KITA MULA SA FESTIVALS

J. Albert Gamboa l September 27, 2023 l Pilipino Mirror

ANG MGA Pilipino ay mahilig magdiwang ng iba’t ibang activities at sumali sa mga festival.

Ang ating kakayahang mag-organisa ng mga natatanging pagtitipon ay nagbibigay-daan sa paglkha ng kahulugan sa pang-araw-araw na buhay. Ang tradisyon ng fiesta ay malalim na nakatanim sa kultura at lipunan ng Pilipinas mula nang magsimula tayong magdaos ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo ng Katoliko noong panahon ng kolonyal na Espanyol.

Sa ngayon, marami sa mga lalawigan, lungsod, at munisipalidad ng bansa ang nauugnay sa mga espesyal na pagdiriwang para sa national, seasonal o religious na mga dahilan. Madalas bumisita ang mga turista sa ating mga isla upang saksihan ang mga fiesta, perya, at pagdiriwang na ito na nakaugat sa kultural na paniniwala natin.

Sa 13 lungsod at 19 na munisipalidad ng lalawigan ng Negros Occidental, mayroong higit sa isang dosenang mga pangunahing pagdiriwang na nakatakda sa buong taon. Ang pinakasikat ay, siyempre, ang MassKara Festival na ginaganap tuwing Oktubre sa capital ng probinsiya, ang Lungsod ng Bacolod, na kilala bilang “City of Smiles” dahil sa mga nakangiting maskara na nagpapakilala sa sikat na festival sa buong mundo.

Ang pinakabago ay inilunsad ngayong buwan na tinatawag na Sugar & Smiles Festival na ginanap sa SM City Bacolod upang ipagdiwang ang pagsisimula ng panahon ng ani sa tinatawag na “Sugar Bowl of the Philippines.” Ang tatlong araw na kaganapan ay isang public-private partnership o PPP sa pagitan ng Sugar Regulatory Administration, isang attached agency ng Department of Agriculture; ng SM Group of Companies; at ng SugarSmiles Philippines Management Inc., isang kompanya ng publishing at event management na nakabase sa Bacolod.

Itinampok sa SM FoodFest ang iba’t ibang producers ng tubo tulad ng muscovado sugar, native delicacies, at sikat na pasalubong items bilang bahagi ng Sugar & Smiles Festival. Nagbigay ito ng pagkakataon sa mga lokal na negosyante na kumita sa pamamagitan ng pagbebenta ng kanilang mga paninda sa Northwing Activity Center ng retail mall na matatagpuan sa reclamation area ng Bacolod.

Sa isang pagpapakita ng pagkakaisa, ang tatlong pangunahing pederasyon ng mga asosasyon ng mga planter ng tubo ay lumahok sa pagdiriwang, katulad ng: CONFED, NFSP, at UNIFED. Ang Art Association of Bacolod-Negros ay nagsagawa ng painting exhibit na nagtatampok ng mga eksena mula sa industriya ng asukal habang nagsasagawa ng mga art workshop para sa mga bata at matatanda.

Ang pangunahing highlight ng festival ay ang kauna-unahang Miss Young Sugarlandia pageant na nagpakita ng mga costume na inspired ng tubo na isinuot ng 10 finalists. Ang grand winner ay si Yvette Guinanao, isang volleyball varsity player mula sa University of St. La Salle (USLS), kasama sina Jada Celeste ng USLS din bilang first runner-up at Marian Villador ng University of Negros Occidental-Recoletos bilang second runner-up .

Ngayong linggo, isang iconic Negrense event ang gaganapin sa Metro Manila bilang prelude sa MassKara Festival. Ang Negros Trade Fair (NTF) ay gananapin sa Glorietta Activity Center sa Makati City na may temang “Amuma” – isang salitang Hiligaynon na nangangahulugang “to foster, to nurture, to take care of.”

Matapos ang halos apat na dekada, ang NTF ang naging pinakamatagal na provincial trade fair sa bansa na nilahukan ng mga creative entrepreneur ng Negros Occidental. Malayo na ang narating mula noong unang bahagi ng mga araw nito noong 1985 nang lumapit ang 14 na Negrense na maybahay sa mga may-ari ng Rustan’s Department Store upang tumulong sa pagsulong ng kanilang mga artisanal na produkto.

Ngayon sa ika-37 na edisyon nito, ang NTF ay isang brainchild ng Association of Negros Producers (ANP), na itinatag noong 1980s nang ang industriya ng asukal ay nasa isang estado ng krisis. Ayon kay ANP Chair Christina Gaston, “It’s Ilonggo hospitality to go the extra mile for our family, friends, and guests. Nais naming dalhin ang mga katangiang ito sa fair.”

*** Ang may-akda na si Joseph Araneta Gamboa (JAG) ay kasalukayang Director at Chief Finance Officer ng Asian Center for Legal Excellence, isang accredited provider ng Supreme Court para sa Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) courses ng mga abogadong Pilipino. Sumisilbi din si JAG bilang Vice Chairman ng Ethics Committee sa Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX).

Recent Posts

Linggo ng Econ at Fin Lit

Earvin Salangsang l November 13, 2024 l Pilipino Mirror ANO ang inflation? Ano ang sanhi nito? Ano ba ang law of supply and demand? Paano

Unlocking investments in clean energy

Joseph Araneta Gamboa l November 13, 2024 l Business Mirror THE future of energy is always in a state of flux, making it difficult to

Social media’s market influence

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l November 8, 2024 l Business World In recent years, social media has evolved from a tool for personal connection to

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189