COMPLIANCE, GAANO KAHIRAP?

January 22, 2025 l Pilipino Mirror

TUWING may kakilala o kaibigan ako na may ­negosyo na lalapit sa akin upang magpatulong sa kanilang  ­regulatory compliances tulad ng BIR, SEC at iba pa, ang madalas at pabiro kong sagot ay, “i-Google mo gurl!”

Ang madalas kong sagot na ito ay hindi dahil sa ayaw ko silang tulungan ngunit upang ipaalam sa kanila na madali lang gawin ito at hindi na nila kailangan ang tulong ko dahil halos lahat ay makikita na sa internet. Sa tulong ng internet, nagkaroon ng mas accessible na tulay ang mga negosyante at mga regulatory bodies sa pagpapalawig ng mga impormasyon ukol sa compliance.

May mga ginagawang ­tutorial videos ang mga ahensiyang ito kung paano gawin ang mga reports na kailangan, buwis na babayaran, at kung saang payment platform ito maaaring bayaran. Bukod pa rito ang mga tutorial videos na gawa ng mga vloggers. Ngunit kahit makikita na sa internet ang mga impormasyong ito, marami pa rin ang natatakot sumubok o alangan na gawin ang mga ito nang walang gabay ng isang propesyunal.

Ang compliance o ang pagsunod sa mga regulasyon ng gobyerno at mga ahensiya nito ay isang kritikal ngunit kadalasan ay matrabaho at mabigat na bahagi ng pagnenegosyo. Kahit ang mga malalaking negosyo na may mga dedikadong accountant at compliance officers ay hindi maperpekto ang obligasyong ito. Paano pa kaya ang mga Small and Medium Enterprise (SMEs) at start-ups o iyong mga nag-uumpisa pa lamang ngunit kailangan ng sumunod sa mga regulasyon? Gaano ba ito kahirap? Tingnan natin. Halimbawa, ang mga industry specific na kumpanya tulad ng lending companies ay kailangang mag-comply sa LGU, BIR, SEC, AMLC, CIC at NPC. Dagdag pa rito ang mga ahensiyang may sakop sa trabaho tulad ng DOLE, SSS, Philhealth at Pagibig.

Ang minimum capital ng lending companies ay maliit lamang kaya kadalasan ay binabalanse na lang ng negosyante ang kanilang pang-araw-araw na responsibilidad sa negosyo at compliance upang makatipid sa pagkuha ng isang full time compliance officer. Kadalasan din, dahil hindi sanay sa mga ganitong responsibilidad ay hindi maiwasan ang magkamali at makalimot. Ang resulta ay katakot-takot na penalties at kung hindi malulunasan ay ang pag-kansela ng permit.

Paano mapapahusay ang ating compliance? Una, alamin ang mga regulasyong naaangkop sa iyong industriya. Sunod, gumawa ng compliance calendar o program. Itala rito ang mga kailangang reports, ahensiya, petsa, at bayarin na kailangang bayaran upang may gabay sa kailangang gawin sa buong taon. Ikatlo, sumali sa mga industry associations kung saan nabibilang ang inyong kompanya. Dito ay makakakuha ng kaalaman sa mga best practices sa iyong industriya at mananatiling updated sa mga regulasyon at mga pagbabago nito. Ika-apat, magsagawa ng mga regular na compliance audit at gumawa ng checklist. Regular na tignan kung may mga nalimutan at tama ba ang mga ginawang compliances. Sa huli, kumuha na isang propes­yunal kung kinakailangan.

Hindi maitatanggi na mahirap nga ang compliance ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi ito malulutas. Gamit ang kaalaman, teknolohiya, at propesyunal na gabay, mapapahusay ng mga maliit na negosyo ang kanilang pagsunod.

***The views and opinions expressed above are those of the author and do not necessarily represent the views of FINEX, ­CSBank, and of PILIPINO Mirror. For comments, email earvin.salangsang@desfinancing.net. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

COMPLIANCE, GAANO KAHIRAP?

January 22, 2025 l Pilipino Mirror TUWING may kakilala o kaibigan ako na may ­negosyo na lalapit sa akin upang magpatulong sa kanilang  ­regulatory compliances

Inspire to motivate

January 21, 2025 l Manila Bulletin In this age of social media and the internet, it is easy to browse and search for motivational quotes,

Ambisyon Natin 2040

January 17, 2025 l Business World I recently attended the Annual Tax Symposium of SGV & Co., where National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie

Looking forward to 2025

January 16, 2025 l Manila Bulletin I asked PNB’s Economist and Research Head Alvin Arogo about the 2024 economic results. He said the Philippine economy

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189