PRAKTIKAL NA PASKO: MGA REGALONG SURE-HIT

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l November 15, 2023 l Pilipino Mirror

SA PAGLAPIT ng Pasko, isang malaking bahagi ng kasiyahan ay ang pagbibigay at pagtanggap ng mga ­regalo. Subalit minsan, marami sa atin ang ­nahihirapan sa pagpili ng tamang regalo na hindi lang ­nakakatuwa kundi praktikal na rin.

Narito ang ilang ideya ng mga regalo na siguradong mapakikinabangan ng sinuman:

1. Power bank nahigh capacity at iba pang similar items
Sa mundo ngayon kung saan ang mga cellphone ay parang extension ng ating sarili, isang power bank na mataas ang kapasidad ay talagang praktikal. Ito ay makatutulong sa mga taong palaging on-the-go o kaya naman ay nagtatrabaho gamit ang kanilang mga gadgets. Bukod dito, praktikal ding magregalo ng extension cord para sa mga laging nasa labas nagtatrabaho o nag-aaral.

2. Reusable water bottle at iba pang storage containers
Isa itong regalo na hindi lang maganda sa kalusugan kundi pati na rin sa kalikasan. Ang reusable water bottle ay maaaring dalhin kahit saan, kaya madaling maibsan ang pangangailangan sa tubig nang hindi gumagamit ng single-use plastics. Ang mga reusable storage containers ay mainam na panregalo din lalo na sa mga mahilig magluto at magbaon ng sariling pagkain.

3. Cookware set
Para sa mga nagmamahal sa pagluluto, isang set ng mga praktikal at matibay na kagamitan sa kusina ay regalo na hindi malilimutan. Maaari itong maglaman ng mga non-stick pans, spatulas, at iba pang kasangkapan na siguradong magagamit araw-araw.

4. Emergency kit o go-bag
Sa kahit anong oras, maaari tayong mapadpad sa mga sitwasyon na nanga­ngailangan ng handa at maayos na kaga­mitan. Ang emergency kit o go-bag ay maaaring maglaman ng basic na panga­ngailangan tulad ng first aid kit, flashlight, at iba pang kagamitang makatutulong sa oras ng pangangailangan.

5. Mga grocery o pantry items
Sa mahal ng bilihin nga­yon, praktikal na magregalo ng bigas o mga grocery/pantry items katulad ng dishwa­shing liquid, trash bags o sabon sapagkat alam natin na talagang magagamit ito.

Bilang bahagi ng pagsusuri sa kaha­lagahan ng pagiging praktikal ng mga regalo, mahalaga rin ang aspeto ng pagi­ging wais at matipid sa pang-araw-araw na buhay. Ang pagiging wais at matipid ay naglalarawan ng disiplina sa pagbabad­yet at pagiging creative na rin dahil sa pagpili ng mga regalo, naipakikita natin ang pagiging matipid sa pamamagitan ng pagpili ng mga bagay na may mataas na kalidad ngunit hindi nanga­ngahulugang mahal.

Halimbawa, ang pagpili ng mga produktong pangmatagalan o multi-purpose ay isang paraan ng pamumuhunan na nagdadala ng pangmatagalan at pangkalahatang halaga. Ito rin ay nagbibigay daan sa pagtaguyod ng ekonomiya at sa pangangalaga sa ating pera.

Ang pagiging wais at matipid ay hindi lamang naglalayon ng kahusayan sa personal na pinansyal na aspeto kundi pati na rin ng pangangalaga sa kalikasan at pagtulong sa iba, at bagkus nagiging bahagi ng diwa ng Pasko na hindi lamang nakapagbibigay ng saya kundi pati na rin ng mga bagay na may malalim na kahulugan.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang kumpanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa digital at culture transformation. Siya ay nagtuturo ng strategic management sa MBA Program ng De La Salle University. Ang may-akda ay maaring i-email sa rey.lugtu@hungryworkhorse.com

Recent Posts

Bridging cultural gaps through education

J. Albert Gamboa l May 17, 2024 l The Manila Times THE provincial capital of Bataan — Balanga — is emerging as a major educational

Moving in the city

BENEL D. LAGUA l May 16, 2024 l Manila Bulletin One of the concerns confronting economic growth in our country is the logistical cost of

Financial literacy: An evolving advocacy

Dr. Conchita L. Manabat l May 15, 2024 l Business Mirror “Don’t save what money is left after spending. Rather, only spend the money that

ANG PAG-USBONG NG CRYPTOCURRENCY

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l May 15, 2024 l Pilipino Mirror SA KASALUKUYAN, ang pamumuhunan sa ­cryptocurrency sa Pilipinas ay patuloy na lumalago at ­nagiging

Planning

FLOR G. TARRIELA l May 14, 2024 l Manila Bulletin  Dwight Eisenhower: “Plans are nothing; Planning is everything.” What is planning? Is it important? Benjamin

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189