SIM CARD MO, I-REHISTRO MO

James Patrick Q. Bonus l February 22, 2023 l Pilipino Mirror

SMART ka ba, GLOBE o DITO? Alinman ang mobile tele­communications provider na gamit mo, siguraduhing ­nakarehistro ang iyong subscriber identity module (SIM) card bago mag-Abril 26 ngayong taon, alinsunod sa Batas Pambansa 11934 at mga kaakibat nitong alituntunin.

Ang layunin ng SIM Card Re­gistration Act ay siguraduhing mananagot ang mga may-ari ng cellphone numbers para mabawasan o malutas ang mga krimen sa bansa tulad ng fraud o scam na talagang laganap sa mga may cellphone. Ayon sa National Privacy Commission, ang mobile number mo ay itinuturing na sensitibong personal information katulad ng iba pang impormasyon na maaaring tumukoy sa iyong pagkakakilanlan.

Mahalaga na maparehistro ang SIM card sa napapanahong paraan upang mapanatili itong aktibo at gumagana. Mahirap ang papalit-palit ng mobile number lalo na’t kung matagal na itong ginagamit at marami na sa mga kaanak, kaibigan at kakilala ang may alam ng numerong ito. Ginagamit na rin ang mobile numbers bilang susi sa mga transaksyong pinansyal o kaya nama’y backup ng login password sa email o social media accounts.

Bukod pa rito, mayroon nang makabagong teknolohiya na guma­gamit ng alternatibong impormasyon tulad ng SIM card data upang matiyak ang kakayahang magbayad ng umuutang. Ang mga katangian tulad ng edad ng SIM card, gaano kadalas mag-reload o magbayad ang may-ari, o kung ginagamit ang mobile number sa trabaho o negosyo ang mga pwedeng basehan kung ang umuutang ay masinop sa pera o mapagkakatiwalaang magbabayad sa uutangin. Mawawala ang mahalaga at katangi-tanging impomasyon na ito kung magpapalit ng number o hindi ito mairerehistro.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Siguraduhing rehistrado na ang iyong SIM card at alagaang mabuti ang iyong mobile number. Malay mo, baka ang SIM card mo pala ang dahilan kung bakit ka naaprubahang bumili ng gadget na hulugan o makahiram ng salapi mula sa bangko pambayad ng matrikula.

*** Ang may-akda na si James Patrick “Japs” Bonus ay kasaluku­yang Deputy Country Manager & Chief Finance Officer ng FinScore, isang fintech firm na tumutulong sa mga lehitimong kumpanyang nagpapautang sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya na sumusuri sa kakayahang magbayad ng nanghihiram gamit ang alternatibong impormasyon na hinda tradisyonal na ginagamit sa pagpapautang. Nagtuturo din si Japs sa mga propesyonal na programa ng Bankers Institute of the Philippines at iba pang organisasyon sa pamamagitan ng Acepoint.ph Training Consultancy Services.

Recent Posts

Looking forward to 2025

January 16, 2025 l Manila Bulletin I asked PNB’s Economist and Research Head Alvin Arogo about the 2024 economic results. He said the Philippine economy

Capital market watchlist

January 15, 2025 l Business Mirror THE Asian Financial Crisis of 1997 has brought to surface the realization that Asian economies cannot and should not

Using AI is strategic planning

January 14, 2025 l Manila Bulletin Strategic planning is more critical than ever as organizations gear up to navigate the challenges and opportunities of the

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189