Paghahanda sa panahon ng pagbagal ng ekonomiya

April 30, 2025 l Pilipino Mirror

This may contain: a close up of two bills with the flag of philippines in the foreground and an american flag in the background

Ngayong inaasahan na babagal ang ekonomiya ng ­Pilipinas sa limang porsiyento ngayong taon, ayon sa mga eksperto, kailangan nating lahat na maghanda. ­Hindi na ito panahon para magpabaya o maghintay kung ano ang ­mangyayari. Bilang isang negosyo o empleyado, may magagawa tayo para makaraos at makasabay sa mga darating na pagsubok.

Kung ikaw ay may negosyo, kailangan mong maging mas matalino sa paggastos. Hindi na puwedeng padalos-dalos sa investments o expansion. Kailangang suriin kung ano talaga ang bumebenta at kumikita. Kung may produkto o serbisyo na hindi masyadong malakas, baka kailangan nang bawasan ang pondo rito at ituon na lang ang lakas sa mga sigurado at mabilis bumalik ang kita. Sa totoo lang, ngayon ang panahon para bantayan ang cash flow. Mas mabuting may sapat na reserba para sa mga buwang mahina ang benta kaysa mamroblema kapag huli na ang lahat.

Bilang isang empleyado, hindi rin tayo dapat kampante. Ngayon na ang tamang oras para paghusayan ang trabaho, magpakitang-gilas, at patunayan ang halaga sa kompanya.

Kung kaya, mag-aral ng bagong skills na makatutulong sa trabaho. Kasi sa panahon ng pagtitipid ng kompanya, kadalasan unang tinatamaan ang mga empleyadong hindi gaanong nagdadala ng resulta. Hindi rin masamang magsimulang mag-ipon, kahit paunti-unti lang bawat suweldo. Lahat ng maliit na tipid ay magiging malaking tulong sa kalaunan.

Ang mahalaga, huwag matakot. Oo, mahirap ang sitwasyon, pero hindi ito katapusan ng lahat. Kung ngayon pa lang ay gumagawa na tayo ng hakbang, mas magiging handa tayo sa kahit anong pagsubok. Sa panahon ng pagbagal ng ekonomiya, hindi lakas ang laban, kundi talino at diskarte.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email rey.lugtu@hungryworkhorse.com. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

Focusing on focus

April 30, 2025 l Business Mirror To be successful in business and personal life, the need to focus cannot be overemphasized. Innovations bring along more

PH: Top GDP growth but high poverty. Why?

April 29, 2025 l Manila Bulletin The Philippines reported a robust 5.6 percent gross domestic product (GDP) growth in 2024—the highest in the ASEAN region.

Breaking bad habits

April 25, 2025 l Manila Times Just like what they do during the Christmas holidays, many people spend the Holy Week to reflect and try

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189