DISKARTE SA NEGOSYO NA ANGKOP GAMITIN SA BUHAY

James Patrick Bonus l October 25, 2023 l Pilipino Mirror

MAG-ISIP at kumilos na parang CEO! Tulad ng negosyo, ang maunlad na buhay ay nakasalalay sa madiskarteng pagpapatakbo. Ating ­talakayin ang tatlo sa mga sikreto ng matatagumpay na business owners na puwede ring gamitin sa ating buhay.

Masinop na pangangasiwa ng salapi
Anumang aspeto ng buhay, mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina lalo na sa usaping pinansyal. Siguraduhing hindi lalampas ang ginagastos sa kinikita. Mainam din na masubaybayan kung saan nanggagaling at napupunta ang pumapasok na pera.

Wastong paggamit ng utang
Maging mautak at maingat sa pangu­ngutang! Gamitin ito upang pondohan ang mga pangunahing pangangaila­ngan, palaguin ang negosyo o kamitin ang pinapangarap nang mas maaga. Iwasang mangu­tang para sa mga bagay na hindi nakakadagdag ng saysay sa buhay. Tandaan: responsibilidad ang utang. Gamitin ito sa tamang paraan.

Paglalaan ng oras at pansin sa mahahalagang aspeto ng negosyo at buhay
Sa negosyo, ang oras at pansin na ibinibigay natin sa mga aspeto na may malaking ambag sa kita ay nagsisilbing susi sa ating tagumpay. Gayundin sa buhay, dapat nating ilaan ang oras at pansin sa mga bagay na nagbibigay halaga at saysay sa atin. Sa huli, hindi lamang nasusukat ang tagumpay sa dami ng salapi, kundi pati na rin sa kalidad ng buhay na natamasa natin.

Magkaakibat ang negosyo at buhay. Kung masinop nating inginangasiwa ang ating pera, ginagamit ang utang sa wastong paraan, at inilalaan ang oras at pansin sa makabuluhang bagay, tiyak na magiging maunlad ang ating pampinansyal at personal na buhay.

*** Ang may-akda ay kasalukuyang ­Deputy Country Manager & Chief Finance Officer ng FinScore, isang fintech firm na tumutulong sa mga lehitimong kumpanyang nagpapautang sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na sumusuri sa kakayahang magbayad ng nanghihiram gamit ang alternatibong impormasyon na hindi tradisyonal na ginagamit sa pagpapautang. Pumunta sa https://ccmobile.ph/establish-your-financial-persona para malaman ang iyong telco credit score ng walang bayad.

Recent Posts

The scourge of celebrities in politics

Benel D. Lagua l December 13, 2024 l Business World With elections looming in 2025, this writer is amazed at the audacity of celebrities and

AI-enabled consumers

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 12, 2024 l Manila Bulletin On a breezy December evening in Manila, a young professional stares at her phone,

What I like about Christmas

George S. Chua l December 11, 2024 l Business Mirror THERE are people who find no joy in many situations, including the Christmas season. Perhaps

Simple at Makabuluhang Pasko

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 11, 2024 l Pilipino Mirror ANG PASKO sa Pilipinas ay isa sa mga ­pinakamasayang panahon, ngunit kadalasang nagdudulot din

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189