Carlos Rheal Cervantes l March 8, 2023 l Pilipino Mirror
IMPORTANTE sa mamamayang Pilipino ang karagdagang kaalaman sa mga bagay na makaapekto sa buhay. Isa nito ay ang kuryente o power sa mga lugar na hindi abot ng mga malalaking electric company o electric cooperatives. Ito ang mga unserved or underserved areas ng bansa. More information means more power. Kahit ang power na kuryente ay hindi abot sa ibang lugar, yung kaalaman na power naman ay puede natin ibahagi.
Masuwerte pa rin ang mga taga siyudad at natatamasa ang tuluy-tuloy na daloy ng kuryente sa halagang kaya ng ating bulsa. Gayun din ang ating mga kababayan sa mga kanayunan na hindi abot ng linya ng kuryente na nagmumula sa mga malalaking pribadong kumpanya tulad ng MERALCO at mga Electric Cooperative sa mga probinsiya. Nabibilang dito ang apat na lugar sa isla ng Palawan tulad ng Candawaga, Rizal; Port Barton; Liminangcong; at ang Isla ng Manamoc. Kasama din dito ang Malapascua sa Cebu at Balut Island sa Davao Occidental. Ang mga pribadong kumpanya na nagpapatakbo ng planta at namamahagi ng kuryente sa mga lugar na ito ay tinatawag na Qualified Third Party (QTP).Sa kasalukuyan, marami pa rin nag papangarap na mag trabaho sa abroad. Ano kaya kung meron tayo ng mga pasilidad tulad ng ibang bansa? Mababawasan ang pag trabaho ng ating mga kababayan sa abroad at mapalayo sa pamilya, at makatulong para umunlad ang atin economiya.
Bagamat mababa ang kuryente sa nasabing mga lugar ng QTP, ang kanilang binabayad na taripa sa kuryente ay binibigyan o dinadagdagan ng subsidiya ng ating gobyerno na nagmumula sa binabayad ng mga customer ng kuryente sa Luzon, Visayas, Mindanao grid at off-grid na lugar katulad ng Palawan, Mindoro, Romblon at iba pa. Ibig sabihin nito, kung walang subsidiya ang gobyerno, ang presyo ng kuryente sa nasabing mga lugar ay aabot sa di bababa o higit P60 bawat kWh. Ito ay maaring tumaas o bumaba kasabay ng pag-galaw ng presyo ng langis sa mercado.
Ang subsidiya para sa Universal Cost for Missionary Electrification (UCME) ay pinamamahalaan ng PSALM at ibinibigay sa National Power Corporation (NPC) ayon sa na-aprubahang budget ng nasabing ahensiya para sa mga 278 na Small Power Utilities Group (SPUG) at New Power Providers (NPP)/QTPs.
Ang ideal na sitwasyon ay kapag nagamit na ang langis sa makina, makakapagbigay na rin ng subsidiya ang NPC upang maibayad naman ng QTP sa kanilang supplier ng fuel. Ngunit dahil sa pagtaas at malikot na presyo ng langis sa merkado, simula pa lang ng 2023 ay hindi na sapat ang budget ng NPC para sa nasabing subsidiya ng langis para sa SPUG at NPPs/QTPs. Sa kasalukuyan, humihingi pa lamang ang NPC ng karagdagang budget sa Kongreso para mapunuan ang kakulangan sa 2023.
Dahil sa ganitong sitwasyon, ang mga pribadong kompanyang namamahala ng SPUG at NPPs/QTPs ay nahihirapan ding bayaran ang kanilang mga supplier ng langis sa QTP. Kung magpapatuloy ang ganitong kalagayan, ang ibang hirap na mga SPUG at NPP/QTP na kompanya ay pansamantalang tumigil ng operasyon upang maiwasan ang patuloy na kawalan ng pondo na ibabayad sa mga fuel suppliers nito. Samantala, dahil sa pangangailangan ng NPC na madagdagan ang kanilang pondo sa 2023 budget, ito ay kanilang inaayos sa pamamagitan ng pag apply ng loan sa mga bangko. Kailangan ring marepaso ang mga proseso sa pagbigay ng NPC ng subsidiya sa mga pribadong kumpanya ng QTPs upang mapabilis ito at hindi tumagal ng higit siyam na pung (90) araw.
*** Si Carlos Rheal Cervantes ay Chairman ng FINEX Affiliates & Partnerships and Membership Committees. Siya rin ay Chief Operating Officer ng PowerSource Group of Companies, isang sustainable energy solutions company.