Epekto ng CMEPA sa deposito

July 23, 2025 l Pilipino Mirror

Nitong nakaraang mga araw ay napuno ang aking news feeds tungkol sa bagong batas sa pagbubuwis, ang RA No. 12214 o Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA).

Sabi ng ilang posts ay bubuwisan ng 20% ang mga deposito natin sa bangko. Dahil hindi ko pa noon nababasa sa kabuuan ang bagong lagdang batas ay hindi ko muna ito pinansin. Malamang fake news na naman. Bakit naman gagawin ng gobyerno ang ganon? Umani ng iba’t ibang reaksyon at komento ang mga post na ganito. Naging pangunahing paksa rin ito ng mga financial advisors, investors, at mga karaniwang mang-iimpok.

Naging epektibo nitong July 1 matapos itong lagdaan ni Pangulong Marcos noong Mayo 30, ang batas ay naglalayong pasimplehin ang mga buwis at proseso kaugnay sa capital market upang makahikayat pa ang bansa ng mga mamumuhunan.

Maraming magagandang pagbabago ang ipinakilala ang batas ngunit mas nabigyang-pansin ng mga pangkaraniwang depositor ang 20% tax sa bank deposits. Linawin natin. Walang ipinapataw na buwis sa bank deposits. Ang pinapatawan ng buwis ay ang kinikita nitong interest. Halimbawa, kung mayroon tayong ₱10,000.00 na deposito sa bangko at kumikita ito ng 4% sa isang taon o ₱400.00, ang buwis natin dito ay ₱16.00. Final tax na rin ito at ang bangko na ang magreremita nito sa BIR para sa atin.

Ngunit bago nga ba ito? Hindi. Matagal nang mayroong 20% na buwis sa interest ang ating mga deposito. Tinanggal lamang ang exemption sa mga long-term deposits o iyong may mga maturity na limang (5) taon – pataas. Noon, ang exemption na ito ay isang incentive tool upang mahikayat ang mga investor na patagalin ang kanilang mga capital sa ating financial market.

Ibig sabihin, mas matagal sa financial market, mas matagal itong iikot at magagamit sa ating ekonimiya. Maaaring hindi na angkop ang exemption na ito sa panahon ngayon dahil sa dami na rin ng mga alternatibong produktong pang-pinansyal na mas magaganda ang benebisyo. Kaya, ang pagpapantay ng antas ng buwis sa mga deposito ay naaayon na sa ngayon upang pa-simplehin ang pagbubuwis sa mga ito.

Kung apektado, isang alternatibo ang PAGIBIG MP2. Kung susuriin, ang mga long-term deposits ay karaniwang kumikita lamang 4%-5% kada taon habang ang MP2 naman ay nasa 6%-7%. Isa pang benebisyo ang pagiging tax exempt nito.

Samakatuwid, mas mataas na ang posibleng kitain, wala pang makakaltas na buwis sa kita rito. Pinadali na rin ng CMEPA ang pag-iinvest sa stocks. Mula sa 0.6%, ang stock transaction tax ng mga listed shares through local stock exchange ay 0.1% na lamang ngayon. Ang documentary stamp tax din ng original issuance of shares ay nasa 75% of 1% na lamang mula sa 1%. Ang mga long-term deposits ay karaniwang walang proteksyon sa inflation habang ang mga stocks naman ay nakakasabay o mas kumikita ng higit pa sa inflation rate. Kaya, kung susuriin lamang ng mas malalim ang batas, kahit pa tinanggal ang 20% tax exemption, pinadali naman ng ibang probisyon ng batas, ang pag-iinvest sa ibang mga produktong pang-pinansiyal.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email earvin.salangsang@desfinancing.net. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

FINEX Sustainability Handbook

March 06, 2026 l BusinessWorld In a time when climate risks are no longer distant threats but daily realities, the FINEX Foundation Environment Committee chaired

Pera gamit ang AI

March 04, 2026 l Pilipino Mirror Marami ang nagtatanong sa akin kung paano ba talaga kumita gamit ang AI. Hindi lang ito tungkol sa paggamit

The Woes of a Rice-Eating Nation

March 04, 2026 l Business Mirror Eighty percent or 110 million Filipinos eat three cups of rice a day, making it the major staple. A

FINEX sustainability handbook is out

March 03, 2026 l Manila Bulletin The FINEX Environment Committee Handbook has finally been completed, with both printed copies and a digital version now available.

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189