SAFETY AT TIPID TIPS SA TAG-INIT

Joseph Araneta Gamboa l Marso 20, 2024 l Pilipino Mirror

AYON SA PAGASA weather bureau, ngayong linggo ang umpisa ng tag-init sa Pinas. Ngunit noong Pebrero pa lang, kapansin-pansin ang pagtaas ng temperatura sa buong kapuluan dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.

Hinihikayat ng Department of Energy (DOE) ang publiko sa wastong paggamit ng koryente at panggatong lalo na ngayon sa pEanahon ng tag-araw kung kailan tumataas ang demand para sa fuel at enerhiya. Dapat bilhin ang mga produkto na may dilaw na energy label tulad ng mga airconditioner, ref­rigerator, at fluorescent lamp.

Importante ang tinatawag na energy efficiency ratio o EER sa pagbili ng bagong aircon. Hanapin ang mga produkto na mas mataas ang EER upang mabawasan ang electric bill. Energy efficiency factor o EEF ang kailangang tingnan sa pagbili ng refrigerator at freezer. Kapag mataas ang EEF, ibig sabihin mababa ang energy consumption nito, tulad din sa tinatawag na efficacy rating ng mga fluorescent na ilaw.

Pagdating naman sa household fuel, karamihan ng mga pamilyang Pilipino ay gumagamit ng liquefied petroleum gas (LPG) sa pagluto ng pagkain at pag-init ng tubig. Tinutukoy ang LPG bilang clean fuel kasi hindi umuusok kapag sinusunog ito at walang nakakalason na gas na nagdudulot ng air pollution.

Noong 2001, ipinasa ng Kongreso ang Republic Act (RA) 11592 o mas kilala bilang LPG Industry Regulation Act. Isa sa mga tuntunin nito iyong LPG Cylinder Exchange and Swapping Program – isang sistemang pinapayagan ang mga mamimili na magkaroon ng freedom of choice sa pagpili ng kanilang gustong LPG cylinder galling sa iba’t-ibang supplier.

Mayroon ding LPG Cylinder Improvement Program sa ilalim ng RA 11592 upang siguraduhin ang kalidad ng mga silindro ng LPG at protektahan ang karapatan ng mga end-consumers. Lumabas kamakailan lang ang implementing rules and regulations o IRR ng RA 11592 para ipatupad ang mga nakasaad sa batas.

Sa pagpapatupad ng natu­rang batas, DOE ang pangunahing ahensiya ngunit aminado ito na kulang sa sapat na pwersa sa paghanap ng mga posibleng lugar kung saan nakatago ang mga illegal na refiller ng LPG sa buong bansa.

Mabuti na lang at inaalala­yan ang DOE ng LPG Marke­ting Association (LPGMA) at ng isang bagong unit ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagpapatupad ng RA 11592.

Base sa mga tala ng DOE, mahigit 4 million na tangke ng LPG ang hindi sang-ayon sa IRR ng batas. Ang mga LPG dealer ay binigyan ng hanggang Dis­yembre 2024 para i-surrender ang mga depektibo at lumang silindro sa DOE upang mapalitan ng mga compliant na tangke.

Simula sa Enero 2025, mayroon nang P25,000 na multa bawat non-compliant cylinder na hawak ng mga dealer.

Halos nawala na ang illegal refillers at dealers sa National Capital Region (NCR). Karamihan sa mga LPG cylinders na umiikot sa NCR ay branded, kaya sakaling magkaproblema sa ‘di inaasahang aksidente, matutukoy na agad ang kompan­yang mananagot sa pangyayari.

Ngunit sa mga lalawigan ng ibang rehiyon ng bansa, laganap pa rin ang mga negosyante ng mga generic na tangke, at ito’y nagsisilbing panganib sa mga kusina at lutuan ng mga Pilipino.

Buti nalang at may ugnayan ang LPGMA at ang CIDG ng PNP na gumaganap naman sa responsibilidad na pasukin ang mga opisina o planta ng mga pasaway sa LPG industry. Kamakailan lang nag- umpisa na silang mag-raid ng mga lugar na pugad ng illegal refilling at sto­rage ng mga unauthorized cylinders.

Umapela ang dating kongresista ng LPGMA partylist na si Arnel Ty sa mga end-consumer na sumunod sa batas.

“Wala pang babayaran ang mga consumer at ang gagawin lamang nila ay dalhin sa kanilang dealer ang mga luma at depektibong tangke upang mapalitan ng bago at naaayon sa umiiral na RA 11592 o LPG Law,” sinabi ni Ty sa isang media interview.

Sa industriya ng LPG, may available na 5 million branded cylinders bilang replacement ng mga kailangang palitan na mga walang tatak o depektibo. Ito’y para rin  sa kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayang Pilipino sa kanilang mga bahay at komunidad sa pang-araw-araw na buhay.

*** Ang may-akda na si ­Joseph Araneta Gamboa (JAG) ay kasalukayang Director at Chief Finance Officer ng Asian ­Center for Legal ­Excellence, isang ­accredited provider ng ­Supreme Court para sa ­Mandatory ­Continuing Legal ­Education (MCLE) courses ng mga ­abogadong Pilipino. ­Sumisilbi din si JAG bilang Vice ­Chairman ng Ethics Committee sa Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX). Larawan ay kuha sa Pinterest.

Recent Posts

The scourge of celebrities in politics

Benel D. Lagua l December 13, 2024 l Business World With elections looming in 2025, this writer is amazed at the audacity of celebrities and

AI-enabled consumers

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 12, 2024 l Manila Bulletin On a breezy December evening in Manila, a young professional stares at her phone,

What I like about Christmas

George S. Chua l December 11, 2024 l Business Mirror THERE are people who find no joy in many situations, including the Christmas season. Perhaps

Simple at Makabuluhang Pasko

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 11, 2024 l Pilipino Mirror ANG PASKO sa Pilipinas ay isa sa mga ­pinakamasayang panahon, ngunit kadalasang nagdudulot din

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189