PAANO NAG UMPISA ANG PERAPERA?

Joseph Albert Gamboa l May 31, 2023 l Pilipino Mirror

Ang Financial Executives Institute of the ­Philippines (FINEX) ay nakipag alyansa sa ALC Group of Companies para sa pagsusulong ng ­financial literacy at inclusion. Ang Citystate ­Savings Bank (CSBank), isang kumpanya na registered sa ­Philippine Stock Exchange at miyembro ng ALC Group, ay pumirma ng memorandum of agreement sa FINEX noong ­nakaraang taon upang ijumpstart ang joint ­advocacy project, kasama ang Pilipino Mirror. Ang mga signatory ng project ay sina 2022 FINEX President ­Michael Arcatomy Guarin at CSBank Executive Vice President at COO Jaime Valentin Araneta.

Ang Philippine Business Mirror Publishing Inc., isang subsidiary ng ALC Group, ay matagal nang media partner ng FINEX. Bukod sa lingguhang “Free Enterprise” column sa Business Mirror, may ugnayan din ang FINEX sa isa pang ALC affiliate, ang CNN Philip­pines, sa pagsakop sa iba’t ibang kumperensya. Sa ika-25 anibersaryo noong Agosto 2022, ipinahiwatig ng CSBank ang intensyon nitong palawakin ang pakikipagtulungan na ito sa FINEX sa pamamagitan ng tatlo pang kaakibat na media outlets nito, ang Pilipino Mirror, DWIZ-AM, at IZTV na kilala bilang Aliw23 sa ngayon.

Noong nakaraang Disyembre 28, 2022, inilunsad ng CSBank at FINEX, kasama ang Pilipino Mirror, ang “PeraPera” – isang lingguhang kolum sa pahayagan na inilathala sa mga print at online edition ng Pilipino Mirror, ang nauunang at nagiisang business tabloid sa bansa na target ang CDE market. Sina Rey Lugtu, Edith Dychiao, Tonyboy Ongsiako, Carlos Cervantes, James Bonus, at Joseph Gamboa ang mga FINEX writers na nagsalitan sa pagsulat ng kolum na tungkol sa mga topic tulad ng pag impok ng pera at kung paano mamuhunan sa mga merkado ng kapital.

Ang nilalaman para sa PeraPera ay patuloy na ibinibigay ng mga resource person mula sa FINEX na tumatalakay sa mga pangunahing isyu sa personal finance at financial inclusion para sa masa. Ang joint project na ito ay pinangunahan ng 2022 FINEX Media Affairs Committee at Integrated Marketing Communications Unit ng CSBank.

Ang ALC Group ay itinatag ng yumaong Ambassador Antonio L. Cabangon-Chua at meron din negosyo sa automotive, education, insurance, banking and finance, security, property, at hotel management at iba pa.

Noong nakaraang Nobyembre 2022, nakipagtulungan ang ALC Group sa Department of Education (DepEd) External Partnership Service sa pagsasagawa ng pulong ng mga stakeholders at partners upang manawagan ng suporta sa pribadong sektor para sa mga paaralang naapektuhan ng sunod sunod na mapaminsalang bagyo. Pinangunahan nina DepEd Directors Ronilda Co at Edel Carag ang nasabing event na ginanap sa Citystate Tower Hotel sa Ermita, Maynila. Ang ALC Group ay kinatawan nina CSBank President Benjamin V. Ramos at CSBank COO Jaime Valentin L. Araneta, at mga opisyal ng Fortune Life na sister company ng CSBank na kabilang din sa ALC Group.

*** Ang may-akda na si Joseph Araneta Gamboa (JAG) ay kasalukayang Director at Chief Finance Officer ng Asian Center for Legal Excellence, isang accredited provider ng Supreme Court para sa Mandatory Continuing Legal Education (MCLE) courses ng mga abogadong Pilipino. Sumi­silbi din si JAG bilang Vice Chairman ng Ethics Committee sa Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX).

Recent Posts

Lumiliwanag ang Pagbabago sa Agrikultura

Joseph Araneta Gamboa l November 20, 2024 l Pilipino Mirror “Illuminating Change” ang naging tema ng 17th Bright Leaf Awards na ginanap noong Nobyembre 14,

A Vietnam sojourn

Wilma C. Inventor-Miranda l November 20, 2024 l Business Mirror It was the first time for my husband, daughter and me to visit Ho Chi

Resurgence of the Philippine property sector

J. Albert Gamboa l November 19, 2024 l Manila Bulletin Earnings of major Philippine real estate companies have grown significantly over the past three years

Life beyond POGOs

J. Albert Gamboa l November 15, 2024 l The Manila Times THE country’s gaming industry is seen to weather the storm from the controversial Philippine

2024 ING FINEX CFO of the Year

Flor G. Tarriela l November 15, 2024 l Business World Today is a big day! We will know tonight, Nov. 15, at Shangri-La the Fort

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189