TUNAY NA SUKATAN NG KAYAMANAN

James Patrick Bonus l July 26, 2023 l Pilipino Mirror

KAPAG napag-uusapan ang kayamanan sa buhay, ang madalas nating naiisip ay ang laki ng perang nakatabi sa bangko, ang bilang at kalidad ng mga pagmamay-ari, o ang laki ng kinikita mula sa kabuhayan.

Ngunit ang tunay na sukatan ng kayaman sa buhay ay dapat sumasalamin sa mga mahahalagang aspeto na nagbibigay-kahulugan sa buhay, at may kinalaman sa mga bagay na hindi basta-basta nabibili ng salapi. Ano-ano nga ba ang mga tunay na sukatan ng kayamanan?

Mabuting kalusugan
Kinakailangan natin ng sapat na lakas, malinaw na pag-iisip, at malusog na pangangatawan upang mamuhay nang masaya at marangal. Aanhin natin ang limpak-limpak na salapi kung lahat naman ng ito’y ipanggagastos lang sa pang-ospital o pambibili ng gamot. Sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansiyang pagkain, pagtulog sa tamang oras, at regular na ehersisyo, mapapabuti natin ang ating kalusugan na nagiging pundasyon ng maluwalhati at produktibong pamumuhay.

Makabuluhang ugnayan
Ang pagkakaroon ng malalim at makabuluhang ugnayan sa mga taong mahahalaga sa atin ay nagbibigay-saysay sa ating pamumuhay. Ang makahulugang ugnayan natin sa kapwa tao ang nagbibigay-halaga sa ating mga gawain at mithiin. Marami nga ang biyayang dala kung maraming pera, ngunit para saan naman ang mga ito kung hindi naman natin maibabahagi ang mga ito sa mga mahal natin sa buhay?

Kalayaan sa paggamit ng oras
Limitado ang oras nating lahat sa mundong ito. Samakatuwid, ang kalayaang magdesisyon sa sarili nating oras ang pinakamahalagang sukatan ng kayamanan sa buhay. Sa paghahangad natin ng kayamanang pisikal sa buhay, hindi natin dapat kalimutan na maglaan ng oras para sa ating sarili, sa mga mahahalagang tao sa ating buhay, at sa mga gawaing nagbibigay ligaya at saysay sa pamumuhay natin.

Ang tunay na kayamanan ay hindi lamang matatagpuan sa dami ng pera, mamahaling ari-arian, o magarbong pamumuhay. Bagkus, ang pagkamit ng malusog na pangangatawan, pagtuon sa makabuluhang ugnayan sa pamilya at kaibigan, at pagbibigay halaga sa ating oras ang tunay na nagpapayaman sa atin, mga sukatang hindi mahihigitan ng kahit anong halaga ng salapi.

*** Ang may-akda ay kasalukuyang Deputy Country Manager & Chief Finance Officer ng FinScore, isang fintech firm na tumutulong sa mga lehitimong kompanyang nagpapautang sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na sumusuri sa kakayahang magbayad ng nanghihiram gamit ang alternatibong impormasyon na hinda tradisyonal na ginagamit sa pagpapautang. Pumunta sa https://ccmobile.ph/establish-your-financial-persona para malaman ang iyong telco credit score ng walang bayad.

Recent Posts

Looking forward to 2025

January 16, 2025 l Manila Bulletin I asked PNB’s Economist and Research Head Alvin Arogo about the 2024 economic results. He said the Philippine economy

Capital market watchlist

January 15, 2025 l Business Mirror THE Asian Financial Crisis of 1997 has brought to surface the realization that Asian economies cannot and should not

Using AI is strategic planning

January 14, 2025 l Manila Bulletin Strategic planning is more critical than ever as organizations gear up to navigate the challenges and opportunities of the

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189