Pag-unawa sa Labor Survey

February 12, 2025 l Pilipino Mirror

Ang Philippines Statistics Authority o PSA ay buwanang naglalabas ng resulta ng kanilang ­labor survey at nito ngang nakaraang Huwebes, ika-anim ng Pebrero, ay inilabas nila ang resulta ng kanilang December 2024 Survey.

Ayon sa report ay naitala ng bansa ang unemployment rate na 3.1% na tinatantiyang nasa 1.63 milyong katao. Ang bilang na ito ay mas mababa sa resulta ng nakaraang Nobyembre na nasa 3.2% or 1.63 milyon. Ang unemployment rate ng Disyembre 2024 ay ka-level ng parehong buwan ng nakaraang taon.

Sinasabing resulta ito ng mas malaking pangangaila­ngan sa mga manggagawa dulot ng Kapaskuhan. Kung paghaham­bingin naman ang katumbas na bilang ay tinatantiyang nasa 1.60 milyon lamang ang sa Dis­yembre 2023, higit na mababa sa bilang na naitala sa Disyembre 2024. Ganito pa man, ang taong 2024 naman ang nagtala ng pinakamababang average unemployment rate sa loob ng nakaraang limang taon.

Noong panahon ng pan­demya ay pumalo sa 10.3% ang unemployment rate, bumaba sa 7.8% sa sumunod na taon, patuloy na bumaba sa 2022 at 2023 na nasa 5.4% at 4.4%, at bumaba na nga sa 3.8% sa taong 2024. Ang sektor ng serbisyo ang patuloy na may mataas na ambag sa larangan ng paggawa na nasa 60.5%, ang sektor ng agrikultura ay may 21.3% at 18.3% naman ang sektor ng industriya.

Kung titingnan ang report kasama na ang mga graphs at mga interpretasyon nito ay parang kumplikado sa pangkaraniwang manunuri. Upang mas maunawaan kung paano nakuha ng PSA ang mga datos na kanilang pinag-aaralan ay nagbibigay ito ng mga Technical Notes.

Dito nila ipinaliliwanag ang mga bagay na nakapaloob sa kanilang report, ang mga kahulugan nito, at mga formula na kanilang ginamit sa pagtalaga ng mga datos. Sa simpleng kahulugan, ang labor force ay binubuo ng mga may edad 15 pataas, employed ang tawag sa mga indi­bidwal na may trabaho, unemployed ang mga kasalukuyang walang trabaho o naghahanap pa ng trabaho at underemployed naman ang grupo naman ng mga may trabaho ngunit naghahangad ng dagdag na trabaho. Persons Not in the Labor Force naman ang tawag sa grupo ng indi­bidwal na hindi naghahangad ng trabaho sa kadahilanang sila ang nasa bahay, nag-aaral, retirado, o may mga permanenteng kapansanan.

Ang patuloy na pagbaba ng unemployment rate ay indikasyon na dumarami ang mga kababayan nating nabibigyan ng oportunidad upang makapag-trabaho. Kapag mas maraming oportunidad para sa mangga­gawa, mas marami ang mag-aambag sa pag-andar ng ekonomiya. Sa kabila nito, kapansin-pansin naman sa survey na bahagyang tumaas ang bilang ng underemployed sa Disyembre 2024 na nasa 10.9% mula sa 10.8% noong Nobyembre. Sa katumbas na bilang ay tinatantiyang nasa 5.48 milyon na manggagawa ang naghahangad ng dagdag na trabaho o dagdag na oras na pagtatrabaho. Dagdag pa ang 1.63 milyon na unemployed, masasabi na malaki pa rin ang hamon na kailangan lutasin ng bansa upang mabigyan ng disente at maayos na trabaho ang ating mamamayan. Ang pagpapaunlad sa edukasyon, pagsuporta sa mga negosyo, at pagpapalawak ng mga programa ng pamahalaan sa trabaho ay ilan sa mga maaaring makatulong dito.

***The views expressed herein are his own and do not necessarily reflect the opinion of his office as well as FINEX. For comments, email earvin.salangsang@desfinancing.net. Photo is from Pinterest.

Recent Posts

Understanding business architecture

February 14, 2025 l Manila Times Business architecture is an evolving discipline that helps organizations align their structure, strategies, and processes to achieve their goals

Passing the message: impact speaking

February 14, 2025 l Business World How do you pass your message across in public speaking? At the full house general membership meeting of the

Pag-unawa sa Labor Survey

February 12, 2025 l Pilipino Mirror Ang Philippines Statistics Authority o PSA ay buwanang naglalabas ng resulta ng kanilang ­labor survey at nito ngang nakaraang

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189