HUDYAT NG ‘BER’ MONTHS

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l September 20, 2023 l Pilipino Mirror

MAHIGIT dalawang linggo na ang lumipas nang sumalubong sa atin ang ‘ber’ months – ang ­huling tatlong buwan ng taon kung saan ­punom-puno ng kulturang Pinoy ang ­ating ­pang-araw-araw: nariyan na ang mga kanta ni Jose Mari Chan na pinatutugtog na saan man tayo at ­dahil ­tinuturing na ngayong malaking simbolo ng ­Kapaskuhan, ang mga palamuti na unti-unti nang ­isinasabit at dinidisplay sa malls at sa ating mga ­bahay, at siyempre pa, ang napipintong pagbibili ng mga ­regalo, pagplano ng mga pang-Noche ­Buena at ang samu’t ­saring mga aktibidad bunsod ng ­panahon ng Kapaskuhan.

Kasama sa ‘ber’ months ang mga Christmas bonus din na matatanggap natin – o kaya naman ay ang mga ibibigay natin kung nagpapatakbo ng sariling negosyo – isa ito sa pinakamahalagang ina­abangan ng mga PIlipino sapagkat dito manggaga­ling ang ating badyet para makasiguro na masaya ang ating mga mahal sa buhay pagdating ng Pasko.

May isang perspektibo din na magandang pagnilaylayan ngayong ‘ber’ months. Isa na rito ay ang konsepto ng pagbibigay ng regalo. Marami sa atin, lalo na ang mga mas nakatatandang henerasyon, ang nakasanayan nang bumili ng mga panregalo bilang simbolo ng Kapaskuhan.

Sa kabilang banda, nagi­ging mas creative na rin ang mga Pilipino ngayon sa pagbibigay ng regalo dahil na rin sa hirap ng buhay at ang patuloy na pagtaas ng bilihan, kung kaya nagiging mas praktikal na rin ang pagbibigay ng mga homemade gifts o mga regalo na made with love kung tawagin.

Ang ganitong paraan ng pagreregalo ay isang epektibong paraan ng pagbibigay ng regalo sa mas abot-kayang halaga. Hindi na kailangang galawin ang Christmas bonus at maaaari na itong itabi para sa mas mga kailangang pag-ipunan.
Ilan sa mga dahilan kung bakit mas pinipili ang pagbibigay ng mga homemade gifts ay (1) mas mura ang halaga ng mga gamit na kailangan dahil ang labor ay sa iyo manggaga­ling; (2) isa itong magandang bon­ding activity kasama ang pamilya lalo na kung ikaw ay may mga batang anak na gusto mo ring turuan; at (3) nababadyet natin ang ating pera sa paraan na malaki ang naititipid natin at nakapagbibigay pa rin tayo ng regalo sa ating mga pamilya at mga kaibigan.

Halimbawa ng mga homemade gift na patok sa mga reregaluhan natin:
1. Pagkain – kung ikaw ay magaling mag­luto o mag-bake, subukang magbigay ng mga regalong pagkain ngayong Pasko. Mag-bake ng banana bread, chocholate chip coo­kies, crinkles, cupcakes, muffins at iba pa at siguradong matutuwa ang mga reregaluhan mo nito. Hindi rin mawawala ang atchara, ube, macapuno at kung ano-ano pa.

2. Plants – kung ikaw ay tinaguriang plantito o plantita, mainam na mag-propagate na ng mga popular na halaman lalo na ang mga may natural remedies para sa iyong mga panregalo. Ang mga halaman katulad ng basil, rosemary, curry leaves, oregano at iba pa ay mabilis tumubo at gamit na gamit sa kusina sa pagluluto ng iba’t ibang ulam. Ang iba pang mga halimbawa na puwede ring ipanregalo dahil na rin sa nakatutulong ito sa kalusugan ay ang insulin (para sa mga matataas ang blood su­gar), serpentina (mapait nga lang ang lasa pero mabisa para sa mataas ang presyon), sambong at marami pang iba. Ilagay sa maliit na paso, lagyan ng ribbon at mayroon ka nang magandang regalo na hindi lamang napakaganda, kundi praktikal, sustainable at economical.

Ugaliing maging wais sa paggamit ng pera lalo na ngayong Kapaskuhan. Mainam na planuhin nang maaga ang mga listahan ng reregaluhan nang sa gayon ay mabadyet nang wasto.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang kompanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa digital at culture transformation. Siya ay nagtuturo ng strategic management sa MBA Program ng De La Salle University. Ang may-­akda ay maaring ­i-email sa rey.lugtu@hungryworkhorse.com

Recent Posts

The scourge of celebrities in politics

Benel D. Lagua l December 13, 2024 l Business World With elections looming in 2025, this writer is amazed at the audacity of celebrities and

AI-enabled consumers

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 12, 2024 l Manila Bulletin On a breezy December evening in Manila, a young professional stares at her phone,

What I like about Christmas

George S. Chua l December 11, 2024 l Business Mirror THERE are people who find no joy in many situations, including the Christmas season. Perhaps

Simple at Makabuluhang Pasko

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 11, 2024 l Pilipino Mirror ANG PASKO sa Pilipinas ay isa sa mga ­pinakamasayang panahon, ngunit kadalasang nagdudulot din

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189