. Gayunpaman, mas mabuti ang maumpisahan ito dahil kaakibat na ng buhay natin ngayon ang sakuna at iba pang mga hindi inaasahang mga pangyayari.

Ang unang hakbang sa pagbuo ng emergency fund ay pagtukoy kung magkano ang kailangang ipunin. Karaniwang rekomendasyon ng mga financial experts ay magkaroon ng ipon na katumbas ng tatlo hanggang anim na buwang gastusin. Tanggapin man natin o hindi, ang hirap nitong gawin ngunit ang mahalaga rito ay ang pagbubukas ng kamalayan na mayroon tayong dapat umpisan. Maaaring mukhang malaki ito, ngunit kung dahan-dahang sisimulan, posible itong maabot.

Ikalawa, kailangang itakda ang layunin at disiplina sa pag-iipon. Ang emergency fund ay hindi para sa luho o biglaang pagbili ng mga hindi kailangan. Maganda kung magbubukas ng hiwalay na savings account na nakalaan lamang para rito. Sa ganitong paraan, hindi ito madaling magalaw. Maaari ring magtakda ng awtomatikong hulog o “auto-debit” bawat suweldo upang masiguro na tuloy-tuloy ang pag-iipon kahit abala sa ibang gastusin. Ikatlo, magsimula sa maliit ngunit tuloy-tuloy. Hindi kailangang mag-ipon agad ng malaking halaga. Ang mahalaga ay ang consistency. Lalaki rin ito sa paglipas ng panahon.

Ikaapat, unawain kung kailan lamang dapat gamitin ang emergency fund. Hindi ito para sa mga planadong gastos tulad ng bakasyon at gadgets. Dapat gamitin lamang ito sa mga tunay na kagipitan halimbawa nalang ang kawalan ng kabuhayan, pansamantalang pagkawala ng trabaho, pag-aayos ng nasirang bahay, biglang pagkakasakit ng miyembro ng pamilya, o pinsalang dulot ng sakuna. Sa ganitong paraan, mananatiling buo at makabuluhan ang layunin ng pondo.

Ika-lima, pagkatapos gamitin, agad itong buuin muli. Kapag nagamit ang emergency fund, mahalagang agad magplano kung paano ito mapupunan. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pagbabalik ng regular na ipon o pagdaragdag ng kaunting halaga bawat buwan hanggang sa maibalik sa dati.

Higit sa lahat, ang pagbuo ng emergency fund ay isang anyo ng paghahanda at pagmamahal sa sarili at sa pamilya. Hindi man nito mapigilan ang sakuna, makatutulong ito upang hindi tayo mabigla sa gastusin at makapagpatuloy sa normal na pamumuhay. Sa huli, ang pagkakaroon ng emergency fund ay hindi lamang tungkol sa pera, kundi tungkol sa kapayapaan ng isip. Kapag alam mong may nakahandang reserba, mas madali kang makakakilos at makakagawa ng tamang desisyon sa gitna ng krisis. Tulad ng kasabihan, “Kung may isinuksok, may madudukot.”

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email earvin.salangsang@desfinancing.net. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189