BINABAYARANG ILAW AT PAGPAPAILAW SA MGA MALALAYONG LUGAR NG PILIPINAS

Carlos Rheal Cervantes l March 8, 2023 l Pilipino Mirror

IMPORTANTE sa mamamayang Pilipino ang karagdagang kaalaman sa mga bagay na makaapekto sa buhay. Isa nito ay ang kuryente o power sa mga lugar na hindi abot ng mga malalaking electric company o electric cooperatives. Ito ang mga unserved or underserved areas ng bansa. More information means more power. Kahit ang power na kur­yente ay hindi abot sa ibang lugar, yung kaalaman na power naman ay puede natin ibahagi.

Masuwerte pa rin ang mga taga ­siyudad at natatamasa ang tuluy-­tuloy na daloy ng kuryente sa halagang kaya ng ating bulsa. Gayun din ang ating mga kababayan sa mga kanayunan na hindi abot ng linya ng kuryente na nagmumula sa mga malalaking pribadong kumpanya tulad ng MERALCO at mga Electric Cooperative sa mga probinsiya. Nabibilang dito ang apat na lugar sa isla ng Palawan tulad ng Candawaga, Rizal; Port Barton; Liminangcong; at ang Isla ng Manamoc. Kasama din dito ang Malapascua sa Cebu at Balut Island sa Davao Occidental. Ang mga pribadong kum­panya na nagpapatakbo ng planta at namamahagi ng kuryente sa mga lugar na ito ay tinatawag na Qualified Third Party (QTP).Sa kasalukuyan, marami pa rin nag papangarap na mag trabaho sa abroad. Ano kaya kung meron tayo ng mga pasilidad tulad ng ibang bansa? Mababawasan ang pag trabaho ng ating mga kababa­yan sa abroad at mapalayo sa pamilya, at makatulong para umunlad ang atin economiya.

Bagamat mababa ang kuryente sa nasabing mga lugar ng QTP, ang kanilang binabayad na taripa sa kuryente ay bini­bigyan o dina­dagdagan ng subsidiya ng ating gobyerno na nagmumula sa binabayad ng mga customer ng kuryente sa Luzon, Visayas, Mindanao grid at off-grid na lugar katulad ng Palawan, Min­doro, Romblon at iba pa. Ibig sabihin nito, kung walang subsidiya ang gob­yerno, ang presyo ng kuryente sa nasabing mga lugar ay aabot sa di bababa o higit P60 bawat kWh. Ito ay maa­ring tumaas o bumaba kasabay ng pag-galaw ng ­presyo ng langis sa mercado.

Ang subsidiya para sa Universal Cost for Missionary Electrification (UCME) ay pinamamahalaan ng PSALM at ibinibigay sa National Power Corporation (NPC) ayon sa na-aprubahang budget ng nasabing ahensiya para sa mga 278 na Small Power Utilities Group (SPUG) at New Power Providers (NPP)/QTPs.

Ang ideal na sitwasyon ay kapag na­gamit na ang langis sa makina, makakapagbigay na rin ng subsidiya ang NPC upang maibayad naman ng QTP sa kanilang supplier ng fuel. Ngunit dahil sa pagtaas at malikot na presyo ng langis sa merkado, si­mula pa lang ng 2023 ay hindi na sapat ang budget ng NPC para sa nasabing subsidiya ng langis para sa SPUG at NPPs/QTPs. Sa kasaluku­yan, humihingi pa lamang ang NPC ng karagdagang budget sa Kongreso para mapunuan ang kakulangan sa 2023.

Dahil sa ganitong sitwasyon, ang mga pribadong kompanyang namamahala ng SPUG at NPPs/QTPs ay nahihirapan ding bayaran ang kanilang mga supplier ng langis sa QTP. Kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan, ang ibang hirap na mga SPUG at NPP/QTP na kompanya ay pansamantalang tumigil ng operasyon upang maiwasan ang patuloy na kawalan ng pondo na ibabayad sa mga fuel suppliers nito. Samantala, dahil sa panga­ngailangan ng NPC na madagdagan ang kanilang pondo sa 2023 budget, ito ay kanilang inaayos sa pamamagitan ng pag apply ng loan sa mga bangko. Kailangan ring marepaso ang mga proseso sa pagbigay ng NPC ng subsidiya sa mga pribadong kum­panya ng QTPs upang mapabilis ito at hindi tumagal ng higit siyam na pung (90) araw.

*** Si Carlos Rheal Cervantes ay Chairman ng FINEX Affiliates & Partnerships and Membership Committees. Siya rin ay Chief Operating Officer ng PowerSource Group of Companies, isang sustainable energy solutions company.

Recent Posts

Bridging cultural gaps through education

J. Albert Gamboa l May 17, 2024 l The Manila Times THE provincial capital of Bataan — Balanga — is emerging as a major educational

Moving in the city

BENEL D. LAGUA l May 16, 2024 l Manila Bulletin One of the concerns confronting economic growth in our country is the logistical cost of

Financial literacy: An evolving advocacy

Dr. Conchita L. Manabat l May 15, 2024 l Business Mirror “Don’t save what money is left after spending. Rather, only spend the money that

ANG PAG-USBONG NG CRYPTOCURRENCY

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l May 15, 2024 l Pilipino Mirror SA KASALUKUYAN, ang pamumuhunan sa ­cryptocurrency sa Pilipinas ay patuloy na lumalago at ­nagiging

Planning

FLOR G. TARRIELA l May 14, 2024 l Manila Bulletin  Dwight Eisenhower: “Plans are nothing; Planning is everything.” What is planning? Is it important? Benjamin

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189