Payo Para Sa Mga 20s

Earvin Salangsang l October 23, 2024 l Pilipino Mirror

ISA ako sa mga Pilipinong empleyado na huli na nang masumpungan ang mga katagang “Personal Finance”.

Noong ako ay makapagtrabaho sa edad na 21-anyos ay inakala kong sapat na ang aking kinikita upang magkaroon ng desenteng pamumuhay, mabili ang nais, makapag-travel at makapag-ipon. Sa katanuyan, ang sahod ko pala ay sapat lang sa pagkain, pamasahe, upa sa bahay at iba pang pangaraw-araw na gastusin. Dahil sa bata pa noon ay inakala kong ayos lang ang sitwasyon ko at hindi ko pa noon iniisip ang hinaharap.

Noong ako’y unang ma-promote at medyo tumaas ang sahod ay kumuha ako ng loan ngunit hindi ko naisip na kaakibat pala ng pagtaas ng sahod ay ang pagtaas din ng mga kinakaltas sa aking sahod tulad ng tax, SSS at iba pa. Isa pa ang inflation. Nagtaasan na rin ang mga bilihin at pati pamasahe kaya naman kapag petsa de peligro na ay sobra-sobra ang pagtitipid makaabot lang sa susunod na sahod. Marahil hindi lamang ako ang nakaranas o nakararanas ng ganitong sitwasyon. Kaya naman, para sa mga katulad ko noon na nasa dalawampung taon pataas at nasa unang trabaho pa lamang, narito ang ilang mga payo na sana ay mas maaga kong nalaman.

Pinakauna sa ating listahan ay ang pag-aaral ng Personal Finance. Ang kaalaman sa pananalapi ay isang napalaking pundasyon tungo sa maayos at disiplinadong pamamahala ng pananalapi. Laganap na ang impormasyon dito. Nariyan ang internet, mga lathalain ukol dito at mga seminars. Ang kailangan nalang gawin ay mag-umpisa.

Pangalawa, magtakda ng tiyak na layunin. Isulat ang mga nais makamit sa aspetong pang-pinansiyal. Halimbawa, nais mo bang maka-ipon para mamuhunan ng sariling negosyo, makapag-invest, pang-insurance o para sa retirement? Ang pagtatakda ng tiyak na layuning pinansiyal ay magiging gabay sa pagtatalaga ng kinakaila­ngang kita o sahod at ang disiplina sa pag-gastos.

Ikatlo, matutong makipagnegosasyon ng sahod. Maaaring karanasan at pagsasanay ang mga unang dahilan sa pagpili ng trabahong papasukan ng bagong mga graduates. Kadalasan ay nahihiya rin itong itanong. Maaaring mag-research at magtanong-tanong sa katumbas na halaga ng iyong mga kakayahan at kaalaman sa industriyang iyong papasukan at ipaliwanag ito sa magi­ging employer.

Sa huli, matutong mamuhay ng ayon sa kakayahang pampinansiyal. Isa sa mga kamaliang ginagawa ng mga edad 20s ay ang impulsive buying na maaaring dulot ng peer pressure at social media. Kahit hindi na kaya ng kinikita ay madalas pa rin ang pag-travel, gimik, pag-bili ng latest na gadget, at ng motor o sasakyan.

Ang edad na 20s ay kritikal na panahon sa pag-aaral ng personal finance. Sa mga panahong ito tayo mas agresibong maghanap ng dagdag kita at mas mabilis matuto ng bagong kakayahan. Mas mura rin magpa-insure dahil malalakas pa ating mga pangangatawan. Mas marami ring oras upang matuto ng savings, investments at iba pang paraan sa pagpapalago ng pera. Ngunit higit sa lahat, sa maagang pagkakaroon ng kaalamang pinan­siyal ay mabibigyan tayo ng higit na silid at panahon upang sumubok at maitama ang mga mali kung hindi man magtagumpay sa unang subok.

Ang may akda ay Vice ­Pre­si­dent-Finance/­Comptroller ng DES Finan­cing Corporation, isang kumpanyang nagbibigay ng ­serbisyong-pinancial sa mga ­retiradong sundalo ng AFP at ­kanilang mga benepisyaryo.

Disclaimer: The views and opinions expressed above are those of the author and do not necessarily represent the views of FINEX, ­CSBank, and of PILIPINO Mirror.

Recent Posts

Finding a good manager

Benel D. Lagua l November 1, 2024 l Business World A new study by Ben Weidman of Harvard Kennedy School and his co-authors sought to identify

The economic costs of bullying

Griselda Gay Gloria-Santos l November 1, 2024 l The Manila Times The first Thursday of November is marked by UNESCO (United Nations Educational, Scientific and

Critical thinking in the use of AI

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l October 31, 2024 l Manila Bulletin “You won’t be replaced by AI, you’ll be replaced by someone who knows how

Pamamahala ng Pera sa Panahon ng Kalamidad

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l October 30, 2024 l Pilipino Mirror Sa panahon ng mga kalamidad tulad ng bagyo at ­pagbaha sa Pilipinas, mahalaga ang

Pachydermal insensitivity

Santiago F. Dumlao Jr. l October 30, 2024 l Business Mirror THE term “pachydermal insensitivity” describes the thick-skinned insensitivity of the current electoral candidates from

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189