Pagpapalakas ng Kaunlaran para sa Pagbabago

Joseph Albert Gamboa l October 16, 2024 l Pilipino Mirror

IPINAGDIWANG ng Financial Executive Institute of the Philippines (FINEX) ang ika-56 na annual conference nito noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 4. Ang tema sa taong ito ay “Empower Progress, Inspire Change: Transformational Growth through Sustainability, Diversity, and Digitalization.”

Naganap ang unang sesyon ng 2024 FINEX Week sa Fairmont Hotel, Makati City at ang paksa nito ay “Global Perspective on Sustainability, Diversity, and Digitalization.” Naging keynote speaker si Deputy Ambassador Alistair White galing sa Embahada ng Britanya. Pagkatapos ng kanyang talumpati, nagkaroon ng roundtable discussion at ang nagsilbi bilang mga panelist ay sina dating Energy Secretary Vince Perez at Jonathan Back ng ACEN Corporation. Si Gay Santos ng Water.org ang na­ging moderator ng open forum.

Noong Oktubre 1, ang pangalawang sesyon ay ginawa sa pamamagitan ng Zoom meeting na iprini­sinta ng FINEX Good Governance Committee at FINEX Foundation Environment Committee. Si Benjamin Villacorte ng SGV & Co. ang nagsalita tungkol sa “Climate Risks and Opportunities: Building Climate Change Resilience.” Ang mga panelist ay sina Ann Dumaliang ng Masungi Georeserve Foundation, Rudi Ramin ng PCX, at Paco Magsaysay ng Carmen’s Best, habang si Katrina Francisco ng SGV ang naging moderator.

Sa pangatlong sesyon noong Oktubre 2, naging Zoom meeting din at ito naman ay sa pamamahala ng Young Finance Officers Committee at Women in Finance Committee ng FINEX. Si dating Finance Secretary Ramon del Rosario Jr. at ang kanyang anak na si Danielle del Rosario ng PHINMA Group ang nagtalumpati tungkol sa “Navigating Generational Gap toward Transformative Growth.” Si Paviter Kaur ng Deloitte Southeast Asia ang naging panelist at si Salve Duplito ng ABS-CBN News Channel ang nagsilbi bilang moderator.

Ang FINEX Ethics Committee at Professional Development Committee naman nag-sponsor ng pang-apat na sesyon noong Oktubre 3 via Zoom ulit. Si Dr. Christopher Monterola ng Asian Institute of Management ang nagsalita tungkol sa “Practical Applications of AI to Achieve Philippine Development Goals.” Sina Atty. Rose King-Dominguez ng SyCipLaw at Rey Lugtu ng Hung­ry Workhorse ang mga pane­list habang si Paolo Azurin ng CLSA Philippines ang moderator.

Panghuling sesyon ng FINEX Week na ginanap sa Shangri-La at the Fort, Taguig City. Buong araw ito at ang pangunahing keynote speaker ay si Jaime Augusto Zobel de Ayala ng Ayala Corporation, samantala si Lorelie Quiambao-Osial ng Pilipinas Shell ang huling keynote speaker sa plenary sessions. Merong limang breakout sessions sa annual conference na ito at isa-isa natin kilalanin ang mga sumali dito:

“Towards a Healthy Filipino” – panelists: Chaye Cabal-Revilla (MWell), Joselito Diga (Unilab), Jimmy Ysmael (Healthway Philippines); moderator: Mike Guarin (KPMG) • “The Critical Filipino Challenges of Hunger and Food Security” – speakers: Secretary Rex Gatchalian (DSWD), Secretary Francis Tiu Laurel (DA); panelists: Kristine Go (Kain Tayo Pilipinas), Jovy Hernandez (Metro Pacific); moderator: former NEDA Secretary Dr. Cielito Habito (Brain Trust Inc.) • “Educating the Brighter Filipino” – speaker: Secretary Sonny Angara (DepEd); panelists: Atty. Angelo Jimenez (UP System), Gigi Montinola (PBEd and FEU), Dr. Reynaldo Vea (iPeople); moderator: John Balce (FTI Consulting) • “Developing the Digital Filipino” – speaker: Undersecretary Jocelle Batapa-Sigue (DICT); panelists: Rubie Casana-Villamor (IT Group), Tek Olano ( GFI), Margot Torres (McDonalds Philippines), Robert Yu (Converge ICT), Harsh Vardhan (Planview); moderator: Atty. Mark Gorriceta (GorricetaLaw) • “The International Finance Perspective” – speaker: Tsutomu Mannari (IAFEI).

Pagkatapos ng mga mahahalagang sesyon nitong 2024 FINEX Week, nag-unwind naman ang mga miyembro ng pangunahing CFO organization sa bansa doon sa Narra Hall ng Shangri-La BGC. Ang host ng FINEX Night ay si DJ Sam YG at naghandog ng special performance ang acoustic pop star na si Nyoy Volante. Nagkantahan at sayawan ang mga FINEX members buong gabi upang mag celebrate sa matagumpay na annual conference nila ngayong taon.

*** Ang may-akda na si ­Joseph Araneta Gamboa (JAG) ay ­kasalukayang Director at Chief ­Finance Officer ng Asian Center for Legal Excellence, isang ­accredited provider ng Supreme Court para sa Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) courses ng mga abogadong Pilipino. Sumisilbi din si JAG bilang Vice Chairman ng Ethics Committee sa Financial ­Executives Institute of the ­Philippines (FINEX).

Disclaimer: The views and opinions expressed above are those of the author and do not necessarily represent the views of FINEX, ­CSBank, and of PILIPINO Mirror.

Recent Posts

Looking forward to 2025

January 16, 2025 l Manila Bulletin I asked PNB’s Economist and Research Head Alvin Arogo about the 2024 economic results. He said the Philippine economy

Capital market watchlist

January 15, 2025 l Business Mirror THE Asian Financial Crisis of 1997 has brought to surface the realization that Asian economies cannot and should not

Using AI is strategic planning

January 14, 2025 l Manila Bulletin Strategic planning is more critical than ever as organizations gear up to navigate the challenges and opportunities of the

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189