PANAHON NG PAGTITIPID

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l January 18, 2023 l Pilipino Mirror

ANG MGA hinaharap nating hamon ukol sa seguridad ng pagkain ay nangangahulugang napapanahon na ang pagtitipid. Marami sa atin ang hindi muna bumibili ng sibuyas dahil na rin sa mataas nitong presyo, at nagbabadya ring tumaasa ng mga ibang produkto kagaya ng itlog kung kaya’t habang maaga ay pag-isipan na ang mga paraan kung saan tayo puwede makatipid.

Sa panahon ngayon, mainam na matutunan ang mga iba’t ibang pamamaraan ng pagtitipid. Papaano natin sisimulan ito?

Narito ang mga tips para makatipid sa pagkain sa pang araw araw:

1. Planuhin ang mga putahe at ihahain na pagkain sa pamilya. Maigi na pag-isipan ang mga ulam na lulutuin upang maiwasan ang paggastos nang ‘di kinakailangan. Tingnan ang mga ingredients na mayroon na sa bahay at gamitin ang mga ito. Mainam na magbaon din ng pagkain kapag pumapasok sa trabaho imbes na bumili ng pagkain sa labas. Isang alternatibo pa ay ang paggamit ng mga plantbased proteins na mas mura kumpara sa manok o baka. Ang TVP o textured vegetable protein ay nagkakahalaga ng higit kumulang na Php150 kada kilo na maaaring maging pamalit sa giniling, na halos doble naman ang kada kilo kung baboy. Sari-saring recipes ang makikita sa internet na maaaring gamitin ang TVP.

2. Iwasan ang pag-aksaya ng pagkain. May mga pagkakataon na nagkakaroon tayo ng leftover food o mga tirang pagkain na kadalasan ay ayaw na kainin. Isang paraan ng pagtitipid ay ang paggawa ng bagong putahe mula dito, o ang tinatawag na “recreating dishes using leftover food”. Halimbawa ay kung may tirang adobo o kaldereta, maaari itong himayin at gamitin upang makagawa ng lettuce cups o tacos. Sa ganitong paraan ay may bagong ulam na maaaring magawa na nangangailangan na lamang ng konting sangkap.

3. Pagaralan ang pagtatanim. Naging uso ang pagiging plantitoa t plantita at lubos na makakatulog ng ito kung isasama natin ang paga tatanim ng gulay para makadagdag sa ating mga pang araw arawn a pagkain. Ang mga talbos ay madaling itanim at palaguin, kasama na ang ibang puno na mabilis magbunga ng prutas kagaya ng saging.

Isa pang karagdagang benepisyo ng pagtitipid bukod sa pagtatabi ng pera ay ang pagbibigay halaga sa ating kalusugan. Nangangahulugan ito na makakaiwas din tayo sa sakit, kung hindi ay mas lalong mabubutas ang ating mga bulsa dahil sa karagdagang gastos sa pagpapagamot kung sakali.

*** Ang may-akda ay Founder at CEO ng Hungry Workhorse, isang kumpanya na nagbibigay ng serbisyo ukol sa digital at culture transformation. Siya ay nagtuturo ng strategic management sa MBA Program ng De La Salle University. Ang may-akda ay maaring i-email sa rey.lugtu@hungryworkhorse.com

Recent Posts

The scourge of celebrities in politics

Benel D. Lagua l December 13, 2024 l Business World With elections looming in 2025, this writer is amazed at the audacity of celebrities and

AI-enabled consumers

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 12, 2024 l Manila Bulletin On a breezy December evening in Manila, a young professional stares at her phone,

What I like about Christmas

George S. Chua l December 11, 2024 l Business Mirror THERE are people who find no joy in many situations, including the Christmas season. Perhaps

Simple at Makabuluhang Pasko

Reynaldo C. Lugtu, Jr. l December 11, 2024 l Pilipino Mirror ANG PASKO sa Pilipinas ay isa sa mga ­pinakamasayang panahon, ngunit kadalasang nagdudulot din

Address:

Financial Executives Institute of the Philippines

Roberto de Ocampo Center for Financial Excellence,
Unit 1901, 19/F 139 Corporate Center,
Valero St., Salcedo Village
Makati City, National Capital Region, Philippines

Telephone:
+63 2 8114052 / 8114189