GAMITIN SA WASTO ANG PENSYON

Earvin Salangsang l November 22, 2023 l Pilipino Mirror

ANG PANGUNAHING layunin ng pensyon ay ­magbigay ng financial support sa mga indibidwal sa panahon ng pagreretiro.

Ito ang karampatang kapalit ng mawawalang regular na sahod sa oras na magretiro ang isang empleyado. Maaari itong mang­galing sa pamahalaan tulad ng SSS at GSIS, sa mga pribadong kompanya at iba pang organi­sasyon na sa kadalasan ay may kontribusyon ang empleyado sa pag-iipon nito para sa isang magin­hawang pagreretiro. Dekada ang bibilangin sa pag-iipon at pag-invest nito kaya naman napakahalaga na magamit din sa wastong paraan ang pensyon.

Ang gastusin sa pamumuhay ay natural na tumataas taon-taon habang ang pensyon naman na tina­tanggap ay pantay lamang. Sa kalaunan, maaaring hindi na rin maging sapat ang buwanang pensyon upang matustusan ang mga gastusin sa buhay tulad ng pagkain, gamot, tubig at kor­yente. Ang responsable at masinop na paggamit ng pensyon ay napaka-kritikal upang maiwasan ang ganitong sitwasyon. Narito ang ilang mga payo:

1. Gumawa ng Retirement Budget – Simulan ang budget sa paglilista ng mga buwanang gastusin tulad ng pagkain, gamot at iba pang pang-kalusugang gastusin, gastos sa bahay, tubig at kuryente. Tiyakin din na bigyang-pansin ang mga hindi esen­syal tulad ng pamamasyal at mga handaan. Maglaan na rin ng posibleng emergency fund. Ang tamang pag-unawa ng budget ang magiging pundasyon ng maayos na pamamahala ng pensyon.

2. Mag-invest – May mga produktong pampinansyal na kombinasyon na rin ng investment at insurance. May dagdag seguridad para sa kalusugan na maibibigay ang mga ganitong produkto habang kumikita rin ito. Pag-aralan lamang nang mabuti ang mga kaakibat na risks and returns ng mga investment pro­ducts na ito na naaayon sa inyong kakayanan.

3. Magnegosyo – Hindi pa huli ang lahat upang magnegosyo. Isang halimbawa na riyan si Colonel Sanders na founder ng KFC. Sinasabing higit 60- anyos na si Sanders noong tuluyang naging matagumpay ang kanyang negosyo. Trading business tulad ng hardware, agri-business gaya ng poultry at piggery, water refilling station, grocery store at repair shops ang ilan lamang sa napakaraming pwedeng subukan. Depende na lamang ito sa imahinasyon at kakayanan. Ang pensyon ay maaarii ring italaga sa mga financing companies upang maka-access ng murang puhunan.

4. Debt Management – Kung may mga pinagkakautangan lalo na’t iyong may mga matataas na interest, unahin o magbigay ng higit na atensyon sa pagbabayad ng mga ito. Ito ay upang magamit ang pensyon sa mas kapaki-pakinabang na layunin.

5. Live Within Your Means – Tama lamang na mag-enjoy ang isang retirado. You deserve it, ika nga. Ngunit mahalaga rin na alalahanin na limitado na lamang sa pensyon ang kakayahan upang gumastos. Ugaliin ang maingat at responsableng paggasta at hanggang maaari ay iwasan ang sobra-sobrang paggastos.

Ang pamamahala ng pinaghirapang pensyon ay nangangaila­ngan ng maingat na pagpaplano at disiplinadong pagbubudget upang maiwasan na ito ay masayang lamang. Ang mga nabanggit na mga payo ay makakatulong upang maka-siguro sa isang maginhawa at financially-secured na pag-reretiro.

*** Ang may akda ay Vice Presi­dent-Finance/Comptroller ng DES Finan­cing Corporation, isang kumpanyang nagbibigay ng serbisyong-pinancial sa mga retiradong sundalo ng AFP at ­kanilang mga benepisyaryo.

Recent Posts

The scourge of celebrities in politics

Benel D. Lagua l December 13, 2024 l Business World With elections looming in 2025, this writer is amazed at the audacity of celebrities and

AI-enabled consumers

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 12, 2024 l Manila Bulletin On a breezy December evening in Manila, a young professional stares at her phone,

What I like about Christmas

George S. Chua l December 11, 2024 l Business Mirror THERE are people who find no joy in many situations, including the Christmas season. Perhaps

Simple at Makabuluhang Pasko

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 11, 2024 l Pilipino Mirror ANG PASKO sa Pilipinas ay isa sa mga ­pinakamasayang panahon, ngunit kadalasang nagdudulot din

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189