ANG PAGLIKHA NG ECOSYSTEM

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l May 17, 2023 l Pilipino Mirror

Sabi nila, “it takes a village to raise a child.” Sa panahon ngayon, nararapat ding sabihin na, “it takes a village to run a household.”

Hindi na ganun kasimple ang pamumuhay ngayong mga panahong ito, gawa ng napakaraming mga produkto, serbisyo at iba pa na avai­lable sa ating lahat. Dahil sa nagbabago rin ang mga lifestyle at prefe­rences ng mga indibidwal o pamilya, nagiging mas komplikado rin ang pag manage ng mga kailangan upang mapanatili ang ganitong pamumuhay.

Noong panahon ng pandemya ay nanatili lamang tayo sa ating mga tahanan at dito naging malakas ang serbisyo ng mga TNVS o mga taga­bigay ng Transport Network Vehicle Service. Dahil dito, nagkaroon ng pagpipilian ang mga consumers: ang mamili mismo sa mga tindahan o ang mag order online at ipadeliver na lamang ang mga ito.

Ilan sa mga serbisyong kina­kailangang magtatag ng ecosystem ay ang mga sumusunod. Ang ecosystem na ito ay isang pamamaraan ng pagmanage ng household gamit ang smartphone na hindi na nanga­ngailangang pisikal na pumunta sa lugar.

1. Bangko – i-save ang numero ng branch at alamin kung sino ang Service Manager. Karamihan sa mga ito ay may Viber, i-save ang numero upang mas mabilis ang transaksyon.

2. Botika – nasa website ang lahat ng branches ng mga botika. Halimbawa, sa lungsod ng Las PInas, alamin at i-save ang Viber numbers ng lahat ng branches upang sa gayun ay mas mabilis malalaman ang availabi­lity ng mga gamot na kailangan, mas lalo na kung madalian itong kaila­ngan. Mabilis sila sumagot at maaa­ring magbayad gamit ang mga fintech apps. Sa ganitong pamamaraan, kukunin na lang sa botika ang gamot. Upang maging mas mabilis, ugaliing pumili sa lane ng “order via phone”

3. Palengke/Gulayan – maiging maghanap ng 2-3 na suki sa mga ganitong pangangailangan, nang sa gayon ay hindi matali sa iisa lamang at walang alternatibo. Magkaroon ng suki para sa karne (manok, baboy at baka), isda at gulay.

Kadalasan ay maaari nang magorder online sa pamamagitan ng FB messenger o Viber at digital na rin ang paraan ng pagbabayad. Marahil isang isyu dito ay ang kagustuhan na makapili ng sariwang karne o gulay. Bigyan ng oportunidad ang digital suki na makapagpili ng maayos na produkto para sa iyo at kung hindi naman akma sa kagustuhan ay kadalasan maaari itong palitan. Sa pagpili ng gulay, magandang magkaroon ng suki sa mismong palengke at sa mga gulayan o talipapa na karaniwang makikita sa loob ng subdivision o village. Sa gani­tong paraan ay mayroon kang “back up” na tinatawag sakaling wala ang gulay na kailangan sa araw na iyon. Bukod dito, mas nakakatipid kung aaraw-arawin ang pagbili ng gulay kaysa sa isang bagsak dahil kadalasan ay masisira lang ang mga ito. May mga gulayan na maaaring magdeliver sa iyong bahay din.

4. Grocery – marami pa rin sa atin ang mas pinipiling bumili nang personal sa mga grocery stores. Mala­king tulong ang nagagawa ng pagbili ng grocery items online mas lalo na kung suki ka na sa isang grocery store lamang.

Nagkakaroon na ng digital identity at nagiging kilala ka na sa mga personal shoppers kung kaya’t malalaman na nila ang mga inoorder na kadalasan at alam na ang mga brand o tatak ng mga gamit na gusto. Dahil dito, mas madali ang transaksyon sakaling hindi available ang mga naorder at ang pagpili ng kapalit ay mas madaling madedesisyunan.

Ugaliing i-save ang numero ng grocery store at hangga’t kaya, ang mga numero na rin ng mga personal shoppers.

5. At iba pa – alamin ang pang araw araw na ginagawa o panga­ngailangan ng pamilya. Kung ikaw ay may anak na mahilig mag gym o boxing, alamin at kilalanin ang pinakamalapit na gym sa inyong lugar at kausapin sila sa pamamagitan ng Viber. Maaaring magkaroon ng discount sa membership fee dahil na rin sa tagal ng pagiging miyembro dahil kilala ka na.

Sa panghuli, ang paglikha ng sariling ecosystem para sa iyong household ay hindi nangyayari overnight. Nangangailangan ito ng panahon at digital transactions upang makilala ka at magkaroon ng digital identity. Sa pamamagitan nito ay nagiging suki ka at alam naman natin ang pag-alaga ng mga negosyante sa mga suki nila o “repeat customers.” Ang pagiging palakaibigan o friendly ng mga Pilipino ay nakakatulong din sa ganitong sitwasyon sapagkat nagkakaroon ng pagkakakilala at hindi magiging mahirap makipagusap sakaling magkaroon ng aberya.

Lahat ng ito ay maaaring magawa ng mga indibidwal na mahilig magtransact online at ito ang pangako ng teknolohiyang digital – ang pagtanggal ng mga sayang oras na aktibidad upang maituon ang pansin sa mas importanteng gawain sa pang araw-araw, gaya ng paghahanap buhay.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang kumpanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa digital at culture transformation. Siya ay nagtuturo ng strategic management sa MBA Program ng De La Salle University. Ang may-akda ay maaring i-email sa rey.lugtu@hungryworkhorse.com

Recent Posts

New start

Dr. George Chua l December 19, 2024 l Manila Bulletin When we come to the close of the current year we inevitably start a new

Pagbutihin ang Serbisyo sa mamamayang Pilipino

J. Albert Gamboa l Disyembre 18, 2024 l Pilipino Mirror “SERVICE Excellence” ang mantra ng karamihan sa mga institusyon sa ­pampubliko at pribadong sektor ng

Global Economy in 2025–Boom or Bust?

Wilma C. Inventor-Miranda l December 18, 2024 l Business Mirror The year 2024 is almost over and there are so many global events happening in

World peace for now- but till when?

Zoilo “Bingo” P. Dejaresco III l December 17, 2024 l Manila Bulletin In the eyes of the West, the future of global peace hinges on

The scourge of celebrities in politics

Benel D. Lagua l December 13, 2024 l Business World With elections looming in 2025, this writer is amazed at the audacity of celebrities and

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189