Epekto ng Side Hustling

Earvin Salangsang l September 11, 2024 l Pilipino Mirror

Ang side hustling o ang pagkakaroon ng iba pang trabaho bukod pa sa regular na trabaho ay isang paraan upang madagdagan ang kita. Lalo rin umusbong sa bansa ang Gig Economy o ang freelancing ngayon panahon ng internet. Kaya naman, mula sa traditional na mga side hustles tulad ng maliit na negosyo, buy and sell, financial advisory at teaching jobs ay nadagdagan na ang pwedeng pagkuhanan ng extra-jobs o gigs. Nariyan ang pagiging virtual assistants at social media managers, vlogging at podcasting, online selling, web designs, gaming at iba. Karaniwang may negatibong epekto sa kumpayang pinagtatrabahuan ang pagkakaroon ng side hustle o extra jobs ng mga empleyado. Ilan sa mga iyan ay pagkapagod o burn out ng mga empleyado, conflict of interest, pagkawala ng focus sa pangunahing trabaho, kawalan ng oras o pag-gamit sa oras ng trabaho upang matugunan ang extra job at kung hindi napag-usapan ay posibleng paglabag sa mga policies o patakaran ng kumpanya.

Kung may negatibong epekto ang side hustle, meron din bang positibo? Pag-usapan natin. Una, sa pagkakaroon ng side hustles ng mga empleyado, lumalawak at nadaragdagan ang kanilang mga kasanayan na maaari nilang magamit sa kanilang regular na trabaho. Halimbawa, kung ang isang IT Staff ay may isang buy and sell na side hustle, mas malawak ang perspektibo nito sa pakikipag-usap sa mga taga-marketing and sales department ng kumpanya. Ang isang accountant naman na may teaching job ay napapanatiling updated nito ang kaniyang sarili sa mga bagong regulasyon. Bukod pa rito, nahahasa rin ang kaniyang reporting skills dahil sa kaniyang pagtuturo. Pangalawa, lumalaki ang network ang
mga empleyadong mayroong side hustles na maaari ring direktang maka-apekto sa kumpanya. Pangatlo, ang pagkakaroon ng side hustles ay isa ring senyales na ang empleyado ay may direksyon at may nais marating sa buhay. Dagdag din dito ang motibasyon na maaaring makuha mula sa mga mumunting tagumpay nito sa side hustles. Pang-apat ay ang pagkakaroon ng bagong pananaw. Ang mga empleyadong may side hustles ay unti-unting nagkakaroon ng tinatawag na “entrepreneurial skills”. Sa bagong kakayahan na ito ay nagkakaroon ng bagong pananaw ang empleyado sa pagpapatakbo ng isang kumpanya. Magkakaroon sila ng mas malawak na pag-unawa sa ibat-ibang aspeto ng kumpaya dahil hindi na lamang sila empleyado kundi ay isang negosyante na rin. Ang huling maaaring positibong epekto ay ang mas matagal na pananatili ng mga empleyado or retention. Ang mga kumpanyang bukas sa mga ganitong sitwasyon ng mga empleyado ay mas kanais-nais na pagtrabahuan. Ang pagbibigay kalayaan sa mga empleyadong ituloy ang kanilang mga hilig at passion ay hindi na kailangang mag-resign upang gawin ito.

Ang bukas at malayang komunikasyon sa pagitan ng empleyado at kumpanya ay isang paraan upang mabawasan ang masamang epekto ng side hustling. Maaaring lumikha ng malilinaw na policies para sa side hustling upang matugunan ang mga isyus ng kumpanya at empleyado. Sa huli ang pagbibigay ng kalayaan sa mga empleyado hangga’t hindi nakakasama sa interest ng kumpanya ay maaaring makapag-dulot ng mataas na moral, kasiyahan at retention ng empleyado.

***Ang may akda ay Vice ­Pre­si­dent-Finance/­Comptroller ng DES Finan­cing Corporation, isang kumpanyang nagbibigay ng ­serbisyong-pinancial sa mga ­retiradong sundalo ng AFP at ­kanilang mga benepisyaryo.

Disclaimer: The views and opinions expressed above are those of the author and do not necessarily represent the views of FINEX, ­CSBank, and of PILIPINO Mirror. Photo from Pinterest.

Recent Posts

Looking forward to 2025

January 16, 2025 l Manila Bulletin I asked PNB’s Economist and Research Head Alvin Arogo about the 2024 economic results. He said the Philippine economy

Capital market watchlist

January 15, 2025 l Business Mirror THE Asian Financial Crisis of 1997 has brought to surface the realization that Asian economies cannot and should not

Using AI is strategic planning

January 14, 2025 l Manila Bulletin Strategic planning is more critical than ever as organizations gear up to navigate the challenges and opportunities of the

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189