Puwede kaya ‘to?

May 13, 2026 l Pilipino Mirror

Nitong mga nakaraang araw ay mapapansing hindi na gaanong kalala ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. Gayunpaman ay mukhang matatagalan ang pagbalik nito sa dating presyo sa level bago mangyari ang tensiyon sa Gitnang Silangan.

Patuloy pa rin ang epekto nito sa ating bansa. Kapag tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, tumataas ang pasahe, presyo ng pagkain, koryente, at iba pang pangunahing bilihin. Sa ganitong sitwasyon, lumilitaw ang mungkahi na pansamantalang alisin ang Value-Added Tax (VAT) bilang agarang tugon upang maibsan ang pasanin ng mamamayan.Sa ngayon ay ang pagtanggal sa excise tax at ang pagbibigay ng ayuda ang makikitang ipinatutupad ng ating pamahalaan.

Maganda rin naman ang ayuda upang pansamantalang matugunan ang pangangailangan ng mamayan ngunit alam naman natin na hindi ito para sa lahat. Kaya naman patuloy pa rin ang panawagan na kung maaari ay VAT ang suspindehin para pangkalahatan ang maging epekto nito. Bilang hindi naman ako ekonomista, aatakihin ko ang isyung ito gamit ang algebra. Ngunit bago ang lahat alamin muna natin ang VAT.

Ang VAT ay isang buwis sa konsumo na kasalukuyang nasa 12% sa Pilipinas. Halos lahat ng produktong binibili ng ordinaryong Pilipino mula sa pagkain, kuryente, gasolina, serbisyo, at iba pa ay may kasamang VAT. Isa ito sa pinakamalaking pinagkukunan ng kita ng gobyerno upang pondohan ang edukasyon, imprastraktura, serbisyong pangkalusugan, at ayuda sa publiko. Malaking bahagi ng kabuuang kita ng gobyerno ay mula sa buwis, kabilang ang VAT.

Isa sa mga indikasyon ng progreso ng isang bansa ay mataas na Gross Domestic Product
(GDP). Ang GDP ay sukatan ng kabuuang produksyon at paggastos ng isang bansa. Upang makuha ito susumahin ang household consumption, business investments, government spendings at net exports (GDP = C+I+G+X). Kung titignan, ang government spending ang unang maaapektuhan kung sususpendihin ang VAT dahil buwis ang pangunahing pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan.

Kapag lumiit ang koleksyon ng gobyerno, maaaring mabawasan ang pondo para sa edukasyon, imprastraktura, at social services, o mapilitan ang gobyerno na umutang upang punan ang kakulangan. Ngunit kung tatanggalin naman ang VAT, bababa ang presyo ng mga bilihin, tataas ang purchasing power ng mamamayan kaya tataas din ang household consumption. Kung tataas ang household consumption, kikita ang mga negosyante at mahihikayat na mag-invest pa at magtayo pa ng mga negosyo.

Kung maraming negosyo, mas marami ang pagkakataong makapag-export. Kung ganito, kahit bumaba pa ang government spending ngunit tataas naman ang household consumption, investments at exports ay tataas pa rin ang GDP.

Ngayong panahon ng krisis, kailangan ba natin talaga ng mataas na government spending lalo’t wala pang nakukulong sa mga nakaraang isyu? Hindi ba pwedeng suspendihin ang mga imprastraktura at unahin nalang muna ang edukasyon at social services habang hinihintay nating humupa ang tensyon? Hindi ba pwedeng imbes na ayuda ay babaan nalang ang presyo ng mga produkto at serbisyo upang mas marami ang makaramdam at makinabang?

Mababang tax at mababang presyo upang mapanatiling mataas ang purchasing power ng mamamayan. Sa teorya ay mukhang epektibo naman. Puwede kaya ‘to?

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email earvin.salangsang@desfinancing.net. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

Did America really win the war vs. Iran?

May 13, 2026 l Business Mirror America outlined its goals in Iran as: crush its ability to erect a nuclear weapon; curtail Iran’s warlike allies

Turning 70 is a bonus

May 8, 2026 l The Manila Times My UP high school class of 1972 held a party dubbed “Prep 72 turns 70” to celebrate our

Real estate opportunity?

May 7, 2026 l Manila Bulletin Reports indicate a condominium glut of 74,000 to 75,300 unsold units, an inventory that could take 5.8 to 8.2

Diskarte sa Init

May 6, 2026 l Pilipino Mirror Kapag tag-init sa Pilipinas, ramdam agad sa bulsa. Hindi lang init ang tumataas—kasama ang koryente, tubig, at kahit pagkain.

Exploring new business frontiers in Central Asia

May 6, 2026 l Business Mirror Almaty, Kazakhstan–Sitting at the crossroads of the Eurasian landmass, Central Asia consists of eight former Soviet republics that gained

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189