Carlos Rheal Cervantes l June 7, 2023 l Pilipino Mirror
SA NAKARAANG General Membership Meeting ng Philippine Finance Association nitong May 30, 2023, ibinahagi ng SEC (Securities and Exchange Commission) Atty Jay Jamandre ang mga importanteng malaman sa ilalabas na Implementing Rules (IRR) ng SEC para sa Financial Consumer Protection Act.
Ang bagong batas ay ang Republic Act 11765, o mas kilala sa tawag na “Financial Products and Services Consumer Protection Act” (FCPA).
Noong January 2022, sinabi ni BSP governor na and FCPA ay layuning maproteksyunan ang bawat Juan at Maria na gumagamit o gagamit ng financial transactions, maging deposito o savings ito para sa kinabukasan ng mga anak o kanilang edukasyon o kapag humihiram ng Pera para palaguin ang negosyo, padala ng pera sa kaibigan at kapamilya o pagbayad ng biniling bagay sa online. Ang batas ay makakatulong sa financial konsyumers.
Cooling off period – binibigyan ang mga gumagamit o Gagamit ng financial service ng sapat na panahon na hindi bababa ng Tatlong (3) araw, para pag aralan ang ino-offer ng marketing officer ng financial service provider (Sec 2.2 rule 8) na hindi napepressure ng marketing officer. May karapatan and konsumer ba kanselahin ng walang penalty sa loob ng Cooling-off period.
Transparency, disclosure and responsible Pricing – importanteng maibahagi o maipresenta ng isang Financial Service provider sa Konsumer ang mga dokumentong malimit na naka sulat sa inglis sa paraan or salita na maiintindihan ng Konsyumer.
Prohibition on employment of abusive collection or debt recovery practices (sec 4.4 rule 8)- nagbigay ang SEC ng mga bawal na pamamaraan ng FSP sa agresibong pamamaraan ng collection.
FCPA mechanism- inaatasan na ang bawat FSP ay magkaroon ng sistema o departamento na tutulong sa konsyumer kung may idudulog itong reklamo sa FSP. Binibigyan ang FSP ng 2 araw para mag reply sa konsyumer tungkol sa kanyang reklamo or katanungan.
Consumer protection Risk Management System – inaatasan ang lahat ng Financial Service provider na gumawa ng sistema na proteksyonan ang mga humihiram o gumagamit ng financial services.
Marahil, lahat tayo ay nakatanggap na ng offer or proposal sa FSPs na malimit ay humihingi ng agarang sagot sa atin. Ito ay tinatawag na “pressure selling or marketing”. Mas malimit din na nakakarinig tayo ng masamang paraaan sa collection ng past due accounts.
Maliwanag sa bagong IRR ng SEC na layunin nitong maproteksyunan ang lahat ng konsyumer ng Financial Services na inooffer ng Financing o Lending companies. Isinusulong din ng SEC na maging maingat ang FSP at ilagay ang hinihinging sistema ng SEC para laging maproteksyunan ang konsyumer.
Para sa mga konsyumer na kailangang mag sampa ng reklamo sa isang FSP, importanteng maisagawng pormal ang reklamo sa loob ng 5 taon na prescription period.
May nakasulat na criminal at civil penalties sa mga bagay o gawain na inilabag ng FSP o ng mga tauhan nito.
Sa ating mga konsyumer, magtanong o pag aralan ang bagong batas.
*** Si Carlos Rheal Cervantes ay Chairman ng FINEX Affiliates & Partnerships and Membership Committees. Siya rin ay Chief Operating Officer ng PowerSource Group of Companies, isang sustainable energy solutions company.