PANGMATAGALANG PAGIISIP NG PERA

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l June 21, 2023 l Pilipino Mirror

ANG pangmatagalang pagiisip ng pera, o long term money mindset, ay isang pamamaraan ng pagpaplano patungkol sa pera upang maatim ang ­financial stability. Ang ganitong klase ng pagiisip ay hindi nangyayari overnight, at ­nangangailangan ng behavioral changes at tamang disiplina. Sabi nga nila, kung gusto may paraan; kung ayaw may dahilan.

Maraming paraan ng pagiipon na naisulat na rin makailang beses, at ang pagkakaroon ng long term money mindset ay ang magpapahaba ng pisi nang sa gayon ay mapanatili ang disiplina sa pagtatabi ng pera o paglagay ng pera sa mga instrumentong mataas ang balik.

Gayunpaman, hindi lahat ng Pilipino ay ga­nito magisip, at karamihan pa rin sa atin ay nagiisip lamang in the short-term. Ibig sabihin, sa ating kultura, marami pa ring Pilipino ang short-term thinkers pagdating sa pera at makikita ito sa mababang savings rate at mababang insurance penetration sa merkado. Dahil dito, ang naiipong pera ay mabilis ding maubos sa kalaunan.

Hinihikayat natin ang mga Pilipino na maging disiplanado sa pangmatagalang pagiisip ng pera – at dahil isa itong abilidad na na­ngangailangan ng mahabang panahon at pasensya, nararapat lamang na maintindihan ang mga iba’t ibang ins­trumento na maaaring paglagakan ng naipong pera upang mas lumago at lumaki.

Bukod sa paglagay ng pera sa mga digital banks na sa ngayon ay nagbibigay ng mataas na interes, mainam na tingnan din ang mga iba’t ibang insurance products hindi lamang para sa pagprotekta ng buhay, kungdi pati na rin sa pagiipon ng pera dahil ang insurance ay tumatakbo rin na parang investment dahil kumikita ito habang hindi pa ginagamit.

Ugaliing magtabi ng pera kada sweldo o magtabi ng x% ng kinitang pera upang ilaan sa pag­iinvest sa iba’t ibang instrumento. Halimbawa ay ang paginvest sa stocks, bonds, insurance at iba pa. Mahirap sa simula, mas lalo na kung mara­ming gastusin kung kaya’t kinakailangan ang disiplina dito at ang matatag na pananaw na unahin ang pagpapalago ng pera imbes na gastusin sa mga bagay na hindi naman pagkakakitaan. Maaaring maglaan ng ilang pors­yento mula sa sweldo o sa kinita ng negosyo para sa pagiipon nang pangmatagalan. Sa ganitong paraan nagsisimula ang pagkakaroon ng long term money mindset.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang kumpanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa digital at culture transformation. Siya ay nagtuturo ng strategic management sa MBA Program ng De La Salle University. Ang may-akda ay maaring i-email sa rey.lugtu@hungryworkhorse.com

Recent Posts

Bridging cultural gaps through education

J. Albert Gamboa l May 17, 2024 l The Manila Times THE provincial capital of Bataan — Balanga — is emerging as a major educational

Moving in the city

BENEL D. LAGUA l May 16, 2024 l Manila Bulletin One of the concerns confronting economic growth in our country is the logistical cost of

Financial literacy: An evolving advocacy

Dr. Conchita L. Manabat l May 15, 2024 l Business Mirror “Don’t save what money is left after spending. Rather, only spend the money that

ANG PAG-USBONG NG CRYPTOCURRENCY

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l May 15, 2024 l Pilipino Mirror SA KASALUKUYAN, ang pamumuhunan sa ­cryptocurrency sa Pilipinas ay patuloy na lumalago at ­nagiging

Planning

FLOR G. TARRIELA l May 14, 2024 l Manila Bulletin  Dwight Eisenhower: “Plans are nothing; Planning is everything.” What is planning? Is it important? Benjamin

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189