“GABAY SA WASTONG PAMAMAHALA NG PERA” O GABAY – ISANG PAGNINILAY

Carlos Rheal Cervantes l January 24, 2024 l Pilipino Mirror

BAGO matapos ang taong 2023, inatasan ako ng FINEX Social Involvement Committee (FINEX SIC) na isalin ang 2021 Isyu ng “Handbook On Personal Finance” na isinulat sa wikang Ingles ng yumaong dating propesor na si MA. ELENITA BALATBAT CABRERA.

Hindi ko agad matanggap ang proyektong ibinibigay ng FINEX SIC dahil ‘di ko agad naisip kung paano ito tata­lakayin sapagkat ako ay tubong Minda­nao, na nakapag-aral ng agrikultura sa UP Los Banos, bagama’t nagturo din naman ako ng Finance sa isang Unibersidad.

Naisip ko naman na mayroon nang Artificial Intelligence (AI) ngayon na magagamit kasali na ang paggamit ng Google Translate na makatutulong na mapabilis ang pagsasalin.

Tinanggap ko ang hamon ng pagsasalin sa pangunahing tulong ng Google Translate, sipag at tiyaga, at sa mahala­gang tulong at gabay na rin ng mga masipag na miyembro ng FINEX SIC. Kasama ko ang buong miyembro ng FINEX SIC, sa pangunguna ni Ginoong Ed Soriano, na pinag- isipang rebisahin ng ilang buwan, mula Agosto 2023 hanggang Enero 2024, ang apat na siyam (49) na pahina ng Handbook para ito ay maisalin sa wikang Pilipino na magagamit ng ating mga kababayan.

Hindi lahat ng isinasalin ng Google Translate ay agad naaangkop sa paksa o sa ibig isalin. Kailangan ding pagtiyagaan ng nagsasalin ang angkop na salita at maaaring walang ang­kop na salitang salin sa Filipino na tama para sa Ingles. Dito kailangan ang Katalinuhan ng Tao o Human Intelligence (HI). Kung nais matuto ng isang tao, kaila­ngan pa rin itong magsipag, matiyagang mag basa at gamitin ang natutunan para hindi malimutan.

Sa pagsasalin ko sa wikang Pilipino, aming napagsang-ayunan na mas mabuting isalin sa ating kasalukuyan o nakasana­yang gamit na “Tag-lish”. Sa Gabay, may mga salitang English o Taglish ang ‘di maiiwasan, tulad ng mga salitang: Credit o Debit Card; Savings o Time Deposits; Cellphone; Computer; Customer Information Sheet; ATM Card; Signature Card; Checkbook; Account; Investment, Liquid at Personal Assets, at marami pang iba.

Naisip namin na mabuting iparating muna ang mensahe ng “Gabay sa Wastong Pamamahala Ng Pera” sa ganitong paraan ng pagsasalin upang ang ating kababayan ay mabigyan ng pangunahing pag- aaral. Magbibigay rin naman sa mga susunod na araw ng seminar ang FINEX SIC sa mga interesadong maintindihan ang Gabay o matuto ng mas malalim.

Sa Gabay, ibinahagi sa maraming paksa ang wastong pamamahala ng pera sa sumusunod na mga anim na seksyon:

1 MGA PANGUNAHING KAA­LAMAN SA WASTONG PAMAMAHALA NG PERA
2 PAGPAPLANO PARA MAKAMIT ANG KALAYAAN SA PAGGAMIT NG PERA
3 PAANO MAAARING MABUO ANG YAMAN
4 KAILAN, BAKIT AT PAANO GAMITIN ANG UTANG
5 PAMUMUHUNAN
6 HALAGA NG IMPORMASYONG PINANSIYAL SA MGA NEGOSYANTE

Sa bagong salin na isyu ng Gabay na unang isinulat sa Ingles ni Propesor Balatbat noong 2021, tiyak na mabibigyan ang ating kababayan ng kasalukuyan at unang pag-aaral sa pamamahala ng pera upang makatulong sa pagplano ng yaman at magamit sa negosyo ang napag-alaman.

Maligayang pagbasa.

Si Carlos Rheal Cervantes ay Chairman ng FINEX Media Affairs Committee. Siya rin ay Chief Operating Officer ng Power­Source Group of Companies, isang sustainable energy solutions company.

Recent Posts

Waste and repurposed plastics

January 10, 2025 l Business World Happy New Year! Do you know that the Philippines produces about 61,000 metric tons of solid waste daily? This

Bohol economy grew 6.6% in 2024

Zoilo “Bingo” P. Dejaresco III l January 9, 2025 l Manila Bulletin Bohol’s economy surged by 6.6 percent in 2024, exceeding the national average of

Age of legalized vote buying coming?

Zoilo ‘Bingo’ Dejaresco III l January 8, 2025 l Business Mirror SOMETHING does not seem right with some Philippine methods of governance. For instance, Congress

Paano mag-isip tulad ni Elon Musk

Reynaldo C. Lugtu, Jr l January 8, 2025 l Pilipino Mirror Si Elon Musk ay kilala bilang pinakamayamang tao sa mundo, at hindi lang ito

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189