Mahalaga pa rin ang Edukasyon

Earvin Salangsang l May 8, 2024 l Pilipino Mirror

EDUKASYON ang susi sa tagumpay!” Ito ang madalas na slogan sa mga school graduation. Dito rin madalas na binabase ng mag-aaral na nakakuha ng ­pinakamataas na parangal ang kanyang talumpati. Ngunit naaangkop pa rin ba ang slogan na ito sa panahon ngayon?

Ngayong panahon na ng internet at social media, marami na sa ating mga kababayan ang nag-uumpisa ng negosyo o ng propesyon gamit ang internet. Ilan sa mga ito ang pag-o-online selling, pagiging influencer, YouTuber, vlogger, at mga freelance jobs na hindi nangangailangan ng college degrees.

Mas lumago ang kanilang market coverage gamit ang internet kaya naman mas mabilis ang kanilang pag-unlad. Dumami ang mga oportunidad para kay Juan upang makaangat sa buhay buhat nang lumawak ang paggamit ng internet sa bansa. Sa maraming pagkakataon, mas asensado pa ang mga ito kaysa sa mga kababayan nating nakapagtapos ng kanilang pag-aaral at may maayos na trabaho sa isang kompanya.

Dito rin marahil nag-umpisa ang walang katapusang debate na “Diploma o Diskarte”. Kaya naman, marami sa ating mga kabataan ang tinatamad na ring makapagtapos at ginugustong sumubok ng ibang pamamaraan upang may marating sa buhay.

Sa katotohanan nga naman, ilan sa mga pinakamatagumpay na tao sa mundo tulad nina Gates, Zuckerberg at Jobs ay mga college dropouts. Ilan lamang ito sa mga patunay na hindi kailangan ng college degree upang maging matagumpay. Pero bago ninyo bitawan ang iyong mga ballpen, papel at mga bags, hayaan n’yo munang tingnan din natin ang ilang matatagumpay na personalidad sa bansa.

Ang magkakapatid na Sy ng SM ay may kanya- kanyang college deg­rees, si Villar ay CPA, sina Ramon Ang at Tony Tan Caktiong ay may mga engineering degrees naman. Maaaring hindi lang diploma ang naging susi sa kanilang tagumpay ngunit hindi maipagkakaila na may naging contribution pa rin ang edukasyon sa kanilang tagumpay direkta man or hindi.

Bukod sa mga theories na matututunan sa eskuwelahan, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga benepisyo ng edukasyon:

  1. Preparedness – Hindi maituturo ng eskwelahan ang lahat ng bagay ngunit maihahanda tayo nito gamit ang mga matutunan nating technical at soft skills.
  2. Safest Investment – Habang hindi pa nahahanap ang inyong passion sa buhay, walang masasayang kung sa sarili ka mag-iinvest.
  3. Networking – Ang inyong mga classmates at professors ay mga pinakamalapit na source upang maging mentors, business partners at customers.
  4. Credentials – Ang mga certifications ay nakapagpapataas ng credi­bility at marketability ng isang tao.
  5. Back Up Plan – Kung hindi man maging matagumpay ang piniling negosyo o propesyon, maaari ka pa ring makahanap ng trabaho gamit ang iyong degree.

Maaaring hindi lamang edukasyon ang susi sa tagumpay. Napakarami na nating options ngayon. Ngunit hindi rin natin maitatanggi na napakalaki ng naitutulong ng edukasyon sa kahit ano mang aspeto. Hindi man natin napapansin ngunit ang mga successful individuals ay patuloy pa rin sa pag-aaral at natututo, sa pormal o impormal man na paraan. Ika nga, learning is a lifelong process. Kaya naman, keep the faith in education. Matuto hangga’t may pagkakataon!.

*** Ang may akda ay Vice ­Pre­si­dent-Finance/­Comptroller ng DES Finan­cing Corporation, isang kumpanyang nagbibigay ng ­serbisyong-pinancial sa mga ­retiradong sundalo ng AFP at ­kanilang mga benepisyaryo.

Disclaimer: The views and opinions expressed above are those of the author and do not necessarily represent the views of FINEX, ­CSBank, and of PILIPINO Mirror. Larawan mula sa Pinterest.

Recent Posts

Linggo ng Econ at Fin Lit

Earvin Salangsang l November 13, 2024 l Pilipino Mirror ANO ang inflation? Ano ang sanhi nito? Ano ba ang law of supply and demand? Paano

Unlocking investments in clean energy

Joseph Araneta Gamboa l November 13, 2024 l Business Mirror THE future of energy is always in a state of flux, making it difficult to

Social media’s market influence

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l November 8, 2024 l Business World In recent years, social media has evolved from a tool for personal connection to

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189