Konsepto ng Insurance

Earvin Salangsang l July 31, 2024 l Pilipino Mirror

ANG insurance o ang pagseseguro, sa direktang ­translasyon nito sa Filipino, ay isang matagal nang aspeto sa larangan ng negosyo at pinansiyal na transaksiyon.

Sa katunayan, sinasabi ng ilang mananalaysay na mayroon nang insurance kahit noon pang panahon ng sinaunang Babilonia na nailathala sa Code of Hammurabi. Sinasabi rito na napapawalang pananagutan ang mga mangangalakal sakaling masira o mawala ang kanilang mga paninda kung ito ay dulot ng likas na sakuna.

Pinalawig naman ng mga sinaunang mangangalakal na Tsino ang tinatawag na risk pooling at risk diversification kung saan nag-aambagan ang ilan upang makabawi mula sa posibleng pagkasira at pagkalugi ang kanilang mga kasama. Sa paglipas ng panahon ay mas naging pormal na ang insurance. Nagkaroon na ito ng mas detalyadong kasulatan at kontrata, nagkaroon na ng batas at ng ahensiya ng gobyerno upang pangasiwaan ang ganitong transaksiyon, at nagkaroon na ng iba’t ibang uri ng posibleng masakop ng insurance. Mula sa pagseseguro ng mga kalakal, maging ang buhay, kalusugan at kakayahan, negosyo, mga empleyado, sasakyan, bahay at iba pang mga pag-aari, at maging ang utang ay maaaring masakop ng insurance.

Sa simpleng kahulugan nito, ang insurance ay ang pagbibigay proteksiyon o seguridad sa mga posibleng pinsala at panganib na maaaring magmula sa mga likas na sakuna o maging gawa ng tao. Kapalit ng maliit na bayad o premium, ang isang insurance company ay nangangakong matustusan at matulungan ang miyembrong nakaranas ng pinsala.

Ang premium na maaaring bayaran ng minsanan, buwanan o iba pang schedule depende sa napagkasunduan, ay nakabase sa lawak o laki ng saklaw ng insurance at mga kaakibat na panganib nito or risks. Ito ang tinatawag na underwriting process. Ang underwriting ay ang paraan ng pagsusuri ng isang insurance company sa mga nais kumuha ng insurance upang makabuo ng isang makatarungan at ika nga ay swak na kasunduan sa magkabilang partido. Dito na rin malalaman kung gaano ba kamahal ang magiging premium at ang sakop ng kontrata. Kapag malaki ang risk, mas mahal ang magiging premium nito.

Halimbawa, sa isang life insu­rance, dahil mas marami ng posibleng makuhang sakit ang isang taong nasa edad 40 pataas ay mas mataas na ang magiging premium nito kumpara sa isang tao nasa 21 pa lamang. Kung sa sasakyan naman ay mas mataas ang posibeng premium ng mga 2nd hand cars kumpara sa mga bago dahil mas mataas ang tiyansa nito masira. Claim naman ang tawag kapag hiniling na ng isang insured mula sa insurance company ang kabayaran o benepisyo kapag nangyari na ang sakuna o pinsalang saklaw ng kanilang nakapagkasunduan.

Nakalulungkot lang din isipin na kahit napakatagal na ng insurance sa mundo ay marami pa rin sa atin ang hindi naniniwala rito kahit napatunayan na at tunay na epektibo. Masama pa, ang ilan naman ay may maling paniniwala ukol dito. Kung pag-aaralan lamang sanang mabuti, makikita na ang benepisyong dulot ng insurance kung sakaling may hindi inaasahang sakuna na mangyari, ay higit na malaki kumpara sa maliit na sakripisyo sa budget upang makapagbayad ng premiums nito.

Ang may akda ay Vice ­Pre­si­dent-Finance/­Comptroller ng DES Finan­cing Corporation, isang kumpanyang nagbibigay ng ­serbisyong-pinancial sa mga ­retiradong sundalo ng AFP at ­kanilang mga benepisyaryo.

Disclaimer: The views and opinions expressed above are those of the author and do not necessarily represent the views of FINEX, ­CSBank, and of PILIPINO Mirror. Photo from Pinterest.

Recent Posts

The scourge of celebrities in politics

Benel D. Lagua l December 13, 2024 l Business World With elections looming in 2025, this writer is amazed at the audacity of celebrities and

AI-enabled consumers

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 12, 2024 l Manila Bulletin On a breezy December evening in Manila, a young professional stares at her phone,

What I like about Christmas

George S. Chua l December 11, 2024 l Business Mirror THERE are people who find no joy in many situations, including the Christmas season. Perhaps

Simple at Makabuluhang Pasko

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 11, 2024 l Pilipino Mirror ANG PASKO sa Pilipinas ay isa sa mga ­pinakamasayang panahon, ngunit kadalasang nagdudulot din

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189