Edith D. Dychiao l January 4, 2023 l Pilipino Mirror
2022 – Naging masaya na ang ating Pasko…
Marami rami din ang gastusin kung i -compare natin noong 2020 hanggang 2021.
Bumalik na ang mga face to face kainan, party at family reunion. Kung meron Revenge Travel – meron ding Revenge Eat Out. Kahit saan ka dumayo, punung puno ang mga kainan, from McDonalds’s , Jollibee hanggang sa mga mamahalin or “social” na kainan gaya ng Lobby ng Manila Pen (mga “Pen Lobbyists” ang tawag sa mga social at social climbers na mahilig tumambay sa lobby ng nasabing hotel sa Makati).
Bumalik na din ang pag-iipon ng mga stars or points sa paboritong kape at tambayan– Starbucks. Dumadami uli ang mga discount cards sa mga wallets – BFF Card, Manila Pen Card at iba pa. ( Hukay sa mga natagong mga bags noong pandemya). Sabi ko sa sarili – “Mukhang nagbalik nang muli ang mga tao sa dating normal nilang buhay”.. There is a BIG “BUT” to all of these ..
Kahit Saan Ka Man Naroroon
Dapat wag natin kalimutan ang Covid 19 pandemic noong 2020. Maraming mahahalagang leksiyon sa buhay ang natutunan natin dito. I think sasang -ayon kayo na dapat ay meron tayong naiipon sa ating mga kinikita. Marami nang paraan ng pag iipon dahil sa teknolohiya. Ang mga bangko ay may mga online aps na kung saan ay pwede na mag ipon na walang minimum initial deposit . Ang nanguna sa online savings ay ang foreign bank na ING – malamang nakita natin sila sa mga malls at mga buildings na nag-aaya na subukan ang kanilang application, at ang interest ay mas malaki sa regular na bank deposits. Sa ating mga local banks , ang nanguna dito ay ang UnionBank, sumunod na ang iba’t ibang bangko. Isa pang paraan ng pag iipon ay sa paggamit ng GCASH at MAYA ( dating Pay-Maya) . Dapat tandaan, mag -iingat din tayo kung ano , saan at paano natin gagawin ang pag iipon. Laging mag tago or I screen shot ang latest balance , huwag I share ang password, laging magpalit ng password, at laging mag log out pagkatapos gamitin ang application.
Pera o Kahon ?
Isa pang style ng pagtitipid ay likumin ang mga hindi na ginagamit na mga damit , sapatos, gadget o kaya mga gamit sa bahay at ibenta ang mga ito. Sumali sa mga chat groups ng barangay o sa community. Hindi lang malilinis ang pamamahay , magiging pera pa ang mga ito. Pagkatapos maibenta , huwag gastusin at i-save na ang ano man ang halagang naibenta. Sa mga gamit na wala nang bumili – maaring i-donate na ang mga ito. Maraming mga kababayan natin ang mga nangangailangan. Maari niyo itong i-donate sa mga lehitimong charity organization. Tulad ng GMA Kapuso Foundation, Boystown , Girlstown, mga Rotary Club, Zonta International, Isa sa paborito ko ang Tzu Chi Foundation. Maaari ding i-donate sa mga organization na tumatanggap ng mga gamit para ibenta ulit – segunda mano style.. pag hindi mo na kailangan ng “extra cash”… Pero ang pinakamahusay na paraan ay , huwag mag shopping ng mga gamit na hindi mo kailangan o mayroon ka na.
IN to Out Ka ba?
Ugali na natin ang mag kape at mag snacks– sa mga sikat na coffee shop. Kadalasan pag may mga bagong bukas na mga coffee shop or kainan, lalo na yung mga foreign brands. Wala namang masama sa mga ganung kinaugalian. . Pero alam nyo ba sa halagang Php 100 a day lang , nakaka Php 2,500 na kayo a month – at sa isang taon Php 30,000 humigit kumulang ang nagastos niyo para maka-kape. Ito ay halos isang taon n nang ang tuition fee. At naipakita ng marami na ito ay pwede na rin pang simula ng Negosyo.
Mr & Ms Wise..
Ngayong patapos na ang holidays , balik na naman tayo sa normal na pamumuhay. Marami sa atin , nagka gastos ng malaki noong Christmas – lalo na pagkatapos ng pandemya.
Ipon na muli ang dapat gawin, pero ano pa ba ang pwedeng gawin? Una sa lahat, i-sort ang mga natanggap na mga regalo. Kailangan o hindi kailangan. Hindi naman masama kung ang mga doble o kaya hindi kailangan na regalo ay inyong ibenta sa mga online sites. Ang mahalaga ay ang napag bentahan na halaga ay dapat ipunin at huwag gastusin. Pwede din isabay ang mga lumang gamit sa pagbebenta, tulad ng damit, sapatos, libro , CDs at ibat ibang gadgets. Kung ikaw naman ay may kaya , pwede din ito ay I -donate na lang sa ating mga kababayan na nangangailangan.
Kung hindi nyo pa nagagawa, mag umpisang gumawa ng budget sa ating mga sahod o kayat mga kinikita. Maglaan ng fixed budget, budget sa pagkain, sa renta, sa kuryente, tubig at pamasahe. Of course kasali na din ang dapat ma – save. IF meron matira, budget din para sa konting kain sa restaurant o kaya sa pag-travel . Kung wala naman. matutong humanap ng mga deals at mga discounts – para makakatipid. Sa nakaraang 2 taon , halos lahat ng mga kailangan natin ay maaari mo nang ma search na online. Hindi naman ibig sabihin ay dapat laging mag add to cart tayo. Kung may kailangan na gamit pambahay , mag research muna kung saan kayo makakatipid. Gumawa ng listahan ng mga kailangan upang malaman kung talaga bang kailangan. Tulad ng sa akin, bumibili ako para sa tatay ko at sa amin. Meron akong listahan. Halimbawa sa toothpaste, dahil 2 at a time ang need ko – nakakahanap ako ng deal na mas mura kung bibili ka ng dalawang piraso or buy 2 take 1 sa mga online sites.
Pag aralan din ang mga sites na namimigay ng mga cash back. Marami ding matitipid sa mga ganung offer. Ang cash back ay mga offer sa mga gumagamit o kaya bumili sa mga sites tapos base sa binayad nyo meron kayong cash back o refund. Halimbawa, merong site na nagbebenta ng mga groceries ,check mo kung meron silang promo na cashback.
Bagong taon, bagong habit na din..tulad ng pagbabawas ng paninigarilyo or ang uso ngayon na vaping. Makatipid din ng malaki kung tayo ay mag babaon – sa office man or sa paaralan. Kung ang pupuntahan ay malapit lang pwede na din maglakad or kaya mag bike.
Marami pang pwedeng gawin na paraan sa pag iipon, pagtitipid o kumita ng extra. Meron ba kayong mga suggestions ?
Your comments are welcome… edithdeedychiao@yahoo.com