Bantay sa kaban ng bayan

September 10, 2025 l Pilipino Mirror

Paulit-ulit nating naririnig ang mga kuwento at balita tungkol sa flood control projects na dapat sana’y ­makapipigil sa matinding pagbaha, pero nauwi lang sa ­alegasyon ng ­overpricing, ghost projects, at hindi natapos na imprastruktura.

Ang mga ganitong pangyayari ay malinaw na halimbawa kung paano naaabuso ang kaban ng bayan kapag walang sapat na pagbabantay. Kung tayo’y mga ordinaryong mamamayan, paano natin masisiguro na hindi mauuwi sa bulsa ng iilan ang perang galing sa buwis na ating pinaghirapan?

Una, dapat tayong maging mapanuri at aktibong humihingi ng impormasyon. May ­karapatan tayo sa ilalim ng Freedom of Information para malaman kung saan napupunta ang mga pondo. Hindi kailangan maging eksperto sa ­batas o engineering para magtanong. Kapag may proyekto sa ating barangay, maaari tayong dumalo sa public hearings, o mag-follow up sa lokal na pamahalaan kung natapos ba ito sa tamang oras at may kalidad.

Ikalawa, mahalaga ang partisipasyon sa mga citizen watchdog groups at paggamit ng teknolohiya. Marami nang apps at online platforms kung saan puwede tayong mag-report ng anomalya o mag-upload ng litrato ng proyektong iniwanan o hindi natapos. Halimbawa, pwede tayong magbigay ng feedback sa mga flood control projects sa Sumbong sa Pangulo (https://sumbongsapangulo.ph/). Ang simpleng pag-post ng ebidensya sa mga ganitong paraan at sa social media ay maaaring magdulot ng pressure sa mga opisyal na managot.

Ikatlo, huwag nating maliitin ang kapangyarihan ng pakikiisa. Kapag sama-sama ang komunidad sa pagtanong at paniningil ng pananagutan, mas mahirap para sa mga tiwaling opisyal na magtago. Ang bayanihan sa pagbabantay ng pondo ay kasing halaga ng bayanihan sa pagtulong sa panahon ng sakuna.

Sa huli, ang kaban ng bayan ay hindi pera ng mga politiko kundi pera nating lahat. Kung manana­himik tayo, parang binibigyan natin ng pahintulot ang katiwalian. Pero kung kikilos tayo, magtatanong, at magsusumbong, nagiging konkretong depensa tayo laban sa korapsyon. Ang pagbabago ay hindi agad-agad, pero nagsisimula ito sa tapang ng bawat isa na ipagtanggol ang pinaghirapang pera ng sambayanan.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email rey.lugtu@hungryworkhorse.com. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189