Michelin restos na abot-kaya ang presyo

November 5, 2025 l Pilipino Mirror

Bago pa man sumikat ang Michelin Guide bilang sukatan ng kalidad sa pagkain, ito’y unang nilikha noong 1900 ng magkapatid na sina André at Édouard Michelin.

Bilang mga may-ari ng Michelin Tire Company sa France, layunin nilang hikayatin ang mga motorista na bumiyahe at gamitin ang kanilang mga gulong – upang tuklasin ang mga lugar na may masarap na kainan. Sa paglipas ng panahon, ang maliit na librong ito ay naging prestihiyosong batayan ng mga chef at restoran sa buong mundo.

Ngayong taon kung kalian ipinagdiriwang ang 125th na anibersaryo nito, pormal nang inilunsad sa Pilipinas ang kauna-unahang batch ng Michelin Guide kung saan 108 restawran ang kinilala – 88 sa Metro Manila, dalawa sa Cavite, at 18 sa Cebu.

Bahagi ito ng malawak na paggalugad ng Michelin inspectors sa bansa upang kilalanin ang pinakamahusay na kainan mula sa fine dining hanggang sa mga karinderya-style eatery na tunay na Pinoy.

May tatlong pangunahing kategorya sa sistema ng Michelin Guide. Ang entry level ay tinatawag na Michelin Selected. Ito’y nagbibigay-parangal sa mga restawrang may matatag na kalidad ng pagkain, maayos na pagkakaluto, at mahusay na gamit ng sangkap – ngunit hindi kinakailangang abot-kaya.

Ang kategoryang Bib Gourmand naman ay para sa mga kainan na nag-aalok ng “value for money” at “good quality food,” o mga putaheng sulit sa presyo. At sa pinakamataas na antas ng parangal ang 1, 2, at 3 Michelin Stars na ibinibigay lamang sa mga restawrang may pambihirang lasa, presentasyon, at consistency.

Sa hanay ng Michelin Bib Gourmand, 25 restawran ang nanalo sa kategoryang ito kabilang ang 19 sa Metro Manila at anim sa Cebu. Tatlong lokal na paboritong kainan ang pasok dito at nasa ₱200 hanggang ₱350 price range: Morning Sun Eatery sa Project 4, Quezon City; Esmen Carinderia sa Barangay Ermita, Cebu City; at Pares Batchoy Food House sa Fuente Osmeña, Cebu City. Simple man ang mga ulam nila tulad ng pares, lugaw, at batchoy – pero siniguro ng Michelin inspectors na may kakaibang sarap, consistency, at maayos na serbisyo ang mga ito kahit sa murang halaga.

Samantala sa ₱400-₱700 level ng Bib Gourmand, pitong restawran ang tampok bilang pinakamahusay sa pagpahalaga ng salapi. Kabilang rito ang La Pita Taverna sa Poblacion, Makati City na may mga pagkaing Mediterranean tulad ng shawarma at hummus; Sarsa Kitchen + Bar ni Chef JP Anglo sa Legazpi Village, Makati City na nag-aangat ng lutong Ilonggo; at Lampara sa Poblacion, Makati City na may modern Filipino sharing plates.

Kasama rin ang Abaseria Deli & Café sa Kasambagan, Cebu City na kilala sa mga heirloom recipes; Your Local sa Legazpi Village, Makati City na may Southeast Asian fusion dishes; Manam sa Ayala Triangle, Makati City na nagtatampok ng paborito at pambansang ulam; at Pilya’s Kitchen na isang modernong Pinoy bistro sa Rockwell Center, Makati City.

Ang sampung ito nagpapatunay na hindi kailangang gumastos nang malaki upang maranasan ang world-class na lasa. Sa bawat plato, ipinapakita nila ang tunay na karakter ng pagkaing Pilipino –masarap, mapangahas, at may puso. Kung tutuusin, ang Michelin Bib Gourmand ay hindi tungkol sa karangyaan kundi sa integridad ng lasa at halaga ng karanasan.

Pinatunayan ng Michelin Guide Philippines na ang ating bansa ay may kakayahang tumapat sa mga bansang may matagal nang tradisyon sa fine dining. Mula sa mga kanto-style pares hanggang sa makabagong Pinoy fusion, bawat isang restawran sa listahang ito nagpapahiwatig na ang tunay na galing sa kusina ng mga Pilipino ay hindi nasusukat sa presyo, kundi sa puso ng pagluluto.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email nextgenmedia@gmail.com. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189