WASTONG PANANAW UKOL SA PERA

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l August 16, 2023 l Pilipino Mirror

ANG tamang paggamit ng pera na napananatili natin nang matagal ay sa pamamaraan ng wastong paggamit nito – bilang pambayad sa mga kinakailangang bayaran, at sa pamamagitan ng pagtatabi nito nang sa gayon ay may mapaghugutan sakaling magipit.

Ang pagiging disciplinado sa paggamit ng pera ay nakatutulong upang mabuo ang ating behavior o fiscal intelligence. Hindi ito natututunan sa loob ng isang araw lamang – bagkus, sa loob ng maraming taon hanggang sa tayo ay humahawak ng pera.

Ang tao ay maaaring maihanay sa dalawang klase: sa wikang Ingles ito ay ang tinatawag na (1) Keeping up with the Joneses o kaya naman ay ang pangkat na (2) Staying in your lane. Talakayin natin ang bawat isa.

Keeping up with the Joneses
Isa itong idiomatic expression na sa madaling sabi ay mahilig sumabay sa mga may kaya o maya­yaman kahit hindi naman talaga kaya o nagpapanggap lamang. Ang mga taong sanay “to keep up with the Joneses” ay gagawin ang lahat makasabay lamang sa kung ano ang uso o kung ano ang mahal kahit pa ipa­ngutang ang pambayad sa mga ito.

Ang mga mahilig gawin ito ay hindi sanay na maihalintulad sa “average” o sa tamang klase ng pamumuhay lamang at mas ninanais ng mga ito ang maikumpara sa mga tunay na mayayaman kahit hindi naman talaga sila ma­yaman.

Hindi pinangangahalagahan ang pera ng mga ganito tao sapagkat ang tingin nito sa pera ay para gastusin lamang – at hindi nangangahulugan na wastong paggamit ito – upang makamit ang maling pakay na makitaang bigatin sa pera, ngunit salungat naman ang tunay na realidad.

Staying in your Lane
Ito ay nangangahulugan na pumipirmi ka lamang sa buhay na abot kaya, na hindi kaila­ngang ipangutang para lamang magbigay ng maling imahe sa publiko. Ito rin ay ang pagiging totoo sa iyong sarili na ang iyong mga kinikilos at pinipiling gawin o bilhin ay angkop sa lalim ng bulsa.

Nariyan ang mga sitwasyon na pipiliing kumain sa mas abot-kayang restaurant imbes na gastusin ang buong buwan na budget sa isang mamahaling steak house. Isang halimbawa rin ang pagdaraos ng kaarawan o paggastos patungkol dito sa mga bagay na hindi ganoong kamahalan dahil iyon lamang ang kaya, kaysa ipangutang ang pamba­yad upang maidaos ito sa mas marangyang lugar.

Malaking bagay rin ang pagpapahalaga sa salapi ng mga magulang upang matuto ang mga bata sa tamang paggamit sa pera. Kung ang magulang ay masinop, marunong magtipid at hindi naiimpluwensiyahang makisabay nang hindi naman kinakaila­ngan, malaking aral ang maidudulot nito sa mga anak habang sila ay lumalaki sapagkat dito makikita o mapi-pick up ang behavior o fiscal maturity pagdating sa salapi. Sa kabilang dako, kung puro gastos at puro palabas ang pera at wala man lang naitatabi dahil sa hindi tamang paggamit ng pera ay hindi malayong ganito rin ang matutunan ng mga bata at mabitbit nila sa kanilang pagtanda.

Ugaliing lumugar lamang sa pamumuhay nang naaangkop sa a­ting estado sa buhay. Mahirap ang maihanay sa mga nagpapadala o gustong makisabay sa mga sitwasyon na hindi lamang nararapat kundi hindi rin naman importante. Bigyan halaga ang perang kinikita at ilaan ito sa mga importanteng bagay, kabilang na rin ang pag-iimpok para sa ating katandaan.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang kompanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa digital at culture transformation. Siya ay nagtuturo ng strategic management sa MBA Program ng De La Salle University. Ang may-akda ay maaring i-email sa rey.lugtu@hungryworkhorse.com

Recent Posts

COMPLIANCE, GAANO KAHIRAP?

January 22, 2025 l Pilipino Mirror TUWING may kakilala o kaibigan ako na may ­negosyo na lalapit sa akin upang magpatulong sa kanilang  ­regulatory compliances

Inspire to motivate

January 21, 2025 l Manila Bulletin In this age of social media and the internet, it is easy to browse and search for motivational quotes,

Ambisyon Natin 2040

January 17, 2025 l Business World I recently attended the Annual Tax Symposium of SGV & Co., where National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie

Looking forward to 2025

January 16, 2025 l Manila Bulletin I asked PNB’s Economist and Research Head Alvin Arogo about the 2024 economic results. He said the Philippine economy

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189