Kaalamang pinansiyal hatid ng FINEX

September 17, 2025 l Pilipino Mirror

Sa mabilis na pagbabago ng ekonomiya ngayon, naging mahalaga ang financial literacy o kaalamang pinansiyal.

Mula sa pagbuo ng budget sa tahanan hanggang sa paggamit ng digital banking, ang tamang desisyon sa pananalapi ay may direktang epekto sa kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino.

Dito mapatutunayan ang kahalagahan ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) bilang pangunahing tagapagtaguyod at tagapagpahayag ng kaalaman sa wastong pamamahala ng pera. Saklaw ng FINEX ang parehong antas ng grassroots level at boardroom level sa pamamagitan ng community engagement at professional development.

Naniniwala ang mga miyembro nito sa halaga ng financial literacy hindi lamang para sa mga corporate executive at negosyante, kundi para sa karaniwang Pinoy na kumikita, gumagastos, nag-iipon, at nangangarap ng mas magandang kinabukasan.

Samantala, nakikilala naman ang Junior FINEX Committee (JFINEX) sa pag-organisa ng Inter-Collegiate Finance Competition (ICFC) bawat taon mula pa noong 1999. Ito’y madalas na tawaging “Olympics of Finance” dahil sa paligsahang ito, pinapakita ng mga estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan at kolehiyo ang kanilang kaalaman tungkol sa ekonomiya, corporate finance, at investment management. Nagsisilbi rin ang ICFC bilang training ground ng mga susunod na lider sa pananalapi dito sa ating bansa.

Mayroong campus tours ang mga taga-JFINEX sa kanilang school chapters na nakabase sa mga pangunahing lungsod ng Luzon, Visayas, at Mindanao upang matulungan ang mga estudyante sa pag-unawa ng posibleng career path sa larangan ng finance. Dito nila ipinakikilala ang praktikal na aspeto ng financial literacy at sila’y nagsisilbing tulay sa pagitan ng academic learning at real-world expectations – kasama na ang business ethics literacy.

Mahalaga rin ang Social Involvement Committee ng FINEX Foundation na nakatuon sa mga proyektong may direktang benepisyo sa mga komunidad. Mahigit sampung taon na ang kanilang basic financial literacy seminars at webinars dulot sa mga underprivileged groups, uniformed personnel, retirees, senior citizens, youth organizations, at mga micro-entrepreneurs.

Noong 2021, inilathala nito ang libro na pinamagatang “Handbook on Personal Finance” na sinundan noong 2022 ng “Gabay sa Wastong Pamamahala ng Pera” – ang natatanging Filipino-translated edition.

Ang FINEX Academy, ang pinakabagong sangay ng kapisanan ng mga Chief Finance Officer (CFO) sa Pilipinas, ay nag-aalok ng advanced training para sa mga CFO at senior finance officers ng iba’t-ibang kumpaniya. Bagama’t napagtuunan nito ang corporate governance at digital transformation, nananatili ang panguhaning layunin ng akademyang ito: ang pagpalaganap ng responsableng pamamahala ng pananalapi. Ang mga kumukuha ng kurso sa FINEX Academy ay nagiging modelo ng tamang financial practices na maaring ipasa sa kanilang mga empleyado at stakeholders.

Sa labas ng unibersidad at komunidad, aktibo rin ang FINEX sa pampublikong kampanya sa financial literacy. Sa pakikipagtulungan ng Bangko Sentral ng Pilipinas at ng FINEX Ethics Committee, nakapaglimbag sila ng dalawang aklat tungkol sa pananalaping etikal.

Nagsusulong ang mga aklat na ito ng kahalagahan ng integridad sa industriya – isang aspeto ng financial literacy na napapangalagaan ang publiko kung patas at tapat ang mga institutusyong pinansyal pati mga kalakalan ng mga negosyante at namumuhunan.

Ngayong nasa Information Age na tayo, nagkaroon ng mga external collaboration ang FINEX Media Affairs and Communications Committee sa pamamagitan ng lingguhang kolum sa limang pangunahing pahayagan tulad ng PILIPINO Mirror at BusinessMirror. Naipaliliwanag nito ang mga konseptong pang-ekonomiya sa paraang madaling maunawaan ng karaniwang mambabasa.

Isang halimbawa itong kolum na pinamagatang “PeraPera” – ang lingguhang kolaborasyon ng Citystate Savings Bank (CSBank) at ng FINEX Media Affairs and Communications Committee dito sa PILIPINO Mirror mula noong 2022 sa panahon ng pandemya. Sa ganitong paraan, nagkaroon ng plataporma ang FINEX at CSBank para abutin ang mas malawak na sektor ng lipunang Pilipino.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email nextgenmedia@gmail.com. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189