Rides at Ekonomiya

October 15, 2025 l Pilipino Mirror

Bumili ako ng ­motor bilang regalo ko sa ­aking sarili. Sakto lang gamit sa pagbiyahe at sa pamamalengke.

Usong-uso na noon ang ride o ang pamamasyal sa iba’t ibang pasyalan at tourist spots sa bansa gamit ang motor. Maaaring mag-isa pero mas madalas ay ginagawa ang ride kasama ang mga ka-grupo o barkada.

Bilang natural sa akin na gustong manatili sa bahay kaysa maglibot, wala akong balak sumama sa mga rides na ito. Bukod sa wala akong maaaring samahan, ang tingin ko noon sa rides ay gastos. Isa rin sa paniniwala ko noon ay dagdag lang sa walang kabuluhang pagkonsumo ng gasolina ang pag-ride na nagpapataas ng demand nito at presyo.

Ang mga maling paniniwalang ito ay nawala noong imbitahin ako ng aking kaklase sa graduate school na subukan ito. Ang layunin lamang namin noon ay makapagpahinga mula sa pag-aaral at trabaho. Nagsimula sa mga talon ng Doña Remedios Trinidad sa Bulacan, Little Batanes ng Bataan, Lake Mapanuepe o ang New Zealand ng Zambales, hanggang sa white beach ng Bolinao, Pangasinan. Dito ko natutunan na ang bawat paghinto sa isang tindahan ng kape, karinderya, souvenir shop at mga matutulungan ay dagdag kita para sa lokal na ekonomiya.

Hindi pag-aaksaya ng gasolina ang mga rides dahil ang pagmomotor na dati ay gamit lamang sa pagbibiyahe ay naging instrumento na ng turismo at pagpapalago nito. Maraming rider ang mahilig sa mga “off-the-beaten-path” o hindi karaniwang dinadaanan. Dahil dito, natutuklasan nila ang mga bagong tanawin at lugar na hindi pa nabubuksan sa mainstream tourism.

Kapag naibahagi nila ito sa social media o sa mga kapwa rider, nagiging lugar na puntahan ito ng iba pang turista at unti-unting napapansin ng mga lokal na pamahalaan at negosyante. May mga LGU na inumpisahan nang pagandahin ang mga daan patungo sa mga lugar na ito. Ang ilang mga negosyante naman ay nagtatayo ng mga camp sites, mga transient houses, at mga maliliit na kainan at shops. Dahil dito, bukod sa kita sa turismo ay nakakalikha rin sila ng mga trabaho na direktang nakakatulong sa mga lokal na residente.

Samakatuwid, dahil sa aktwal na karanasan ko sa pamamasyal gamit ang motor ay napagtanto ko na mas malaki ang benepisyo nito sa turismo at ekonomiya kaysa sa maaaring pinsalang dulot nito tulad ng pagkonsumo ng gasolina.

May mga rider group at motorcycle clubs din na bumubuo ng mga biyahe o “rides for a cause” patungo sa mga destinasyon sa iba’t ibang lalawigan.

Ang ganitong aktibidad ay hindi lamang nagtataguyod ng turismo kundi nagpapalaganap din ng pagkakaisa at bayanihan. Sa bawat biyahe, nagkakaroon palitan ng kultura sa pagitan ng rider at ng local mula sa pagkain, wika, paniniwala, tradisyon at hanggang sa mga kwentong bayan.

Kung masusurpotahan lalo ang motorcycle tourism, makakapag-dulot ito ng mas malawakang epekto sa pag-unlad kasama na ang mga maliliit na bayan sa kanayunan. Dahil, sa bawat paglalakbay ay may pagdaloy ng kita, oportunidad at pagkilala sa lokal na komunidad. Sa bawat pag-ikot ng gulong, may kasamang ikot ng ekonomiya at pag-unlad ng turismo.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email earvin.salangsang@desfinancing.net. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189