BUWANANG ANTAS NG TUBO NG CREDIT CARD AT PAGBABAYAD NG MAMIMILI NA GAMIT ANG PERANG HAWAK

Carlos Rheal Cervantes l May 3, 2023 l Pilipino Mirror

MAHALAGANG matutunan ng may sapat na gulang na pilipino ang pag aalaga ng sariling kredito at ang pag intindi ng binabayarang antas ng tubo sa “credit card”.

Itong nakaraan na Enero 2023, itinaas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa hanggang tatlong porsyento (3%) kada buwan ang antas ng tubo sa mga transaksyon ng “credit card”. Itong antas ng tubo ay ipinapataw sa mga natitirang transaksyon o balanse na hindi nabayaran sa tamang petsa ng buong hulugan o bayarin. Idineklara din ng BSP na hanggang isang porsyento (1%) kada buwan (add-on rate) naman ang pinakamataas na antas ng tubo ang ipapataw. Idinagdag pa ng BSP na and pinakamataas na “processing fee” na pwedeng singilin ng kompanya ng “credit card” sa “credit card cash advance” ay dalawang daang piso (P200).

Pinapaalala din ng BSP na itong bagong deklarasyon ng pagtaas ng antas ng tubo noong Enero 2023 ay pagkatapos ng pansamantalang tulong sa mga mamimili sa panahon ng pandemyang COVID 19. Dahil na rin sa kasalukuyang pagtaas ng implasyon, naapektuhan na rin nito ang pagtaas ng antas tubo sa pautang man o sa mga depo­sito sa bangko.

Ano man ang dahilan, mainam pa rin na maintindihan ng mamamayan o mamimili ang tunay na antas ng tubo kung ikukumpara mo ito sa perang hawak sa kasalukuyan. Mali­naw na ang buwanang antas ng tubo na 1% at 3% ay simpleng maikukumpara sa 12% at 36% sa isang taon (per annum) kung ang 1% at 3% ay simpleng minumultiplikahan ng labindalawang buwan sa isang taon. Ngunit, ang pagbabayad ng tubo na buwanan na 1% o 3% ay hindi katumbas ng halaga ng pagbayad ng isahan sa dulo ng isang taon sa simpleng antas na 12% o 36%. Dito pumapasok ang konseptong Time Value of Money (TVM). Ipinapakita sa TVM, gamit ang pormula ng Effective Annual Interest Rate, na mas malaki ang halaga ng pera ngayon kumpara sa hinaharap sapagkat ang buwanang bayad na 1% o 3% ay magkasing ha­laga sa epektibo o tunay na taunang antas ng tubo na 12.68% at 42.58%. Kung idadagdag pa and dalawang daang pisong “processing fee”, tiyak na mas mataas pa ang epektibong antas ng tubo depende sa pangunahing halaga.

Sa mamimili, mainam na alam nito ang epektibong taunang antas ng tubo upang makapag desisyon ito kung gagamitin na nito ang hawak na pera o ipagpaliban ang pagbayad sa kadahilanang may mas mataas o magandang paglalagyan ng perang hawak.

*** Si Carlos Rheal Cervantes ay Chairman ng FINEX Affi­liates & Partnerships and Membership Committees. Siya rin ay Chief Operating Officer ng Power­Source Group of Companies, isang sustainable energy solutions company.

Recent Posts

COMPLIANCE, GAANO KAHIRAP?

January 22, 2025 l Pilipino Mirror TUWING may kakilala o kaibigan ako na may ­negosyo na lalapit sa akin upang magpatulong sa kanilang  ­regulatory compliances

Inspire to motivate

January 21, 2025 l Manila Bulletin In this age of social media and the internet, it is easy to browse and search for motivational quotes,

Ambisyon Natin 2040

January 17, 2025 l Business World I recently attended the Annual Tax Symposium of SGV & Co., where National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie

Looking forward to 2025

January 16, 2025 l Manila Bulletin I asked PNB’s Economist and Research Head Alvin Arogo about the 2024 economic results. He said the Philippine economy

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189