PAANO KUMITA SA PAGIGING FREELANCER

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l April 19, 2023 l Pilipino Mirror

MALAKING tulong ang naibibigay ng teknolohiya sa ating pang araw araw na buhay. Ilan sa mga ito ay ang paggamit ng digital banking services, kung saan hindi na kailangan pumunta sa branch ng banko upang magwithdraw o magdeposito ng pera. Bukod dito, ang pagbili sa grocery ay maaari na ring gawing online. Ang mga halimbawang ito ay nakakapagbigay sa atin ng karagdagang panahon upang gawin ang mga mas importanteng bagay kung kaya’t hinihikayat ang paggamit ng teknolohiya hindi lamang sa mga consumers tulad natin kundi pati na rin sa mga kompanya na naglalayong maging mas epektibo ang operasyon at iba pang aspeto ng negosyo.

Sa usaping negosyo, maraming oportunidad ang maaaring tingnan para sa mga indibidwal na nagnanais kumita ng pera sa pamamgitan ng pagiging online. Ang konsepto ng pagiging online ay nangangahulugang ikaw ay konektado sa internet at maaaring magtrabaho gamit ang iyong computer o laptop.

Maraming mga companya o mga indibidwal sa ibang bansa ang naghahanap ng mga tao na maaaring maoutsource ang parte ng kanilang trabaho upang matuon ang kanilang pansin sa mas importanteng aspeto ng kanilang trabaho. Kung tayo dito ay gumagamit ng digital banking services o nagoorder online upang ang oras natin ay magamit sa ating trabaho, ganun din ang mga kompanya o indibidwal overseas na tumitingin ng mas murang labor para magawa nila ang mas kailangan nilang gawin. Ang halimbawang ito ay matatagpuan sa mga freelancing websites kung saan maraming Pilipino ang nagapply bilang virtual assistant (isang halimbawa ng freelancing job) para sa mga kliyenteng naghahanap ng ganitong serbisyo na mas murang halaga. Mas mahal kung ito ay kukuhanin sa Estados Unidos, halimbawa, kumpara kung ito ay i-outsource sa isang PIlipino na di hamak mas mababa ang per hour rate. Sa ganitong paraan, nagiging win-win ang set up at nagkakaroon ng alternatibong pangkabuhayan ang mga Pilipino sa pamamagitan lamang ng paggamit ng internet.

Marami ang nahihikayat ng freelancing lalo na sa mga Pilipino na hindi makaalis ng bahay, halimbawa na ang mga stay-at-home (SAHM) na mga nanay na nagnanais kumita habang nasa bahay lamang. Bukod dito, may mga Pilipino rin na napupunta sa freelancing upang madagdagan ang kita, kahit pa ang ibig sabihin nito ay magtrabaho sa madaling araw upang hindi makaabala sa pang-araw na trabaho.

Ganito ngayon ang naibibigay na mga oportunidad ng digital technology, at makikita natin kung paano nito binabago ang larangan ng paghahanap buhay para sa isang bansang katulad ng Pilipinas. Sa panahon ngayon, hindi na kinakailangan na ikaw ay nasa opisina o sa isang pisikal na lugar upang magtrabaho; bagkus, maaari nang kumita kahit nasa bahay lamang. Isa itong magandang halimbawa kung paano nababago ang ating pamumuhay ng teknolohiya.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang kumpanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa digital at culture transformation. Siya ay nagtuturo ng strategic management sa MBA Program ng De La Salle University. Ang may-akda ay maaring i-email sa rey.lugtu@hungryworkhorse.com

Recent Posts

Linggo ng Econ at Fin Lit

Earvin Salangsang l November 13, 2024 l Pilipino Mirror ANO ang inflation? Ano ang sanhi nito? Ano ba ang law of supply and demand? Paano

Unlocking investments in clean energy

Joseph Araneta Gamboa l November 13, 2024 l Business Mirror THE future of energy is always in a state of flux, making it difficult to

Social media’s market influence

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l November 8, 2024 l Business World In recent years, social media has evolved from a tool for personal connection to

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189