Saan dapat mamumuhunan ang mga premyado sa Olympics?

J. Albert Gamboa l Agosto 14, 2024 l Pilipino Mirror

KATATAPOS lang ng 2024 Summer Olympics sa ­Paris, France kamakalawa. Ngunit  hanggang ­ngayon, pinag-uusapan pa rin sa buong Pilipinas ang ­dalawang gintong medalya na napanalunan ng Pinoy ­gymnast na si Carlos Edriel Yulo.

Lalong humahaba ang listahan ng mga premyo ni Yulo at limpak-limpak na salapi ang makakamit nya mula sa gobyerno at pribadong sektor. Umabot na sa P89-milyon ang cash prizes niya at mas mahigit pa ito sa P56.5-milyon na nakuha ni Hidilyn Diaz noong 2021 sa pagkapanalo nito sa Tokyo Olympics ng kauna-unahang Olympic gold medal sa kasaysayan ng Pilipinas.

Bukod pa ito sa 3-bedroom Taguig condo na makukuha ni Yulo mula sa Megaworld na nagkakaha­laga ng P35-milyon, at may house & lot pa sa Tagaytay na ibibigay sa kanya ng Philippine Sports Commission. Mayroon pang mga “lifetime free supply” ng mga produkto o serbisyo galing sa iba’t ibang establisimiyento tulad ng habang buhay na “free meals” sa mga nag-alok na restaurant. Pati ang “ESPN No. 1 Asian Athlete of the 21st Century” na si Manny Pacquiao ay nangako rin na bibigyan ng pe­rang gantimpala si Yulo ngunit ‘di pa niya sinabi kung magkano ang halaga.

Bawat isa kina Nesthy Petecio at Aira Villegas ay makakakuha ng P5-milyon dahil pareho silang nagkamit ng bronze medal sa boxing. Ang trainer ni Yulo meron premyong P10-milyon mula sa PAGCOR samantalang ‘yung mga trainer ni Petecio at Villegas ay may nakalaan na pawang P2.5-milyon.

Sa social media, ang pinakamagandang payo na ibinibigay kay Yulo tungkol sa milyon-milyong gantimpala nya ay dapat kumuha sya ng mahusay na financial adviser para magabayan sya sa pagpapalago ng kanyang pera. Isa sa mga organi­sasyon na makatutulong sa kanya ang Bank Marketing Association of the Philippines na kilala bilang BMAP. Ito’y tinatag ng mga malalaking bangko noong 1974 upang ma-upgrade ang antas ng bank marketing sa Pilipinas.

Kamakailan lang inilunsad ng BMAP at ng Asian Institute of Management (AIM) ang Bank Marketing Academy (BMA) sa AIM Campus doon sa Legazpi Village, Makati. Ito’y upang magkaroon ng special programs tungkol sa marketing at komunikasyon. Sa tulong ng AIM School of Executive Education and Lifelong Learning (SEELL), nakapag-develop ang BMAP ng mga programa para sa mga propesyonal sa larangan ng bank marke­ting & communications.

Pinirmahan noong Hulyo 29 ang memorandum of agreement tungo sa pagpapatayo ng BMA nina BMAP President Mai Sangalang, BMAP Vice President Eric Montelibano, AIM SEELL Head Albert Mateo Jr., at AIM Partnership Director Georgina Banzon. Bahagi ito sa pagdiriwang ng ika-50 na anniversary ng BMAP.

Ang programang Financial Marketing Professional ay nagbibigay sa mga propesyonal sa bangko at financial institutions ng mga dagdag kaalaman at skills upang i-market ang kanilang mga serbisyo at palawakin ang kanilang negosyo. Inaalok sa parehong basic at advanced formats, matuto ng strategic planning, communication, at analysis skills para sa isang kabuuang mastery ng marketing para sa kanilang mga business. Gagabayan ka ng BMAP at AIM sa lahat ng aspeto ng marketing para maging ganap kang eksperto sa marketing na kayang #LeadInspireTransform ang mga team at palaguin ang benta. Isulong ang iyong karera sa financial marketing. Para sa mga interesadong kalahok, isang taon ng karanasan sa marketing ang kailangan. Mag-inquire sa bmapsecretariat@gmail.com at seell@aim.edu.  May 10% discount sa mga mag-enroll bago mag August 31, 2024.

*** Ang may-akda na si ­Joseph Araneta Gamboa (JAG) ay ­kasalukayang Director at Chief ­Finance Officer ng Asian Center for Legal Excellence, isang accredited provider ng Supreme Court para sa Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) courses ng mga abogadong Pilipino. Sumisilbi din si JAG bilang Vice Chairman ng Ethics Committee sa Financial ­Executives Institute of the ­Philippines (FINEX).

Disclaimer: The views and opinions expressed above are those of the author and do not necessarily represent the views of FINEX, ­CSBank, and of PILIPINO Mirror. Photo from Pinterest.

Recent Posts

The scourge of celebrities in politics

Benel D. Lagua l December 13, 2024 l Business World With elections looming in 2025, this writer is amazed at the audacity of celebrities and

AI-enabled consumers

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 12, 2024 l Manila Bulletin On a breezy December evening in Manila, a young professional stares at her phone,

What I like about Christmas

George S. Chua l December 11, 2024 l Business Mirror THERE are people who find no joy in many situations, including the Christmas season. Perhaps

Simple at Makabuluhang Pasko

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 11, 2024 l Pilipino Mirror ANG PASKO sa Pilipinas ay isa sa mga ­pinakamasayang panahon, ngunit kadalasang nagdudulot din

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189