Budgetarian Ka Ba? TIPS PARA SA EPEKTIBONG PAGBABADYET

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l March 16, 2023 l Pilipino Mirror

ANO NGA ba amg ibig sabihin ng pagiging badyetaryan? Ito ay ang konsepto ng paglalaan ng pera sa mga prayoridad na gastusin at ang pagsisiguro na hindi magigipit at naipapahaba ang limitadong resources na mayroon tayo, katulad ng pera.

Ang pagbabadyet ay nakabase sa mga aspeto katulad ng

  1. Sweldo o kita sa negosyo (kada buwan o kada project)
  2. Mga bayarin (bills, pang matrikula, pang insurance, pang biyahe, atbp)
  3. Oras o panahon ng pagbayad (kada buwan o kada taon) – dito malalaman ang mga mabibigat na buwan sa isang taon. Halimbawa ay kung lahat ng bayarin sa insurance at amilyar at pagpaparehistro ng kotse ay tuwing Nobyembre at Disyembre, sabayan pa ng Pasko ay makikita na mabigat ang mga huling buwan ng taon at nangangailangan ng pagpaplano at pagbabadyet.

Sa pagtatabi ng pera, importante rin na makasanayan ang pagiipon. 20% ng sahod o ng kinita ay hinihikayat na mapunta sa ipon na maaaring ilagay sa mga instrumentong may mataas na interes (katulad ng Pagibig MP2 na nagbibigay ng halos 6% o 7% kada taon base sa dibidendo). Ang iba naman ay maiging ilaan sa mga insurance o sa mga iba pang bagay na mas malaki ang balik pagdating ng panahon.

Mainam na pagisipan muna ang mga planong bilhin at suriin kung mahalaga ba ito at kinakailangan, o maaaring makapaghintay. Dito makikita kung paano natin pinangangahalagahan ang mga importanteng bagay kumpara sa mga luho o kaya naman ay mga gusto lamang nang panandalian. Makikita ito sa mga sitwasyong tulad ng:

  1. Pagbili ng gamit sa mga bata. Mabilis lumaki ang mga bata lalo na ang mga sanggol kung kaya’t magandang pagisipan kung kinakailangan bang bumili ng mga gamit na bago o kaya naman ay pupuwede ang mga pre-loved na makikita sa mga online selling platforms. Bukod sa malaki ang maititipid sa pagtingin ng mga pre-loved items, maaari pa rin itong ibenta kinalaunan at pagkakitaan samakatwid.
  2. Paggastos pagdating sa mga okasyon tulad ng kaarawan, binyag, kasal. Iba iba ang perspektibo sa mga bagay na ito. Mayroong gustong magarbo ang pagdiwang ng kaarawan, lalo na kung ito ay ang unang kaarawan, o kaya naman ang paggastos nang malaki sa kasal sa kadahilanang minsan lamang ito. Sa kabilang banda, napakali rin ang maititipid kung magiging creative tayo sa pagplano ng pagdiriwang: maaaring maghanap ng mga murang lugar o suppliers o mga kakilala na nagsisimula pa lang at maaaring magbigay ng kanilang serbisyo sa mas murang halaga.
  3. Pagpapadeliver ng pagkain o pagtake out nang madalas. Marami sa atin ang guilty dito. Magandang pagisipan kung gano kadalas ang ating pagpadeliver o pagtake out ng pagkain at kung magkano ang maititipid kung ito ay lalagyan natin ng badyet o kaya naman ay hanggang ilang beses lamang sa isang beses.

Sa kabilang banda, mahalaga ring tingnan ang paggawa ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga gamit o bagay na hindi na kailangan. Malaking tulong ito sa pagdagdag badyet na maaaring mapunta sa pagkain o sa paglabas ng pamilya tuwing weekend. Sa ganitong paraan ay kumikita ng pera kahit papaano sa mga gamit na hindi na nagagamit (at maayos pa) at nakakadagdag sa pangkalahating badyet ng pamilya.

Sa huli, nararapat na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na nangangailangan ng pagbabadyet kagaya halimbawa ng edukasyon at insurance, at tingnan ang mga ibang aspeto ng pamumuhay na pwedeng maging creative ang ating pagbabadyet, katulad ng sa pagkain o sa mga okasyon na dumarating sa ating buhay.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang kumpanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa digital at culture transformation. Siya ay nagtuturo ng strategic management sa MBA Program ng De La Salle University. Ang may-akda ay maaring i-email sa rey.lugtu@hungryworkhorse.com

Recent Posts

The scourge of celebrities in politics

Benel D. Lagua l December 13, 2024 l Business World With elections looming in 2025, this writer is amazed at the audacity of celebrities and

AI-enabled consumers

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 12, 2024 l Manila Bulletin On a breezy December evening in Manila, a young professional stares at her phone,

What I like about Christmas

George S. Chua l December 11, 2024 l Business Mirror THERE are people who find no joy in many situations, including the Christmas season. Perhaps

Simple at Makabuluhang Pasko

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 11, 2024 l Pilipino Mirror ANG PASKO sa Pilipinas ay isa sa mga ­pinakamasayang panahon, ngunit kadalasang nagdudulot din

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189