KWENTONG BREAK UP AT NEGOSYO

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 6, 2023 l Pilipino Mirror

ISANG pambansang pagdadalamhati ang ­naramdaman ng napakaraming Pilipino sa ­pagtatapos ng relasyon nina Kathryn ­Bernardo at Daniel Padilla. Maging ang kanilang mga ­tagahanga, na tinaguriang KathNiel fans ay ­parang ­pinagsukloban nang makumpirma ang hindi ­inaasahan.

Para sa dating magkarelasyon na Bernardo at Padilla, na nagtagal ng labing isang taon, hindi biro ang panahon na naigugol sa isa’t isa at kasama na rito ang kanilang mga negosyo at endorsements na kahit papaano ay maaa­ring maapektuhan ng kanilang breakup.

Sa panahon ngayon, hin­di na lamang mag-asawa ang napupunta sa ganitong sitwasyon kundi pati na rin ang mga hindi pa kinakasal, katulad ng magnobyo na nagpasyang magnegosyo o magpundar at ipagsama ang pera na may layuning palaguin.

Hindi rin lamang nagtatapos sa magkasintahan ang ganitong set up – sapagkat kahit magkaibigan ay maaari ring magkaroon ng negosyo o investment.

Kapag umabot sa punto na kinakaila­ngang putulin na ang relasyon, ano ang magiging epekto nito sa mga negosyong naipundar? Papaano ang hatian at bayarin kung hindi naman mag asawa? Nagsisilbi itong paalala na siguraduhing laging may kasulatan at agreement ang anumang negosyong pinapasok kahit pa sabihing ang tiwala mo sa iyong kaso Syosset ay higit pa sa 100%. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas.

Marahil nagpalipas muna ng panahon sina Bernardo at Padilla bago ianunsiyo ang kanilang paghihiwalay, nang sa gayon ay maiayos ang hatian ng kanilang mga negosyo o tapusin ang mga endorsements na walang nilalabag sa kontrata.

Sa ganitong usapin, narito ang ilang mga suhestiyon na puwedeng pag-isipan:

  1. Sa pakikipagsosyo o pagpundar ng negosyo kasama ang kasintahan o kaibigan, mainam na isulat o magkaroon ng agreement patungkol sa investment at sa hatian ng kita, at kung kailan ang projected na kikita na ang negosyo. Ugaliing magkaroon ng regular report at meeting upang maintidihan ang nangyayari sa negosyo at hindi lamang nakadepende sa isa.
  2. Sakaling hindi magkasundo sa personal na level ang magpartner, ano ang diskarte sa pag-handle ng negosyo? Kung mag-e-exit at kukunin ang in-invest (pati ang kita, kung meron na), ano ang mga kailangang gawin? Kung ito ay restaurant o food cart business, may NDA o non- disclosure agreement ba para hindi mailabas ang mga trade secrets, kung meron man?
  3. Kung bagong brand ang itinatag, at ipagpapatuloy pa rin ito, well and good; pero paano kung ayaw na at gusto na ring itigil ng parehong kampo at maganda ang pagtanggap ng masa sa negosyong naitayo? Ito ba ay ibebenta? Kapag ibinenta, mame-maintain ba sa tamang antas ng pamamalakad?

Ang paghihiwalay ng magkasosyo sa negosyo ay may kaukulang epekto sa kanilang “anak” – ang negosyo mismo na kinakailangang pag-usapan nang maayos. Hindi ito dapat balewalain sa kadahilanang ang naipundar ay nagkaroon ng customer base, at kung tutuusin ay para nga namang anak ito na kailangang alagaan at patnubayan. Isang aspeto ito ng pagkakaroon ng relasyon – romantic o otherwise – na kailangang bigyan ng sapat na konsiderasyon lalo na’t pinagkakakitaan ito.

Mahalagang pag-isipan nang maigi ang ganitong mga pangyayari dahil minsan nga naman ay masalimuot ang ending. Kung sabagay, lahat naman tayo ay gusto ng happy ending lalo na sa mga sumusubaybay sa KathNiel. Huwag kalimutan kunin ang aral sa kuwento nila at siguradu­hing ang pangkabuhayan ay hindi labis na maaapektuhan sa anumang hiwalayang maaaring maganap.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang ­kumpanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa ­digital at culture transformation. Siya ay ­nagtuturo ng strategic management sa MBA ­Program ng De La Salle University. Ang ­may-akda ay maaaring i-email sa rey.lugtu@­hungryworkhorse.com

Recent Posts

Looking forward to 2025

January 16, 2025 l Manila Bulletin I asked PNB’s Economist and Research Head Alvin Arogo about the 2024 economic results. He said the Philippine economy

Capital market watchlist

January 15, 2025 l Business Mirror THE Asian Financial Crisis of 1997 has brought to surface the realization that Asian economies cannot and should not

Using AI is strategic planning

January 14, 2025 l Manila Bulletin Strategic planning is more critical than ever as organizations gear up to navigate the challenges and opportunities of the

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189