MGA BAGAY NA DAPAT TUONAN SA BATAS PARA PROTEKSYUNAN ANG MGA HUMIHIRAM NG PERA SA FINANCE O LENDING COMPANIES

Carlos Rheal Cervantes l June 7, 2023 l Pilipino Mirror

SA NAKARAANG General Membership Meeting ng ­Philippine Finance Association nitong May 30, 2023, ­ibinahagi ng SEC (Securities and Exchange ­Commission) Atty Jay ­Jamandre ang mga importanteng malaman sa ­ilalabas na Implementing Rules (IRR) ng SEC para sa Financial ­Consumer Protection Act.

Ang bagong batas ay ang Republic Act 11765, o mas kilala sa tawag na “Financial Products and Services Consumer Protection Act” (FCPA).

Noong January 2022, sinabi ni BSP governor na and FCPA ay layuning maproteksyunan ang bawat Juan at Maria na guma­gamit o gagamit ng financial transactions, maging deposito o savings ito para sa kinabukasan ng mga anak o kanilang eduka­syon o kapag humihiram ng Pera para palaguin ang negosyo, padala ng pera sa kaibigan at kapa­milya o pagbayad ng biniling bagay sa online. Ang batas ay makakatulong sa financial konsyumers.

Cooling off period – binibigyan ang mga gumagamit o Gagamit ng financial service ng sapat na panahon na hindi bababa ng Tatlong (3) araw, para pag aralan ang ino-offer ng marketing officer ng financial service provider (Sec 2.2 rule 8) na hindi napepressure ng marketing officer. May karapatan and konsumer ba kanselahin ng walang penalty sa loob ng Cooling-off period.

Transparency, disclosure and responsible Pricing – importanteng maibahagi o maipresenta ng isang Financial Service provider sa Konsumer ang mga dokumentong malimit na naka sulat sa inglis sa paraan or salita na maiintindihan ng Konsyumer.

Prohibition on employment of abusive collection or debt recovery practices (sec 4.4 rule 8)- nagbigay ang SEC ng mga bawal na pamamaraan ng FSP sa agresibong pamamaraan ng collection.

FCPA mechanism- inaatasan na ang bawat FSP ay magkaroon ng sistema o departamento na tutulong sa konsyumer kung may idudulog itong reklamo sa FSP. Binibigyan ang FSP ng 2 araw para mag reply sa konsyumer tungkol sa kanyang reklamo or katanungan.

Consumer protection Risk Management System – inaatasan ang lahat ng Financial Service provider na gumawa ng sistema na proteksyonan ang mga humihiram o gumagamit ng financial services.

Marahil, lahat tayo ay nakatanggap na ng offer or proposal sa FSPs na malimit ay humihingi ng agarang sagot sa atin. Ito ay tinatawag na “pressure selling or marketing”. Mas malimit din na nakakarinig tayo ng masamang paraaan sa collection ng past due accounts.

Maliwanag sa bagong IRR ng SEC na layunin nitong maproteksyunan ang lahat ng konsyumer ng Financial Services na inooffer ng Financing o Lending companies. Isinusulong din ng SEC na maging maingat ang FSP at ilagay ang hinihinging sistema ng SEC para laging maproteksyunan ang konsyumer.

Para sa mga konsyumer na kailangang mag sampa ng reklamo sa isang FSP, importanteng maisagawng pormal ang reklamo sa loob ng 5 taon na prescription period.

May nakasulat na criminal at civil penalties sa mga bagay o gawain na inilabag ng FSP o ng mga tauhan nito.
Sa ating mga konsyumer, magtanong o pag aralan ang bagong batas.

*** Si Carlos Rheal Cervantes ay Chairman ng FINEX Affi­liates & Partnerships and Membership Committees. Siya rin ay Chief Operating Officer ng Power­Source Group of Companies, isang sustainable energy solutions company.

Recent Posts

Bridging cultural gaps through education

J. Albert Gamboa l May 17, 2024 l The Manila Times THE provincial capital of Bataan — Balanga — is emerging as a major educational

Moving in the city

BENEL D. LAGUA l May 16, 2024 l Manila Bulletin One of the concerns confronting economic growth in our country is the logistical cost of

Financial literacy: An evolving advocacy

Dr. Conchita L. Manabat l May 15, 2024 l Business Mirror “Don’t save what money is left after spending. Rather, only spend the money that

ANG PAG-USBONG NG CRYPTOCURRENCY

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l May 15, 2024 l Pilipino Mirror SA KASALUKUYAN, ang pamumuhunan sa ­cryptocurrency sa Pilipinas ay patuloy na lumalago at ­nagiging

Planning

FLOR G. TARRIELA l May 14, 2024 l Manila Bulletin  Dwight Eisenhower: “Plans are nothing; Planning is everything.” What is planning? Is it important? Benjamin

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189